Chapter 53

    dedicated to baekhyunrai
Thanks for supporting 'The President's Lost Daughter'.

Maraming Salamat. :)


Matamlay na nakatunghay sa terrace ng bahay habang tinatanaw ang asul na ulap sa kalangitan,yan ang lagay ni Clarisse ngayon.

Hindi malayong pagtagpuin sila ni Zach dahil magkaibigan pala sila ni Lendro.

"Kring! Kring!" Tumutunog pala ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at sinagot.

"Hi, Clarisse? May gagawin ka ba or pupuntahan? Busy ka ba?"

Sa tono palang ng boses ay alam na niya kung sino ang lalaking iyon.

"Ahm..Wala naman. Bakit?"

"Puwede ba kitang yayaing lumabas?"

"Ha?I'm currently doing something important eh," pagdadahilan niya kahit wala naman talaga.

"Are you sure?"

"I'm not sure pero--wait lang ah," ani niya at in-end na ang call. Nagdadalawang-isip na binabaan ng cellphone ang binata.
Kung maaari ay ayaw niyang paasahin si Keith dahil gusto talagang hanggang magkaibigan lang sila nito dahil may isang tao ang nananatiling laging nasa isip niya.

Nagmamadali syang pumasok sa kanyang kuwarto at ibinagsak ang katawan sa kama. Tiningala ang kisame at pumikit-pikit. Mayamaya pa,napagdesisyunan niyang bitbitin ang maliit na sling bag at ini-lock  ang kanyang kuwarto pagkalabas.

Saglit syang nag-isip kung saan sya puwedeng pumunta at dahil di sya makaisip ng magandang lugar, binilisan na lang niya ang pagbaba sa hagdanan.

Sa pagmamadali ay nakasalubong niya sa sala si Mykie na kumakain ng ice cream.

"Hi kuya," nginitian niya ito at hinalikan sa pisngi.

"Oh? At saan ka naman pupunta?"

"Somewhere. Bye," nagmamadali na syang lumabas.

"Hoy! Wilson, Paul. Sundan ninyo nga 'yon. Tawagan ninyo ako kung saan sya pupunta ah?" utos ni Mykie sa dalawang bodyguards na nakaupo sa sofa.

Agad namang sumunod ang dalawa at lumabas.

                 

                  ******

Pagkasakay sa kotse ni Zach ay sya namang biglang pagtunog ng kanyang cellphone. Pauwi na sya galing sa opisina at balak na niyang magpahinga.

"Hello?"

"Zach? Puwede ka bang pumunta dito sa mall?" boses iyon ni Zhayn.

"Nandito kami ngayon. Baka gusto mong pumunta? Kasama namin si Aeriel at sina Pinky at Coleen. Sila na lang ang naatasan kong magbantay kay Ryle dahil makulit. Yaya for a while.Mukha naman silang mabait."

"Pauwi na ako. Okay. Dadaan na lang ako dyan para bisitahin kayo," sagot niya.
Pagkasabi niyon ay pinaandar na niya ang manibela.

"Ma'am Clarisse, saan ka ba pupunta? Kanina pa tayo nagpapaikot-ikot at ayaw ninyo sabihin kung saan ka ba pupunta?" reklamo ni Paul.

"Kahit saan," walang gana niyang sagot.

Nagkatinginan sina Wilson at Paul.
"May lugar bang ganon?"tanong ni Wilson kay Paul at pareho silang natawa.

"Anong tinatawa-tawa ninyo? May nakakatawa ba?"mataray na tanong niya sa mga ito.

Natigil naman ang dalawa at biglang sumeryoso.

"Just stop there,"utos niya sa dalawa at itinuro ang isang mall na sa labas ay may mga nakaparadang sasakyan.

Inihinto ni Paul ang sasakyan sa tinuro niya. Siya naman ay mabilis na nakababa mula sa kotse.

"Maam Clarisse, sasamahan ka namin--"

"No need. Huwag ninyo na akong buntutan. Gusto ko munang mapag-isa," sabi niya.

Nagkatinginan ang dalawa at tinanaw na lang ng tingin si Clarisse na papasok sa loob.

"Sundan mo. Tatawagan ko lang si sir Mykie para sabihin kung nasaan tayo," ani naman ni Wilson kay Paul. Sinundan nga nito si Clarisse sa loob at sya ay tinawagan si Mykie.

"Ryle, dito ka lang. Ang likot-likot mo naman," ani ni Coleen sa batang paikot-ikot habang kumakain.

Sila kase ni Pinky ang nautusang magbantay sa bata dahil masyado raw itong makulit. Sina Aeriel at Chynna ay abala sa pagbili ng mga ladies' accesories.

