Chapter 69

  Marahang umupo ang dalawa ngunit di natitinag ang pamilya ni Zach sa nakikita.

"Mom? Dad? Aren't we going to eat?" tanong ni Zach.

"Ah? Eh, good eve to you hija", bati ni Lea sa dalaga.

Ngumiti naman si Clarisse tanda ng pagtugon.

"You surprised us son", ani ni Zairon.

"I told you you were be surprised tonight. Aren't you, Aeriel?"

"I am," at peke itong ngumiti.

"How are you all?" tanong ni Clarisse.

Nagkatinginan ang mag-asawa at iisa ang nais ipahiwatig.

"Maayos lang naman kami dito", nakangiti ngunit naguguluhan pa ring sagot ni Lea.

"Let's eat?" mungkahi ni Zairon na sinang-ayunan na rin nilang lahat at nagsimulang kumain.

"Kath--I mean Clarisse, it's been a long time mula nang manggaling ka rito", simula ni Lea.

"Opo at di ko pinagsisihang naging parte ako ng bahay na to. Ito yung minsang naging tahanan ko", mapagkumbaba niyang sagot.

"You look beautiful", dugtong ng ginang.

"She's really beautiful ever since ma".

Sabay na natawa ang dalaga at Ina ni Zach sa tinuran niya.

"We have no idea na ikaw ang ipakikilala niya sa amin", nagsalita na rin si Zairon. Totoong di nila inaasahang si Kathryn ang darating. Ang akala nila ay ibang babae,babaing ngayon pa lang Nila makikita at makikilala.

"It's me."

"This is what I have dreamt of, dad. Nangako ako sa sarili ko noon na sa oras na bumalik sya, babawiin ko ulit sya".

Natigil sa pagkain si Clarisse at ininom ang tubig na nasa harapan.

Lea smiles while looking at his son beside his woman.

"Matagal ko nang alam na ikaw ang makakatuluyan ng anak ko. Unang araw pa lang na dinala ka niya rito".

"Mom, you're showing me off", tatawa-tawang saad ni Zach.

"At least I'm honest."

"Zach, di naman sa ayoko sa pinili mo pero tatanungin kita anak. Sa dinami-dami ng babae, bakit sya ang napili mo?"tanong ng ama.

Nagkatinginan sina Zach at Clarisse.

"You know me well, dad. I choose wisely. I love her, I really love her. Di ko sinukuan ang pagmamahal ko sa kanya noon pa. Kahit pa pinagtatabuyan niya ako-" tiningnan niya ang dalagang nasa tabi niya.

"I didn't give up. I believe that when you truly love a person, you have to keep fighting before deciding to surrender. Now I have her again, I won't stop choosing her again and again".

Nagkatinginan ang dalawa at di napigilan ni Clarisse na mapangiti sa narinig. Ang paraan kung paano sya nito tingnan sa mata at titigan, kakaiba. Sa pagiging kakaiba nito malalaman mong ibang klase rin ng pagmamahal ang hatid nito.

"Kagaya ng pagpili mo kay mommy, dad. Di mo rin sya sinukuan di ba?"

Tiningnan naman ni Zairon ang asawa at napatango.

"Tama ka, anak".

"Pero paano kayo nagkita ulit?"

"Fate gives us several ways to see and meet each other over again.And we created our own fates too", sagot ni Clarisse.

"Can I ask?" sumingit na sa usapan si Aeriel.

Napako ang tingin nila lahat sa kanya.

"Alam na namin kung gaano ka kamahal ni kuya. Ang di namin alam kung mahal mo ba talaga sya. Mahal mo ba sya?"

"What an interesting question,Aeriel".

"Yes. Nakita ko kung gaano sya kapursigido sa'kin. Ilang beses ko syang pinagtabuyan pero ilang beses din niya pinatunayan sakin kung gaano niya ako kamahal. Kahit noon pa, di niya ako pinabayaan. Akala ko noon, ayoko sa kanya dahil nakukulitan ako sa kanya pero ang totoo,ayoko syang mawala o mapunta sa iba".

"Sabi sa inyo e", inakbayan sya bigla ng binata na syang ikinagulat niya.

"I'm gonna marry this woman soon".

And they all laughed together.

"You will, son", nakangiting sagot ni Zairon.

"Sira ka talaga", kinurot sya nito.

"Talaga naman e. Pakakasalan kita".

"Gusto na namin magkaapo kay Zach", sabi ni Lea at walang anu-ano'y napaubo si Clarisse.

Iniabot naman agad ni Zach ang tubig sa kanya.

"Calm down mom. Nakakagulat ka naman haha. Pero ilan ba gusto ninyong apo sakin?"

Napatingin na lang si Clarisse sa dalawang mag-inang pinagkakaisahan sya.

"Kung ilan kaya ninyo", tatawa-tawang sagot ni Zairon.

"Ilan ba kaya mo soon to be my wife?"

"Sira".

At sabay silang nagtawanan lahat.

"Seryoso ako ah".

"Depende kung gaano ka kasipag", pabirong sagot niya sa nobyo.

"Paano ba yan sobrang sipag ko pa naman. Hahaha".

"Kuya, dahan-dahan lang ah. Huwag biglain", sabay halakhak ni Aeriel.

"Hoy ikaw bata ka saan mo natutunan yan?"tanong ng ama nila.

"Joke lang dad. Di mabiro",Aeriel replied at nagpatuloy sa pagkain.

They all had fun and wonderful dinner tonight. Napuno ng tawanan at kasiyahan ang gabing iyon kasama si Clarisse. Ramdam niyang tanggap sya ng pamilya ng lalakeng minamahal niya kaya nakaramdam din sya ng tuwa sa puso niya.

Bago matapos ang gabi ay binalikan muna nilang dalawa ang ilan sa parte ng bahay na may mga naiwang alaala.

Kasalukuyan silang nasa gilid ng swimming pool. Makikita ang kanilang mga repleksiyon sa linaw ng tubig na natatamaan ng liwanag mula sa kanilang mga ilaw.

"I never expected this Zach".

"I prayed for this, Kathryn.

I prayed to be with you again."

She just smiled as a response. She can feel how deep his love for her is. So deep that she can feel drowning,drowning in love.

"Kathryn?"

"Yes, Zach?"

"Can I kiss you?"

Seconds passed and Clarisse kissed him in his cheeks.

He grabbed her, passionately kissed her forehead, hugged her and gently kissed her hair.

"I love you, Kath," he wisphers.

"I love you more, Zach."

Nasa ganoong posisyon sila nang marinig ni Zach ang kaluskos sa mga halaman. Alam niyang may tao roon. Tumayo sya.

"Come out", utos niya.

Napatayo na rin si Clarisse.

"I said come out", pag-ulit niya nang walang lumabas.

"Sino pinapalabas mo? Mukhang wala namang tao. Baka ibon lang or kahit anong hayop", ani ni Clarisse.

"I know the sound of animals and humans".

"In the count of three and you don't come out there--

One.....

Two....."

"Sir! Ito na lalabas na", nakataas kamay pang lumabas ang dalawa.

"See?" tumingin sa kanya ang binata.

"Sir, pasensya na po."

Napahalukipkip si Clarisse nang makita ang dalawang ito.

Bigla naman tumahimik ang paligid habang hinihintay ni Zach na lumapit ang dalawa sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top