Chapter 67
dedicated for SoldierMace(para sa book cover,thank you)
Mag-isa lang sa bahay ang dalaga kasama ang mga kasambahay at napakatahimik ng paligid. Nagsialisan kase lahat kaya si Clarisse na lang ang natira.
Nakaramdam sya ng lungkot kaya nang silipin niya ang hardin mula sa kanyang bintana ay nakita niya ang pool.
Wala sa sariling bumaba sya at nagtungo rito.
Alas sais na nang gabi at ngayon ang araw na susunduin daw sya ni Zach para imbitahang mag-dinner.
"Ate Iyy,anong oras uuwi sina ate?" anya ang mapadaan sa kusina.
"Naku,mamayang gabi pa yon. Kailangan daw kase niyang tapusin ang ginagawa niya", sagot nito.
Bigla syang nalungkot. " Eh si Kuya Mykie?"
"May outing sila ng mga kaibigan nila,iyon ang pagkakaalam ko".
"Ganun ba. Pag umuwi sila at hinanap ako mamayang gabi,pakisabi inimbitahan ako mag dinner sa bahay nina Zach ".
"Sige ma'am".
Lumabas na sya at nagtungo sa swimming pool. Inilagay niya ang dalawang paa sa tubig at ginalaw-galaw ito.
Naalala niya noong mahulog sya sa pool at tanging si Zach ang lumangoy para lang maiahon sya.
Hindi niya makakalimutan iyon. Iyon yata ang isa sa mga dahilan kung bakit di niya makalimutan ang binata.
Tinuruan naman sya ni Jana na lumangoy noon kaya di tulad ng dati,marunong na sya ngayon.
Wala sa sariling naisipan niyang maligo muna sa pool. Hinubad niya ang damit hanggang sa matira na lang ang kanyang panloob na suot. Napaka-sexy niyang tingnan.
At dahil ang lalake lang naman sa bahay nila ay ang mga guards dahil day off nina Wilson at Paul,kampante naman syang walang manonood sa paliligo niya.
Dahan-dahan syang lumubog sa tubig saka lumangoy. Di na niya alam kung ilang minuto syang nasa tubig. Ang alam niya,unti-unti na syang nagiging masaya.
Umahon sya nang nakapikit at hinawi ang kanyang basang buhok.
Saka lumubog ulit sa tubig.
Ilang ulit niya itong ginawa.
Nang umahon ulit sya,nakapikit pa rin syang sinuklay ang buhok gamit ang daliri.
Nang biglang....
"Bakit di ka nagdala ng tuwalya?"
Napatingin sya sa nagsalita. May nakasukbit itong tuwalya sa kaliwang balikat,matikas na nakatayo at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa.
Hindi ito direktang nakatingin sa kanya.
"Anong?--"
"Sinusundo na kita", sagot agad nito.
"Kanina ka pa ba nandyan?"
"Not really", tumingin ito sa kanya.
"Nakita kitang walang tuwalya kaya pumasok na 'ko sa loob para kuhanan ka. Actually,lumapit ako rito kanina ".
Tuluyan na syang umahon sa tubig at pinigaan ang buhok. Nilapitan niya ang binata at kukuhanin na sana niya ang tuwalya sa balikat nito nang ilayo ito sa kanya ni Zach.
"Ang gulo mo",naiirita niyang saad.
Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya pero mayamaya pa'y nagsalita na.
"Buti lang wala rito yung dalawang bodyguards mo 'no? Next time,pwede bang mag-short ka na lang pag maliligo ka lalo na sa pool", parang tatay nitong payo.
"Ah? Haha.Lakas maka-daddy nito. Bahay naman namin 'to,pool din naman namin to saka gusto ko rin to 'no. Kaya akin na yang tuwalya",pilit niya itong inaabot.
Di rin pinatagal ni Zach at binigay niya rin.
Sinamaan sya ng tingin ni Clarisse at ilang segundong tinitigan din nang masama.
Nang mapansin ito ng binata, seryoso niya itong tiningnan din.
"What? Huwag mo 'kong titigan nang ganyan,Clarisse. Mukha lang akong maginoo pero pagdating sayo,marupok ako".
Inirapan niya ito at nilapitan dahil nasa likod ni Zach ang kanyang hinubad na damit.
"Oh? Ba't ka lumalapit? I swear,Clarisse.. Ayokong makagawa ng kasalanan ang mga mata ko",oa na react nito.
Dahan-dahang lumapit si Clarisse sa likod ng binata na medyo naiinis na ewan sa lalaking ito.
"Hey naman,Clar--"
"Kalalaki mong tao ang duwag at oa mo. Tabi dyan at yung damit ko hinaharangan mo", masungit niyang sabi.
Tumabi naman si Zach at tatawa-tawang tiningnan ang reaksyon ng dalaga habang dinadampot ang kanyang damit.
" She's fuckin' cute while acting like that. Damn it. Haha. I love her'.
"Tatawa-tawa ka pa. Magbibihis lang ako",ani niya at naglakad na papasok sa bahay.
Habang papalayo ay narinig niyang ginagaya niya ang sinabi niya at may inis na idinadagdag.
"Mukha lang akong maginoo (Hindi ka nga mukhang maginoo)pero pagdating sayo,marupok ako (Ano sya kahoy?".
"Narinig ko yun!" sigaw ni Zach at sinabayan ng halakhak.
Totoo naman ang sinabi niya. Iyon nga lang lalake pa rin sya.
"She's sexy", saad niya sa sarili habang naglalakad papasok sa loob si Clarisse.
Handa na syang ipakilala ang babaing minahal niya mula noon hanggang ngayon. Ang babaing di niya sinukuan.
***A/N***
Thank you dear readers,voters and commentors. I am so happy knowing that my efforts aren't really useless dahil may mga nagbabasa pa rin kahit di ito ganun kaganda. Thank you so much sa rank #600 in fiction at sa #24 in daughter. Readers,loveyouall.
Abangan ang mga susunod pang chapters na magkakaroon na ng conflict sa relasyong ZaRisse na akala nila ay okay na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top