Chapter 7
Nakangiting nakatingin si Zach kay Sheena na tinuturuan ng kanilang pinakamatandang kasambahay na si Manang Belen na linisin ang gilid ng pool gamit ang mop.
Isang linggo na ang nakalipas mula nang patuluyin niya ito sa kanilang bahay at pangalanang Kathryn. Malaki na ang pinagbago nito dahil marunong na itong ngumiti at magsilbi nang maayos sa kanila.
Ibinaba niya ang dyaryong binabasa at ininom ang juice na nakapatong sa mesa.
Muli niyang tiningnan ang dalagita.
Masaya ito sa ginagawa at mukhang nag-eenjoy ito.
Napangiti sya nang mapagtantong kanina pa niya tinitingnan ito.
"Come on, focus," kausap niya sa sarili.
Kinuha niya ulit ang dyaryo at nagsimulang magbasa. Napansin niya ang isang balita na bago lang.
Pangulong Leonardo kasalukuyang nasa Europe dahil may inaayos na kasunduan at batas na kailangang mapag-usapan.
Muli niyang itiniklop ang dyaryo at ibinaba. Tiningnan niya si Kathryn na naglilinis pa rin sa gilid ng pool.
Napasinghap sya nang makitang mahuhulog si Kathryn sa pool.
"Kathryn!" Bigla syang napatayo at agad na tumakbo palapit dito.
Nahulog si Kathryn sa tubig at nabitawan nito ang hawak na mop. Walang pinalampas na oras si Zach at agad siyang tumalon sa tubig para tulungan ito. Ahon-lubog ang ginawa ni Kathryn palibhasa'y di sya marunong lumangoy.
Lumapit ang hardinerong si Mang Jove at ang kasambahay na si manang Belen. Tumulong sila para makaahon ang dalagita.
"Ok ka na ba?"
"Sana hindi na muna kita pinaglinis dito. Pasensya na, sir Zach," paumanhin ni manang Belen.
Inalalayan niya ang dalagitang makatayo. Giniginaw ito sa lamig kaya habang nasa loob pa ang tuwalya ay hinubad niya ang suot na t-shirt at iyon ang ginamit niya para pantakip sa suot na damit ni Kathryn.
Manipis lang kase ang suot nitong t-shirt at kung sinumang lalaki ang mapapatingin sa kanyang katawan ay maaaring makapag-isip ng hindi tama.
Pinasuot niya ito ng damit na pag-aari ng kanyang nakababatang kapatid na babae.
Naka-stock lang naman lahat ng yon sa isang drawer dahil wala naman ito sa bahay ay iyon ang pinasuot niya rito.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya rito kahit alam niyang di ito sasagot.
Ngumiti si Kathryn bilang tugon na syang ikinangiti rin niya.
"Uminom ka muna, Kathryn," abot ni manang Belen ng tubig sa kanya.
Kinuha iyon ni Zach at sya na ang nagpainom sa kanya.
"Kathryn, next time wag ka nang maglilinis sa gilid ng pool. Iba na lang gawin mo pero wag yon. Nag-iingat ka dapat."
Hindi alam ni Zach kung saan nanggagaling ang mga sinasabi niya pero pakiramdam niya ay kailangan niyang gabayan at ingatan si Kathryn.
Ano ba talaga ang papel nito sa buhay niya?
"Narinig mo yon? Sipsip rin yang Kathryn na yan eh 'no? Sa dami ng pwedeng landiin, amo pa natin," sabi ng isang kasambahay sa kasama nitong nakikinig sa sinasabi ni Zach.
"Naku. Buhay ni sir yan. Kasambahay lang naman tayo dito eh at yung nangyari kanina baka nga aksidente lang talaga yon. Pag narinig tayo ni sir lagot tayo," tugon naman ng kausap nito.
"Sipsip kasi yang Kathryn na yan. Nilalandi niya si sir. Tingnan mo nga, oh."
"Anong naririnig kong sinasabihan ninyong sipsip at malandi si Kathryn?" Sumingit sa usapan si Lea.
Nagulat at napaayos ng tayo ang dalawa at dali-daling umalis nang biglang sumulpot sa kanilang harapan si Lea.
"Zach, what happened?" tanong ng ginang nang makalapit sa anak at kay Kathryn.
"Mom, she's okay now."
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Tiningnan ni Zach si Kathryn bago ito iniwan.
"Just make sure you're not getting attach with that girl. Kasambahay sya dito. Tratuhin mo nang maayos ang mga kasambahay na naririto at nagsisilbi sa'tin. Walang lamangan."
"Yes of course, "natatawa niyang sagot sa sinabi ng ina.
"Oo nga pala. Natalia is inviting me to come in her wedding next week. Baka gusto mong pumunta."
"Sorry mom, Ikaw na lang. I'm busy. Too busy for that," pagkasabi niyon ay iniwas niya ang tingin.
"Okay. Alam ko naman yon." Nginitian sya nito nang matamis.
~~~~~~
"Thanks for the dinner, kuya," nakangiting pasasalamat ni Lendro kay Mykie. Katatapos lang ng napag-usapan nilang dinner.
Nagsitayuan na silang lahat dahil kailangan ng makauwi ni Lendro.
"Sure. Always welcome soon to be bayaw." Tinapik ni Mykie ang balikat nito at nagngitian sila sa isa't isa.
"Ingat sa pagbiyahe, Len," paalala ni Jana rito.
"Oo naman. Ako pa ba. Pakakasalan pa kita kaya walang mangyayari sa'kin," nagbibiro nitong sabi na ikinatawa ng dalawa.
"Joker pa rin ah."
"Haha. Not really. By the way, thanks ulit sa dinner. Mas masaya sana kung complete family 'no? Your dad, you, kuya Mykie at ang kapatid mong si--"
"Ingat sa pag-uwi, ah?" Niyakap bigla ni Jana ang nobyo para hindi nito maituloy ang balak sabihin.
Napailing na lang si Mykie dahil halatang iwas itong pag-usapan ang kanilang kapatid na maraming taon nang nawawala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top