Chapter 50 (Clarisse is back)
Three years ago....
"Doon ka nga".
"Ano ba? Mauna ka nga."
"Ang bilis kase ni ma'am maglakad eh".
"Edi bilisan din natin".
The two bodyguards are following a woman wearing a short black dress,pair of expensive earrings on her both two ears, and a pair of 2-inch heels while enjoying the sweet melody and rhythm of the music she's listening to,through her earphones.
Nakataas ang kanyang dalawang kilay na naglalakad,her lips was red as an apple,her eyes has demonic glares and stares,her hair was rebonded which has a length of more than 10 inches with light brown color,her face is no longer the old simple one because it was beautifully colored by makeup.
Bitbit ng dalawa ang maleta at bag ng dalaga at binibilisan ang bawat lakad na ginagawa.
Coz we were just kids when we fell inlove....
She smirked at para bang wala na syang pakialam kung pinagtitinginan man sya ng mga taong nasa airport.
She has changed. She's pretty sure that it's the start of her new life as the president's daughter. Not weak as a stupid,not slow as a turtle.
Hard as a stone now.
Not knowing what it was...
I will not give you up this time...
"Puwede bang bilisan ninyong maglakad?" naiinis na baling niya sa dalawang alalay.
Muli syang naglakad.Now,everything will be easy dahil matagal nang patay si Kathryn at sya na mismo ang naglibing.
Because Clarisse and her sweet revenge is here.
Baby,I'm....dancing in the dark....
Makikita na rin niya sa wakas ang pamilyang matagal na nalayo sa kanya.
With you between my arms..
Kinuha niya ang cellphone at naghanap ng magandang kanta. Masyadong sad ang kantang ipinapatugtog niya.
She's not sad. In fact,she's happy kaya dapat happy ang ipatugtog niya at hindi lovestory ang tema.
Barefoot on the ground...
Listening to our favorite song...
Mabilis na pinindot niya ang 'stop' ng kanta.
"Perfect? Masyadong perpekto",ani niya sa sarili nang mabasa ang pamagat nito.
Tinanggal niya ang earphones at iniabot sa dalawang bodyguard na may bitbit ng bag niya.
"Put that on my bag,properly. Don't just put it inside. Clear?"
"Yes,ma'am".
"Good",pagkasabi ay naglakad ulit sya.
Sa labas ay naghihintay ang isang van na sasakyan nila pauwi.
Sinalubong na naman sya ng isang drayber at isa pang bodyguard.
Inalalayan pa sya nitong makapasok.
Pagkapasok ay isinandal niya ang katawan sa malambot na upuan. Napasulyap na naman sya sa bintana pero hindi kagaya ng dati,saglit lang ang ginawa niya.
Tinawagan niya ang isang numero ng isang importanteng tao na alam niyang naghihintay na sa kanya.
"Clarisse! Pauwi ka na ba? Nasa biyahe ka na? We're waiting for you",boses iyon ni Jana.
She smiled at nawala ang katarayan ng kanyang mukha.
"Yes,ate. I'm on my way".
"Mabuti naman kung ganun. Wait,Keith is also here. Waiting you".
"Ah..Sige. Mayamaya lang nandiyan na ako",dali-dali niyang ibinaba ang cellphone pagkarinig ng pangalang iyon.
So,Keith is there at sigurado sya,nagdada-moves na ito para makuha ang loob ng kanyang pamilya.
Sincere nga ba ang lalaking yun.
Hindi niya napigilan ang sarili. Hinawakan niya ang rear mirror ng bintana at inalala ang mga araw na mailalarawan pa niya ang sarili niya bilang talunan at inaapak-apakan.
She laughed bitterly. Wala na nga pala si Sheena at Kathryn pero binabalikan pa niya ang mga tagpong yun.
"Ma'am? Ok ka lang? Baka kailangan mo nang inumin ang gamot na binigay sa'yo ng psychiatrist mo",saad ni Paul sa kanya nang mapansing tumatawa syang mag-isa.
Salubong ang kilay na tinarayan niya ito ng tingin.
"Shut up or I'll punch your face".
Noong nasa London sya,bigla na lang syang natatakot makakita ng matatalim na bagay na nakakasakit gaya ng baril at kutsilyo.
At noong nagpacheck-up sya,she found out na may epekto pa rin ang trauma na pinagdaanan niya noong bata pa sya.
Pinaiinom sya ng gamot at may mga payong ibinigay sa kanya para makaiwas syang magsisigaw o gumawa ng isang bagay na hindi niya sasadyain.
"Ayan. Shut na lang kase",pang-iinis naman ni Wilson sa kanya.
Saglit lang niyang tinapunan ng tingin ang dalawa.
"Let me remind you my golden rule",seryosong sabi niya.
Nagkatinginan ang dalawa.
"Ayoko ng pinapakialaman ninyo ang nakikita ninyo. Kung ano ang ginagawa ng isang tao,wala na kayo roon dahil choice niya yun".
"Concern lang naman,ma'am".
"Then,I don't need your concern",masungit nitong sagot.
Napailing na lang ang dalawa. Ang takot na pusa noon ay naging isang matapang na leon na ngayon.
Lahat talaga maaaring magbago.
Ang masaklap,nasobrahan yata dahil 'di mo na sya makilala.
A/N:
Happy 3K reads. Ang saya-saya ko.' Di ko expected na dadami kayo ng ganyan.
Special thanks sa lahat ng nagbasa,nag-vote at nag-comment.^_______^
Sa mga silent readers,magparamdam naman kayo.
Any opinions,suggestions,feedbacks or questions ay open ako. Itutuloy ko pa ba ang Chapter 51? Hahaha. Masyado nang mahaba ang 'TPLD' at malayo-layo na ang nalakbay ng buhay ni Clarisse.
So yun,lovelots :)
Pag-iisipan ko pa kung itutuloy ko pa ba ang Chapter 51 o baka i-hold ko muna ito.
Kamsa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top