Pagkaakyat naman ni Clarisse gamit ang escalator ay humanap agad sya ng puwedeng pagkainteresang bilhing produkto o lilibangin lang niya ang sarili niya sa pagtingin ng mga bagay na naroroon.

Lumapit sya sa saleslady na nagtitinda ng mga stuff toys at teddy bears.
Napangiti sya nang makita ang isang malaking stuff toy na Panda.
Hinawakan niya ito at hinaplos-haplos.

"Ang cute mo naman," kausap niya rito.

"Hi, ma'am. Bibilhin ninyo po? Worth 450.00 po," sabi ng saleslady.

Tiningnan niya hulit ang stuff toy.Ang cute cute ng dating nito sa kanya.
"Wait," sabi niya at hinanap ang pitaka sa kanyang bag.

Hindi niya ito mahanap at sa kanyang inis ay tinanggal muna niya sa kanyang katawan at hinanap nang hinanap pero wala talaga.

Nagulat na lang sya nang may bumangga mula sa kanyang likuran kaya nalaglag ang bag niya.

"Ano ba? Hindi ka ba tumitingin? Wala ka bang mata?" inis niyang dinampot ang bag na nahulog at isinuot ulit.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang makita kung sino ang sinisigawan niya. Isang batang lalaki na mukhang Amerikano dahil sa maputi ito at may hitsura.Nasa edad 7-pataas.

"I'm sorry. I didn't mean it. I'm just playing," sagot ng bata.

Pinisil niya ang pisngi nito at nginitian.
"Ang cute mo naman.Sorry kung nasigawan kita."

"It's ok."

"Where are your parents?"

"There!" Turo nito sa di kalayuan.
Ginulo niya ang buhok nito at nginitian ulit.

"Ang cute cute mo naman."

"Pinky, nasaan si Ryle?" tanong ni Coleen sa kanya.

"Ha? Ano bang-- Nasaan?"

"Hinahanap ko nga eh. Nasaan?"

"Hanapin nga natin. Baka nasa tabi-tabi lang 'yon," ani niya at sinimulan nang hanapin ang bata.

Kasalukuyan namang naglalakad si Zach habang sinisipat ang relos sa kaliwang kamay. Napakaraming tao sa mall at parang mahihirapan syang hanapin kung nasaan na ang kuya niya.

  
I found a girl beautiful and sweet. . .

Napahinto sya sa paglalakad. Pamilyar sa kanya ang kantang yun dahil lagi niya itong naririnig na pinatutugtog. Nakita niyang may ilang dumadaan ang sinasabayan ang kanta at bawat liriko.

I never knew you were the someone waiting for me. . .

Coz we were just kids when we fell inlove. ..

Not knowing what it was. . .

"Uncle Ax!" sigaw ng isang boses.Nilingon niya ito. Si Ryle lang pala at may kasama itong babae.

Dahil malayo ay di niya makilala ang babaing kasama ni Ryle pero lumapit pa rin sya.

I will not give you up this time. . .

"Psst! Pinky, si Ryle yon di ba? Kknalabit ni Coleen si Pinky.

"Ha? Saan?" Hinanap naman nito ng kanyang mga mata ang tinuturo niya.

"Oo nga. May kasama sya. Lapitan natin at baka pagalitan tayo ni sir Zhayn. Hinahayaan nating gumala ang batang yon," ani niya at lumapit nga sila pero hindi malapit na malapit dahil may space.

"What are you doing here? Where is your daddy Zhayn and mommy Chynna?" tanong ni Zach sa pamangkin.

Tumingin ito sa babaing pumipili ng mga stuff toys. Kinalabit ni Ryle ang dalaga.
Nakasuot ito ng maikling shorts at white off shoulder.Ang mukha niya ay sinabuyan ng konting makeup at ang buhok ay mahaba na rebonded pa.
Isa lang ang masasabi niya.

She's gorgeous.

Lumingon ang dalaga at nagtama ang paningin nila. Parang tumigil ang oras sa paligid niya. Ang mukha ng dalagang nasa harapan niya ay nakita na niya noon pa.
Nakasama, nagpasaya sa kanya nang panandalian.

Ngayon, nasa harapan niya ito. Malaking-malaki ang pinagbago niya sa dalagang nakilala at nakasama niya. Hindi niya sya agad nakilala sa pananamit nito pero sa mukha niya.

Nagbago man ang ayos niya,walang nagbago sa mukha niya dahil natatakpan lang iyon ng makeup. Hindi sya makagalaw dahil parang naidikit sya sa kinatatayuan.
At sa pagtugtog ng kantang naudlot kanina, parang sa kanilang dalawa talaga ang nangyayari.

Baby, I'm dancing in the dark. . .

With you between my arms

Barefoot on the ground.

Listening to our favourite song. . .

"Kathryn?" tanging nasambit ng binata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top