Chapter 57
"Pakihinto na lang d'yan sa tabi, Wilson."
Inihinto ni Wilson ang kotse sa gilid ng parke. Isang linggo na rin mula nang maipit sya sa isang sitwasyong di niya gusto, ang maging girlfriend ni Keith. Napakabilis ng mga araw.
At ilang linggo na rin syang walang balita kay Zach.
"Ah.. ma'am Clarisse, bilin ng daddy mo na bantayan kita," ani ni Wilson pagkababa ng dalaga mula sa kotse.
Mula sa kinatatayuan nila ay makikita ang malawak na playground,may mga batang naglalaro at mga mag-partner na masayang naglalakad.
"Bahala ka. Basta mag-iikot-ikot lang ako kahit sandali."
Bumaba si Wilson sa kotse at bumuntot kay Clarisse.
"Ehem. ehem. Puwede ba kitang tanungin kung bakit parang di ka masayang nananatili sa bahay?"
"Di mo naman maiintindihan. Di mo kasi alam kung anong pinagdadaanan ko."
Isang binata ang noo'y naninigarilyo sa loob ng kotse habang nakabukas ang bintana. Bumuga sya ng usok, pagdaka'y lumabas din at tinapakan ang upos na sigarilyo. Naglakad-lakad sya't luminga-linga sa paligid.
Ang lugar na nasa harap niya,natatandaan niyang ito ang lugar kung saan ay hinabol niya ang isang dalagitang biglang nawala sa kanyang paningin. He couldn't even wonder why he can't forget that special day where everything has started.
Naglakad-lakad pa sya. Di niya namamalayang napapangiti sya sa kaiisip ng mga araw na magkasama pa sila't masaya.
Malapit lang pala sa parke ang kinatatayuan niya. Makikita ang mga batang naglalaro sa playground at mga magkakaibigang masayang nag-uusap.
Naisip niyang maglakad-lakad pa para naman ma-relax sya. Minsan lang din naman sya magkaroon ng oras para sa sarili.
"Do you want that ice cream?"tanong ni Clarisse sa batang nasa tapat ng isang sorbetero. Gula-gulanit ang damit nito, marumi at walang saplot sa paa.
"Po?"
Napatingin si Wilson sa kanya.
"Hindi niya ako naintindihan.
Gusto mo ng ice cream? Bibilhan kita. Anong flavor gusto mo?"
Itinuro ng bata ang gusto niya kaya dinukot ni Clarisse ang pera sa kanyang bulsa at iniabot sa sorbetero.
Napangunot ang noo ni Zach nang makita ang isang babaing di kalayuan sa kanya. Nasa harap ito ng nagtitinda ng ice cream at may kasamang isang matangkad na lalaking nakaputing polo at itim na pantalon. May bata rin. Mas lalong nangunot ang noo niya nang bigyan ng babae ng ice cream ang bata.
Binawi niya ang tingin sa dalaga. Humakbang na sya palayo para umalis pero narinig niya ang malakas na halakhak nito at ang boses nito nang magsalita sya.
All he can do is to turn around and don't notice himself smiling.
It's her.
Kinukuhanan ng larawan ng lalaki ang dalaga kasama ang bata.
"Kathryn?"
Walang paliguy-ligoy pa. Dahan-dahan syang naglakad sa dalagang ngayon naman ay marahan ding naglalakad kasabay ang lalaking matangkad.
"Bakit kaya hinahayaang may mga batang nagpapalabuy-laboy dito. Every child deserves to be loved at maibigay ang karapatan niya. The world is so unfair."
Nilingon ni Clarisse ang bata at eksaktong paglingon niya ay nagtama ang paningin nila ng isang binatang kanina pa sya sinusundan habang naglalakad.
Halo-halong emosyon. Gusto niyang mawala na parang bula dahil di niya kayang labanan ang titig na binibigay nito sa kanya. Mga tinging may halong poot,lungkot at pangungulila.
Nagtatakang nagpalipat-lipat ng tingin si Wilson sa dalawa.
Gusto niyang umatras dahil pansin niyang dahan-dahang lumalapit sa kanya ang binata.
Parang naidikit niya ang mga paa sa lupa. Ni di niya magawang umatras o tumakbo.
"Kahit saglit lang," mahinang paalam nito sa kanyang bodyguard. Alam na niya ang ibig sabihin nito kaya lumayo na muna si Wilson at iniwan sila.
Dahan-dahan syang umatras pero kinabig sya ni Zach palapit sa kanya at sya'y mahigpit na niyakap.
"I'm tired. I'm tired of searching for you and now that I have you, please let me hug you. Kahit saglit lang."
She became speechless. Walang salitang nais lumabas sa kanyang bibig. All she can do is to let him hug her.
"Siguro naman napapansin mo nang kahit na ilang beses tayo pinaglalayo, tayo pa ri'y pinagtatagpo. Please, I'm begging you. Kahit saglit lang,makausap lang kita nang maayos,nang malinaw."
Tinulak niya ang binata palayo sa kanya.
"Magagalit ang boyfriend ko. Umalis ka na. Please lang. Ako na ang nakikiusap. Tama na ang pagsunod sa 'kin kung saan ako pumupunta."
"I'm not. Hindi ko nga alam na nandito ka at magkikita tayo ulit."
"Go away from me."
"Masaya ka ba talaga sa kanya? O napipilitan ka lang na magpanggap dahil alam mong may dahilan ka na para ipamukha sa'king wala na akong halaga sa'yo?"
"Sabihin mo nang malinaw sa'kin, Clarisse at matatahimik na ako.
You look happier, you do. But if you're just pretending, I can be your real happiness."
Tahimik lang na nakikinig si Clarisse.
"Ang dami kong gustong sabihin sayo. Ayoko lang sabihin. Gusto ko ring maiparamdam sayo'ng totoo ako. Totoo ang nararamdaman ko.
I miss you. I love you and I mean what I'm saying."
"Tama na, nakikiusap ako. Tama na. Ayokong maniwala. Ayaw na kitang makita kahit kailan kaya umalis ka na."
"No."
"Alis na!"
"Wilson, hali ka na. Masama ang pakiramdam ko. I need to go home."
Dali-daling lumapit si Wilson kasunod ni Clarisse.
Si Zach na nasasaktan na pero pinapakita pa ring determinado sya ay wala ring nagawa. Siguro nga di na niya kailangan pang ipagsiksikan ang sarili sa taong ipinagtatabuyan na sya.
--------
03/23/18
Thanks wattpad dahil nandyan ka pa rin kahit na lahat sila'y umalis na.
Kailangan ko nang matapos ang TPLD.
Salamat sa lahat ng pagbabasa at suporta.
Salamat sa almost 7K reads.
Sobrang saya ko pa rin at naa-appreciate ninyo 'to.
Lovelots.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top