Chapter 47


 

"Mag-iingat ka roon,Clarisse."

"Yeah..Dapat lang na mag-ingat yan dahil mag-aabay pa sya sa kasal ninyo ni Lendro",sabad naman ni Mykie.

Ngayon kase ang araw na kailangan nang umalis ni Clarisse kasama si Wilson at ang isa pa nitong bantay.
Napangiti sya kahit pa nababahiran ng konting kirot ang ngiting iyon.

Napatingin sya sa kanyang maleta at napatingin naman sa kanyang dalawang kapatid.

"Si daddy?",tanong niya. Kahit sana sa pag-alis niya ay mayakap niya ito.

"Tinawag ng tungkulin. May meeting kasama ang mga politicians. Ibinilin ka niya sa'min na ihatid ka raw namin dito at paalalahanan na mag-ingat ka sa London. Huwag kang mag-alala. May kinausap na akong kaibigan doon na gagabay sa'yo. Ang schedule ng pasok at training mo ay nakaayos na rin",paliwanag ni Mykie.

"Training? Anong training ang pinagsasabi mo,kuya?Ano sya? Pulis na kailangan ng training?",tanong naman ni Jana.

"Aba'y ewan ko. Basta training ang tawag ko do'n".

"Clarisse,mag-iingat ka roon. Wilson,Paul,guide my sister".

"Yes,ma'am Jana",sagot ni Wilson.

"Nakakatuwa naman na ok na kayo. Akala ko eh mag-aaway pa kayo eh",ani ni Mykie.

"Now I realized,hindi pala matutumbasan ng pera yung saya kasama kayo na pamilya ko".

"Sus,Jana. Nagdrama pa,"pang-aasar ni Mykie.

Napatingin silang lahat kay Clarisse na nakangiti at nakatingin sa likod nila.

Pati sina Wilson at Paul ay napalingon na rin.
Clarisse smiled. :)

Isang pangalan ng tao ang nabanggit niya na akala niya  ay hindi makakapunta sa araw ng pag-alis niya.

"Keith".

"Di ba sya yung lalaking ggss?",mahinang kausap ni Paul kay Wilson.

"Sinabi mo pa. Nag-request kase si ma'am Clarisse na tawagan yung calling number na binigay niya at kinausap niya kaya siguro nasabi niya na ngayon ang alis niya. Pumunta talaga sya ha?",sagot ni Wilson.

Napatangu-tango na lang si Paul. Bilang bodyguard,wala naman silang karapatang pakialaman ang buhay ng may buhay.

Humahangos na dumating si Keith. Nagtataka namang napatingin sina Mykie at Jana sa binatang kararating pa lang.

"And who the hell is this guy?",tanong ni Mykie. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Keith.

Akala niya hindi na sya makakaabot sa airport. Akala niya,maiiwan syang maghihintay sa wala. Buti na lang at maaga ang dating nila doon kaya may panahon pa sila para mag-usap.

"K--Keith. I'm Keith Dizon. Kaibigan ni Clarisse".

"Hindi ka niya nabanggit sa'min and in addition,hindi namin puwedeng ipakaibigan ang bunso namin sa kung sinu-sino lang. Kung may balak kang manligaw,binabalaan kita. Ituloy mo na lang sa pagbalik ng kapatid ko",inunahan na sya ni Mykie.

Napangiti si Clarisse. Hindi niya maiwasang huwag mapangiti.
Sa reaksyon ng mukha ni Keith,nakangiti lang ito pero bakas sa mukha niya ang di maitagong kaba nang makaharap ang mga kapatid niya.

"Kuya,tinatakot mo naman sya. Baka ma-late pa si Clarisse sa flight at maiwanan sya ng eroplano. Keith,right?Magpaalam ka na sa kapatid ko",pagsingit na ni Jana.

Mukha kaseng kinikilatis  nito nang maigi ang binata.

Isa-isang niyakap ni Clarisse ang dalawang kapatid. Matapos nito ay nagyakapan silang tatlo as siblings hug.

Napayakap na rin si Paul kay Wilson dahil sa nakikitang pagyayakapan ng magkakapatid.
Naiinis na inilayo ni Wilson ang sarili sa mokong na yun at sinamaan sya ng tingin.

"Kadiri ka",nandidiri nitong saad.

It's now Keith's turn to be hugged by his beloved ms.Angel.

Hinadlangan nama kaagad ni Mykie ang nakitang gagawin ni Keith, ang yayakapin ang kanyang kapatid.

"Hihintayin kita".

"Ehem. Ehem..Enough. Enough. Wilson,Paul,bantayan ninyo 'tong kapatid ko. Kundi? Ako na ang gagabay sa inyo tungo sa tamang daan",banta ni Keith sa dalawa.

Sumaludo naman sila sa kuya ni Clarisse.

"Yes,sir".

Nabaling ang atensyon ni Clarisse kay Keith na nakahawak sa kamay niya.

Mabilis naman nito iyong tinanggal at ngumiti nag abot-langit.

"Ikaw,Im warning you.Ngayon pa lang kita nakilala. Kung may balak kang bolahin ang kapatid ko,inuunahan na kita. Ako ang mababangga mo",mahinang bulong ni Mykie sa kanya.

Napangiti naman syang hinarap ang lalaki.

"I'll prove you you're wrong".

"Do it".

"Ingat kayo,kuya Mykie at ate Jana",paalam niya bago muling sinulyapan si Keith.

Tuluyan na syang tumalikod. Sa paglingon ay kinawayan niya ang tatlo na parang sinasabing 'Babalik ako at sa pagbabalik ko,ako na si Clarisse Leigh'.

"I'll wait you",mahinang sambit ni Keith pero narinig pala iyon ni Mykie.

"Gaya ng sabi ko,ako muna ang mababangga mo".

"Kuya,you're scaring him",sita ni Jana kaya tumigil naman si Mykie sa ginagawa.

Nakangiti niyang tinahak ang daan paakyat ng eroplano.
Hindi man niya maiwasang malungkot dahil hindi talaga sya sanay na laging may iniiwan,kailangan naman niyang tanggapin dahil yun ang kailangan.


Another start of the path to walk through.
Another life to live on as Clarisse Leigh Eroa;the president's lost daughter.

No more Sheena,no more Kathryn coz Clarisse is already here with ms.Angel.

Her sweet but dangerous revenge will start from now.




Advance happy new year,Dixians. :)

@dixie_alexa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top