Chapter 62


a/n:

Thank you sa lahat ng nagbabasa. Thank you sa mga umaabang sa ud pero ang bagal mag-ud ni author. Busy lang at may reports pang ginagawa.Misa ko magsulat kaya thank you sa inyong lahat at nasa rank na naman ang TPLD sa # 529 in @Fiction. Love you all.

Gusto ko lang talagang magsulat nang magsulat kahit tingin ko walang kuwenta ang imahinasyon ko and I can't believe na road to 15k reads na ang TPLD. Special thanks for everyone na laging nandyan. Malapit na ending nito at surely mami-miss ko kayo,sina Clarisse at Zach.
Ito na yung part na gagawin ni Zach ang bagay na ni minsan sa buhay niya di niya inakalang magagawa niya para lang masabi/makausap nang masinsinan si Clarisse.

     

Chapter 62

"She's almost 40 minutes late. Darating pa kaya sya?"

Sinipat ni Keith ang relo. Nag-aalalang binibilang ang bawat segundo at minutong walang Clarisse na dumarating.
Tinawagan niya ang phone nito pero nagri-ring lang at di sinasagot.

"Sir? OK lang po ba kayo? ", nilapitan sya ng waiter nang mapansin nito ang pagkabalisa at paghihintay niya sa isang taong di na darating pa.

Tumangu-tango sya kahit alam niyang hindi dahil may mali sa nangyayari.

'Where the hell is she?'

Binuksan ng binata ang pinto gamit ang kanyang paa habang buhat ang isang dalaga.
Ibinaba ito sa kama at pinagmasdan kung gaano ito kaganda.

Inayos niya ang mga binti nito't pinagdikit ang mga paa para disenteng tingnan habang natutulog.
Kinumutan na rin niya at hinalikan sa noo.
Pagkatapos ay lumapit sa bintana,hinawi ang kurtina at dahil gawa sa salamin ang bintana ay makikita ang mga katabing buildings at mga sasakyan sa ibaba.

She looked at her. Nakikita na niya ang mga bagay na  mangyayari sa takbo ng kanyang imahinasyon.

Nilapitan naman niya ang sling bag na dala nito at kinuha ang phone.
Wala namang password kaya mabilis niyang nabuksan.

23 missed calls from Keith at pagkarami-raming texts.
Binasa niya't napag-alamang may usapan pala ang dalawang magkikita sa isang restaurant.
Pero ang nakakapagtaka ay ang isang text ni Clarisse na kapag di sya nakarating sa loob ng 30 minutes,wag na syang mag-eexpect na darating pa sya.

Tiningnan niya ulit ang natutulog na dalaga.

Is there something coincidence?

He sighed pero napangiti nang may maisip na gawin. Kinuha niya ang cellphone at kinuhanan ng stolen shots ang dalagang mahimbing na natutulog.
Humiga na rin sya sa tabi nito.
Ang kanyang mapulang labi,mahahabang pilik-mata,matangos na ilong,magandang hugis ng mukha.

Damn it. Nahulog na nga sya nang tuluyan.
Hahalikan na sana niya ito nang gumalaw ang mga paa't kamay nito. Ang sunod na nangyari ay hinawakan nito ang kanyang mukha nang nakapikit pa rin ang mga mata.
Nananaginip sya.

But....

"Zach...."

she said in a soft voice.



*****

"Whatttt?!!!Nawawala si Clarisse?Paanong---"

"Ate Jana,help me. Wala sya dito sa inyo dahil may usapan kaming hihintayin ko sya sa Frioes' but--..di sya dumating".

"Paano na yan? Sabi niya magta-taxi sya. Di sana sinundo mo na lang pala. It will give dad a heart attack pag nalaman niya 'to".

"I'm so sorry. It's my fault. Sorry".

"Its okay Keith. Ipapahanap ko ulit sya dito sa bahay at pag wala talaga,sasabihin ko na Kay dad".

"Clarisse is missing?", biglang bungad ni Lendro.

"Oo. Were worried too much.Wala naman syang ibang pupuntahan at di niya ugali ang di magpaalam",sagot ni Jana.

Naalimpungatang idinilat ni Clarisse ang mga mata. Wala sya sa bahay nila. Yun ang napansin niya.
Dali-dali syang bumangon nang maalala ang usapan nila ni Keith.

"Keith?" takang tanong niya at inilinga ang paningin sa paligid.

Nakita niya ang kanyang sling bag at nagmamadaling kinuha ito. Tumakbo sya palapit sa pinto para sana lumabas na nang may magsalita sa kanyang likuran.

"Tatakasan mo na naman ako?"

Parang huminto ang mundo niya sa boses na iyon. Kilalang-kilala niya kung kanino yun.

Dahan-dahan syang lumingon. She hates him.

"You kidnapped me! I hate you!"

"Desperado na kung desperado. Gusto ko lang naman linawin kung bakit ka nagkakaganyan. Kathryn,masyado kang ma-pride. Alam mo ba yun?Ano ba ang ipinagmamalaki mo? Bakit kailangan mo akong iwasan at umaktong parang wala tayong pinagsamahan?", lumapit ito sa kanya,palapit pa nang palapit.

"Sino ka ba sa tingin mo?"ganti ni Clarisse.

"Sino nga ba ako sayo?"

Tahimik lang na napayuko si Clarisse. Nasasaktan sya.

"Makinig ka naman sa sinasabi ng puso mo. You still love me,right?"

"Hindi,kaya paalisin mo na ako".

Zach laughed. Kinuha niya ang kanyang cellphone at ipinakita ang mga larawang stolen shots ni Clarisse noong nagdidilig ito ng mga halaman. Mga panahong inosente pa si Kathryn.

"Alam kong alam mo na ito noon pa. Kathryn or Clarisse, naalala mo yung sabi ko noon sayo? Kahit ano pa ang pangalan mo,para sakin ikaw si Kathryn. Dinala kita rito para linawin at kausapin ka tungkol sa'tin. Just tell me you don't love me anymore. Tell me na mas mahal mo yung Keith na yun."

Natahimik sya. Di niya kayang sabihin.

Binuksan ni Zach ang pinto pero di niya pinalabas si Clarisse. Nagulat na lang ang dalaga nang bigla syang buhatin nito.

"Hey! What are you doing? Let me go!Ibaba mo ako!"

Waring walang naririnig si Zach. Dadalhin niya si Clarisse sa rooftop Hindi para ihulog o iwan kundi doon niya kausapin nang matino. Nais niyang marinig na hindi nga sya nito minahal kahit konti.
He won't let her go hangga't di niya naririnig ang mga katagang ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top