Chapter 48

Sa abot ng kanyang makakaya ay ginawa niya ang lahat ng alam niyang para sa kanya.
Tinuruan sya mula sa pagbasa,pagsulat,pananalita,pag-aayos ng sarili at sa paraan ng pakikisalamuha sa ibang tao.

 
****

Samantala,Zach extended two more weeks sa States at sa pagbabalik niya ay kasama na niya ang kapatid at pamilya nito sa Pilipinas.

Dahil sa hilig niya ang photography at ang pagiging photographer,he travelled at inikot na halos ang magagandang lugar sa America,kinuhanan ng mga magagandang larawan.

  

             

                                            ///////

Hirap man ay pinilit niyang isulat ang kanyang pangalan. Sa pagbabasa,mayroon syang tutor na nagtuturo sa kanya.
Syempre,hindi mawawala ang dalawang bodyguard na nakaantabay sa kanya. Sila ang nag-uupdate kay Leonardo ng mga ginagawa ni Clarisse,kung sino ang mga kasama nito roon.

"Read".

Kinakabahan niyang binabasa sa isipan ang pinapabasa sa kanya.

"O---once a--a l--little child,b--but now--- she--she's the b---big o--one everyone's afraid of".

"Very good,Clarisse. You just need more time to practice and someday,you'll be the one here in my position,teaching others".

  "Ma'am Clarisse,may phone call para sa inyo",ani ni Wilson at iniabot ang telepono.

Inabot naman niya iyon at idinikit sa kanyang tainga.

"Hi?"

"Keith?"

"Yeah. It's me again. Puwede ba kitang makausap?"

"Tungkol saan?"

"Kakamustahin lang sana kita."

"Ayos lang ako. Bakit mo ako inaalala?"

"Wala lang. Gusto ko lang".

"Mamaya na lang tayo mag-usap",sabi niya at binabaan na ng telepono ang binata.

"Hayss",napabuntong-hiningang saad ni Keith sa sarili dahil may sasabihin pa sana sya kay Clarisse.

               

               

                         ///////////

"That's right. Go ahead. Walk straight. Focus on your way. Don't  bother the noise that surrounds you,the distractions that distract you",sabi ng kanyang trainer habang ginagabayan sya at inaalalayang maglakad nang may tatlong libro sa ulo.

"Go,ma'am Clarisse! Kaya mo yan!",pag-cheer naman nina Paul at Wilson sa dalaga.

Kumakabog ang kanyang dibidb na sinimulan ulit na ihakbang ang kanyang mga paa. Dahan-dahan.

"Bilang si Clarisse at para sa'kin,kaya ko'to."

Lakad ulit.

"Kailangan kong gawin 'to".

"Go!You can do that".

Isang hakbang pa ng mga paa.
Nawalan ng balanse ang pagtapak ng kanyang mga paa sa sahig na naging dahilan ng pagsabay-sabay na paglahulog ng mga libro.

Napaupo sya. Pakiramdam niya,napakahirap ng ipinapagawa sa kanya. Paglalakad lang ng may tatlong libro sa ulo,di pa niya magawa.

Napapailing na lumapit ang trainer sa kanya at inalalayan ulit syang tumayo.

"This is just a start. You'll encounter different struggles on the next days. Now,tell me,can you still do it?"

Napatingin sya sa dalawang bodyguard na nagta-thumbs up sa kanya na parang sinasabing kakayanin niya.

Tumulo ang kanyang luha. Naaalala niya lahat ng nangyari sa kanya,lahat ng pahirap na ipinaranas sa kanya,ang maraming taon na hindi niya nakasama ang pamilya,ang mga taong sumira sa buhay niya,ang mga taong dapat niyang gawing inspirasyon.

Namuo ang galit sa kanyang dibdib at ang mga alaalang naiwan sa kanya. Ang dahilan ng pagkakaroon niya ng trauma na naging sanhi para manahimik sya ng ilang taon.

Napatingin sya sa kanyang trainer na nagtatanong ang mga mata na nakatingin din sa kanya.

"Continue or stop? You know,if you're really weak enough and dont deserve this kind of training,you better quit. But if you really wanted to change yourself just what your father wants,you just need to rest and begin again."

"I can do this",ani niya.

"Good job,girl",nginitian sya nito at inalalayang tumayo.

Pinahid naman niya ang namuong luha sa kanyang pisngi at ngumiti nang pilit.

Inayos ulit niya ang tatlong librong nakapatong sa kanyang ulo at nagsimulang maglakad.
Hindi na niya namalayang marunong na pala syang magbalanse nang hindi nalalaglag ang mga libro.

Habang naglalakad ay ipinokus niya ang atensyon sa pag-iisip ng mga bagay na naging dahilan kung bakit sya nandito ngayon sa lugar na ito at sinasanay ang sarili.

Ang mga taong iyon,hindi niya sila kakalimutan.

Naipikit niya ang mga mata at naibulong "Wala na si Sheena,wala na si Kathryn dahil ako na si Clarisse Leigh".

"Clap!Clap!"

"Omg!You made it perfectly. Good job,Clarisse. I believe you can do this. You can pass this over".

Napangiti rin sya nang mapagtantong nagawa nga niyang maglakad nang may libro sa ulo sa loob ng tatlong minuto.

"The next one is walking with three books at the top of your head while wearing this one,"may hawak itong takong na pagkakita pa lang niya ay alam na niyang matatapilok sya.

Inuunahan na naman sya ng takot na baka di na naman niya magawa at mapahiya na naman sya.

"Maglakakad ako gamit yan? H---hindi ko yata k--kakayanin".

"Sorry but I dont understand you".

Noong araw na pinasuotan sya ng takong ay natapilok sya.Buti na lang at naalalayan sya ni Wilson.

"H--hindi ko y-yata k--kaya",mahina niyang bulong sa sarili.

Ikaw ba naman pasuotin ng heels na may taas na dalawang inches tapos wala pang aalalay sa'yo. Sa mga sanay na,it's just basic pero sa kanya it's struggle.

Inside three minutes na paglalakad?

Bakit ba kase kailangan niyang gawin ito gayung mahihirapan syang sanayin ang sarili niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top