Chapter 66
Pasado alas dos na ng hapon nang umalis si Clarisse kasama ang dalawang bodyguards. Magpapasama sya papunta sana sa mall para sa nalalapit nang kasal ni Jana. Matagal na itong nakaplano at ngayon lang din naman niya naisipang bilhan ng regalo. May pinuntahan din ito kaya di nito malalaman. Saka gusto rin niyang magpalamig. Nakaka-bored rin kaseng mag-stay sa bahay.
Maraming magagandang damit ang naroroon,marami ring tao kasama ang mga pamilya nila.
"Hey!" tawag niya kina Wilson at Paul.
Lumapit naman ang dalawa.
"Gusto ninyo?" alok niya sa dalawa nang may makitang ice cream.
Nagkatinginan sila.
"Pwede?", sagot ni Paul.
" May pera naman kami ma'am", bsaad ni Wilson pero mayamaya pa'y si Clarisse na ang nagbayad.
"Sarap 'no?" nakangiti niyang sabi habang kinakain ang ice cream.
"Oo nga",kunot-noong sagot na lang ni Paul.
"Teka,dun tayo",turo niya sa mga palaruan at sya'y lumapit sa palaruang pag-shoot ng bola sa ring.
"Uy bilisan ninyo kumain".
"Ang weird niya ngayon ",bulong ni Wilson Kay Paul.
"Sinabi mo pa. Hayaan na natin. Mukhang dito naman sya masaya".
Kitang-kita sa kanyang mukha ang bakas ng kasiyahan. She's enjoying the moment na nagpapakasaya.
Sabi na dapat matuto rin syang maging masaya. Hindi yung ilulunod niya ang sarili niya sa lungkot.
Pati ang mga rides ay di niya pinalampas.
Kasama ang dalawang umaalalay sa kanya,ramdam niyang di na sya nag-iisa.
This is the thing she has dreamt of.
"Ang cute naman naman ng mga 'to", puna niya sa mga damit ng pambatang lalake.
"Tingin mo Nai,bagay ba 'to Kay Simon?" tanong ng babae sa kasama nito.
Hawak nito ang isang terno ng damit-panlalake.
"Opo mam.Bagay kay Simon yan".
Ngumiti sya. Nai-imagine na niya ang anak na suot iyon. Bagay na bagay nga ito sa kanyang anak.
"Ma' am,di pa ba tayo uuwi? Baka pagod ka na eh",mungkahi ni Wilson Kay Clarisse.
"Oo nga mam. Nakabili ka na rin ng regalo. Nagpagod ka na rin", ani Paul.
"Saglit lang muna",sagot niya at naglakad-lakad pa para tumingin ng mga damit pambata. Hindi niya alam kung bakit parang naeengganyo sya.
Hanggang sa mabangga niya ang isang babaing namimili ng mga damit.
"Sorry,di ko sinasadya", paumanhin niya.
"OK lang",nag-angat ng ulo ang babae.
Nagtama ang kanilang mga mata.
"Natalia?"
"I remember you. You must be Clarisse?"
"Haha. Yeah,anong ginagawa mo rito?"
"Ah. I'm choosing clothes for my son,Simon. Birthday niya sa next Friday".
"Oh,Happy birthday. Kaya pala".
"Oo.Eh ikaw anong ginagawa mo rito?"
"Just having fun together with my two bodyguards. Bumili na rin akong regalo para sa ate ko. Ikakasal na kase sya".
"Hmm.Congrats sa kanya."
"Thank you,Natalia. Happy birthday to your son.Siguro kailangan na rin naming umalis. Medyo pagod na rin ako", paalam niya. Nang makalapit sa dalawang bodyguards ay tinawag sya ni Natalia.
"Clarisse, wait!" tawag nito. May kung anong kinuha sa bag at iniabot sa kanya.
"Ano 'to?"
"I'm inviting you to come", ngumiti ang babae sa kanya.
"Seriously? Ako?"tiningnan niya ang invitation card .
May picture ito ng isang batang lalake.
"Ang cute naman niya".
"Hope you can come",ani nito sa kanya.
"I'll try".
Nagngitian silang dalawa. Muli syang napatingin sa invitation card. Ang gaan ng pakiramdam niya sa kaharap at sa batang nasa larawan.
"See you",ani ni Natalia saka umalis.
Napatingin si Clarisse kina Wilson at Paul.
"Hali ka na", nauna na syang naglakad at sinundan ng dalawa.
* * *
Ibinagsak niya ang katawan sa sofa pagkauwi. Inaantok na rin sya at kailangan na niyang magpahinga nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Zach calling...
"Hello?"
"Hi".
Biglang tumahimik ang binata sa kabilang linya.
Naalala niya noong kinapalan na ni Zach ang mukha makuha lang ang number niya,dalawang linggo na ang nakararaan.
Magmula noon,madalas na silang mag-usap at puntahan ng binata.
"I just wanna hear your voice",paglalambing nito.
"Miss me?"
"Always".
"You too".
"Clarisse, I'm inviting you tomorrow. Pwede ka ba?"
"Saan?"
"In our house".
Napaayos sya ng upo. Napag-isip isip niya,handa na ba syang makita ulit ang mga taong naroroon sa bahay na yun.
Ilang segundo syang natahimik . Pupunta ba sya. Alam naman niyang hindi lahat ng pagkakataon, pwedeng takasan.
"Hindi pa nila alam na ikaw ang girlfriend ko. Baka pwedeng bukas,maipakilala na kita sa kanila".
Naibaba niya bigla ang cellphone.
"CLARISSE?"
"Gusto mo akong ipakilala sa kanila?"
"Exactly".
"Kase..."
"Kung anuman ang bumabagabag sayo,akong bahala."
"Bakit mo pa ako ipapakilala gayung kilala na rin nila ako".
"Kilala ka na nga nila noon,pero di tulad ngayon,girlfriend na kita. Who will ever imagine it,for a couple of times you denied you love me,you'll still end up as my lover".
"Hindi ko rin alam. Sige,bukas na lang".
" Susunduin kita".
"Sige."
"I love you".
Napahiga na sya nang tuluyan sa sofa. Makikita na niya sina Lea,Zhairon, Aeriel, manang Belen at syempre ang dalawang naging dahilan ng pagkaalis niya sa bahay ng Tyson.
Ang inggiterang sina Pinky at Coleen.
Kung nagawa niyang magsungit noon,kaya pa rin niya naman ngayon kaya lang,iba pa rin ang pakiramdam na balikan ang isang lugar lalo na't babalikan mo rin ang dating ikaw.
"Babalikan ko na naman ba si Kathryn? "tanong niya sa sarili.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top