Chapter 65
"Makulit po ma'am eh. Buti kasama niya yang pulis kaya pinapasok na namin dito sa subdivision",ani ng sekyu na napapakamot sa ulo.
Lihim na napangiti si Clarisse at bumaling sa binata saka inabot ang hawak nitong bulaklak.
"Pano ba yan,bro? Alis na 'ko",paalam ni Gab saka umalis na.
"Salamat bro".
Tiningnan niya ulit ang binata at napatingin Kay Jana.
Sumenyas lang ang kapatid na tila nagsasabing 'ikaw mag-decide'.
Napayuko si Zach at matamang tumingin Kay Clarisse at sa ate niya.
"Pwede ho ba?"
Tumaas ang kilay ni Jana na naghihintay ng sagot.
"Makausap ko si Clarisse".
"Ehem..hem",kunwari umuubong ani ni Paul.Sinenyasan naman sya ni Wilson na tumahimik.
"'Lika sa loob", sagot ni Clarisse.
Palinga-linga si Zach sa napakalaking bahay ng dalaga. At may dalawa pa itong bodyguard gayung nasa loob naman sila ng bahay.
Ipinagdasal niya ang araw na to.
Napatawad na kaya sya ng dalaga? Kakausapin kaya sya nito nang matino o sasabihin lang nitong umalis na sya.
Sa hardin sila nagtungo kung san malapit din sa pool,at mayroong upuang pambisita. Sakto dahil dalawa lang iyon at may isang mesa sa gitna.
Umupo na sila pareho.
Nilingon naman niya ang dalawang bodyguard at ibinulong na iwan muna sila.
Ilang segundo silang nagkatitigan at wala na namang gustong mauna.
Hanggang sa..
"Zach,sorry",simula ni Clarisse.
"Sorry too. Ang dami kong nagawang kasalanan sayo. Hindi kita tinantanan,hindi kita tinigilan. Ahmm,alam ko nakukulitan ka na pero kase Kath..mahal kita eh".
Tahimik na nakikinig ang dalaga. Naghihintay ng sunod na sasabihin ni Zach.
Kinuha ni Zach ang cellphone. May kung anong hinanap at ipinakita sa kausap.
"I stayed loyal loving you. Kase umaasa akong babalik pa ang Kathryn ko".
Napangiti si Clarisse nang makita ang larawang ang tagal nang tinatago ni Zach at naka-stock lang sa phone nito.
Dahan-dahang tumulo ang luha niya mula sa kanang mata. Tears of joy.
Gusto niya syang yakapin.
Bakit ngayon lang niya napagtanto yun? Na ang lalaking matagal nang dahilan ng bigat ng dinadala niyang sakit ay sya lang din pala ang lunas dito.
"Alam mo Kathryn,corny mang pakinggan pero ikaw lang ang minahal ko nang ganito".
Napatayo si Clarisse. Nanunumbalik na lahat ng kasiyahan,ngiti,alaala at kung paanong ang taong nasa harap niya ang dahilan ng lahat ng iyon. Ang pagiging Kathryn niya,bumabalik.
Tumayo na rin si Zach at nilapitan ang dalaga.
Pinupunasan niya ang luha kaya sya na ang gumawa niyon. The next thing he did,he hugged her just to make her feel warm.
Mahigpit niyang niyakap si Zach. Yung tipong ayaw na niyang pakawalan pa.
"Aww. Look at them kuya. Our sister has finally found her happiness",saad ni Jana habang tinitingnan ang dalawa.
Napangiti na rin si Mykie.
"Exactly ".
"Sabi na mahal mo rin ako eh. Pakipot ka lang",bulong ni Zach sa kanya. Itinulak niya ito at kunwa'y nainis sa sinabi nito.
"Oo na.Siguro first time mong maririnig to mula sakin. Mahal kita. Masaya ka na?" akma syang aatras nang hawakan nito ang kamay niya.
"Tingin mo ba pakakawalan pa kita ngayong alam ko nang may nararamdaman ka rin para sakin? No way", ani nito at niyakap na naman sya.
Sa pagkakataong ito,he kissed her forehead seems like saying 'you're mine now'.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top