Chapter 5


"Gising! Magsigising kayo! Ilang beses na ba kayong pinaalis at bakit lagi pa rin kayong natutulog dito?!"

Nagising si Sheena sa malakas na sigaw ng boses na iyon. Isang pulis na lalaking may nakasukbit na baril sa beywang.

Nagsitayuan ang mga nakahiga at pati si Sheena ay napilitang tumayo. Luminga-linga sya sa paligid. Napakaraming tao at mga sasakyang walang tigil sa pagdaan.

Saan sya dadalhin ng kapalaran?

Naglakad sya nang naglakad kahit di niya alam kung saan sya makarating. Pinagtitinginan sya ng mga taong nadadaanan niya. Marahil sa anyo ng kanyang suot na damit na puro bahid ng dumi.

ZACH sighed deeply. Nakaramdam sya ng pagkainis dahil na-traffic na naman sya. Binuksan niya ang rear mirror at tiningnan ang paligid.

Nangunot ang kanyang noo nang makita ang isang pamilyar na mukha. Palinga-linga ito at parang walang destinasyong sinusunod.

"It's her," may siglang gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi.

Saglit niyang itinuon ang atensiyon sa manibela nang umayos na ang daloy ng trapiko.

Sinusulyapan pa rin niya ang dalagitang naglalakad at nais niya itong habulin.

Inihinto niya ang kotse sa tapat ng isang fast food chain saka hinabol ang dalagitang nakita niyang naglalakad kanina. Hinanap nang hinanap ng kanyang mga mata ang dalagita ngunit di na niya ito makita.

Tumakbo sya nang may makitang isang dalagitang nakatalikod at kaparehong damit nito.

"Hey, miss," tinapik niya ito sa balikat pero ibang tao iyon.

"Im sorry, akala ko ikaw yung kakilala ko."

Sinubukan ulit niyang hanapin ang dalagitang kanina lang ay naglalakad pero di na niya ito makita.

Bumalik sya sa kotse. Sa huling pagkakataon ay lumingon sya para hagilapin ang magandang anghel pero bigo sya.


****

"Nasa'n si daddy?" tanong ni Jana sa kanyang nakatatandang kapatid na si Mykie pagkauwi.

"At kailan ka pa nagkainteres itanong kung nasaan sya? Nasa Europe, kalilipad lang kanina kasama ang mga alalay niya. Wag mo nang itanong kung bakit sya nando'n. Part of being a president, you know?"

Umismid si Jana pagkarinig ng sinabi nito.

"Hey Jana, just accept the truth. Mahirap magkaroon ng amang once in a blue moon mo lang makasama. Ni makausap nga, minsan lang eh."

"I know. Wala naman syang inatupag kundi ang tungkulin niya bilang presidente."

"How's Lendro? Kumusta kayo?"

"We're fine. In fact,we're planning to get married soon."

"Really? Soon to be mrs.Verdazo," napapalakpak pang ngumisi si Mykie.

"I have to go," tumayo na si Janna mula sa pagkakaupo.

Bitbit ang bag ay umalis na sya ng bahay.

~~~~~~

"Ms. Dafliner."

Napaangat ng mukha mula sa pagtatayp si Pia nang marinig ang boses ng kanyang boss.

"Bakit po, sir? May iuutos po ba kayo?"

Ngumiti ang binata. Dumungaw ang mapuputing ngipin nito, lumapad ang labi at sinabayan pa ng paglabas ng dalawang dimple nito mula sa magkabilang pisngi.
Bakas sa mukha nito ang isang saya at inspirasyon.

"Sir?"

"Bring this to Mr. Naytle." Iiniabot nito sa kanya ang isang kumpol ng papel na nakalagay sa isang folder.

"OK. I'll go ahead, sir."

Pagkasabi niya'y umalis agad ang kanyang boss. Naiwan syang nagtataka sa nangyare ng araw na ito.

"Uy, paano sya ngumiti nang ganun? Bakit kaya?" tanong ng kanyang katabi pero tanging ngiti lang rin ang tugon niya.


-------

"Talasan ninyo ang mga mata ninyo. Nandito lang ang babaing yon," paalala ni Ramon kina Ben at Ian.

Kasalukuyan silang naglalakad sa gilid ng kalsada. At isang tao lang ang target nila.
Wang iba kundi si Sheena.

Isa-isa nilang inayos ang suot na itim na sumbrero at itim na sunglass para hindi makilala.

Samantala, naglalakad habang nagde-date sina Lendro at Jana.

"So Jana, if we would have a baby, what will be his or her name?"

Saglit na nag-isip si Jana. Luminga sa paligid habang iniinom ang juice na magkasama nilang binili ni Lendro.
Katatapos lang ng trabaho nito at niyaya syang mag-date.

"It depends but from now, I just want to spend the remaining days with you."

"Aw."

Nagpalinga-linga si Ian sa bawat madaanan. Maaring di pa ito nakakalayo dahil di naman nito kabisado ang lugar at isa pa,baka naligaw na ito.

Lumingon si Sheena mula sa pinanggalingan.

Nagulat sya't biglang napaatras nang makita ang isang pamilyar na tao.

Si Ian!

Tiyak niyang gumagawa ng paraan ang mga ito para mahanap sya. Dahan-dahan syang umatras nang umatras.

Kumaripas na sya ng takbo nang makitang nakita sya ni Ian. Pinagtutulak na niya lahat ng mga taong nababangga basta makatakas lang.

Lumingon sya habang tumatakbo. Si Ian, mabilis ang ginagawang pagtakbo para lang mahabol sya.

Kahit masakit ang tuhod dala na ng kagutuman ay pinilit pa rin niyang tumakbo nang tumakbo sa abot ng makakaya niya.

Sa katatakbo ay nabangga niya ang isang babaing umiinom ng juice kasama ang nobyo nito. Natapon ang juice nito sa suot na dress at masama syang tiningnan.

Tumakbo lang sya nang tumakbo dahil papalapit na si Ian sa kanya.

"So careless. Hindi man lang nag-iingat," reklamo ng dalaga habang pinapagpagan ang suot niya.

"That's okay. She doesnt mean it. It's just--"

"Tabi! Tumabi kayo!" tulak kay Lendro ng isang lalaking nakaitim na nakasuot ng sunglass at sumbrero. Parang may hinahabol ito.

Hinahabol nito ang babaing nakabangga kay Jana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top