Chapter 45


dedicated to SoldierMace
Gaya ng sabi ko,wala. Trip ko lang mag-dedicate. Kahit isang vote lang ide-dedicate ko agad.
Natutuwa lang ako sa mga comments mo at sa pagbasa ko sa story mo na talagang tagos sa puso. Salamat sa pagbabasa.Sa lahat ng silent readers,kamsa rin :) Advance Merry Christmas. Smile lang :) :) Sa lahat ng readers na patuloy na sinusuportahan sa storyang ito,lubos po akong nagpapasalamat sa inyo. Happy 2.89K reads.
Lovelots.



                     CHAPTER 45

Nagkakatitigan lang sila sa bawat isa na para bang ayaw magsalita.

Isang subo ng pagkain at titingin sa bawat isa. Kung may pinaka-awkward sa situation nila,yun ay si Clarisse dahil aminin na niya sa sarili.
Naninibago pa rin sya sa pamilya at uri ng mga taong araw-araw ay kailangan niyang makasama.

Hindi tuloy niya maigalaw ang pagkain dahil nagkakatinginan silang apat habang kumakain ng almusal.

Napalunok sya at ininom ang tubig na nasa harapan. Tiningnan ulit niya ang mga ito.Kagaya niya,ang awkward pa rin.

Walang nagsasalita at ang paraan ng pagkain nila ay pakonti-konti.

"Ehem..ehem..Ang akward ah. Magtititigan na lang ba tayo? Ano? Hindi tayo kakain nang maayos?",binasag na ni Mykie ang katahimikan.

Sumandal sa upuan si Leonardo at isa-isang tiningnan ang mga anak.

Hindi alam ni Clarisse pero bakit si Zach ang naaalala niya tuwing nasa hapag-kainan.

"Clarisse? Are you okay?",tanong ni Leonardo pero tumangu-tango lang sya.

"Opo. Sandali lang",tumayo sya sa pagkakaupo at sa pagtayo ay nabangga niya ang baso. Nabasag ito at naulit na naman.

Ang pagtalsik ng bubog sa kanyang paa.

"Tch. Careless",mahinang saad ni Jana.

"Jana,"sinenyasan sya ni Mykie kaya sya naman ay tumahimik na.

Hindi niya iyon pinansin at sa halip ay nagmamadaling umakyat sa kanyang kuwarto.

Naiwang nagtataka ang tatlo pero bukod-tangi si Leonardo dahil alam niyang may gumugulo sa isip ng kanyang bunsong anak.

Nakakain na nang maayos si Jana pagkaalis ni Clarisse pero hindi na naituloy nina Mykie at Leonardo ang pagkain.

"Ate Iyy,pakilinis nga po 'to",ani ni Mykie sa kasambahay. Agad naman itong lumapit dala ang isang walis at dustpan.

"Excuse me",paalam na rin ni Leonardo at sinundan ang kanyang anak sa kuwarto nito.

"Ahhh!",napapaaray na tiniis niya ang sakit. Ganun ba talaga pag na-mi-miss mo ang isang tao,nakikita at maaalala mo pa rin sya kahit pa matagal na syang di mo nakikita.

"Clarisse".

Inayos niya ang pagkakaupo sa kama pati na rin ang paa niya para kunwari hindi masakit. Magaling naman syang magpanggap eh.

"Anong gumugulo sa'yo?"

Napaangat sya ng mukha. Siguro kailangan din niyang magsabi sa kanyang ama tutal maiintindihan naman sya nito.

"Papa,kailan ba malalaman 'pag mahal mo ang isang tao?"

Umupo sa tabi niya ang ama at napangiti.

"Nagmamahal na ang anak ko".

"Gusto ko na syang makita pero iniwan na niya ako.Umalis na sya".

"Malalaman mong mahal mo ang isang tao kapag lagi mo syang naiisip,kung nasaan na sya,kung kamusta ba sya,kung anong ginagawa niya. Minsan napapanaginipan mo pa sya dahil sa kaiisip mo. Kung mahal mo ang isang tao,ipaglabam mo. Kung alam mong tama ka at wala kang natatapakang iba,ipaglaban mo. Dahil kung totoo ang pagmamahal at para kayo sa isa't isa,kahit ano pa ang dumating sa inyo,magiging kayo pa rin sa huli",paliwanag nito.

Natauhan naman sya sa sinabi ng ama. Hindi sya ipinaglaban ni Zach. Iniwan sya nito.
Noong araw na sinubukan niyang panatilihin sya sa ampunan,umalis pa rin sya.

Ipinaglaban ba sya nito?

"Paano kung sya mismo ang nang-iwan?Bakit ganun,pa? Nami-miss ko sya kahit ayaw ko".

"Clarisse,hindi ko man kilala ang tinutukoy mo,sigurado ako na minahal ka rin niya. Pasko na bukas. At alam mo kung ano ang pasko para sa bawat isa? Dapat masaya. Sayang ang ganda ng anak ko kung magmumukmok ka lang at magiging malungkot. Tandaan mo,may pamilya ka. Hindi ka na nag-iisa. Nandito ang daddy,ang ate Jana at kuya Mykie mo. Walang ibang tao ang puwedeng manakit o magpaiyak sa'yo",pagkasabi nito ay niyakap niya ang anak.
Nais niyang iparamdam na hindi na ito nag-iisa.





*******

"Kumusta ka na dyan,anak? Sayang at hindi ka muna nagpasko dito. Sumunod ka pa sa kuya mo",malungkot na ani ni Lea habang nasa harap ng laptop at ka-video call ang anak.

"Advance Merry Christmas,ma. Pakisabi kina Aeriel at daddy. Sorry kung biglaan ang alis ko. I just want to set myself free".

"Set yourself free? Bakit di ka ba free dito?Dahil lang kay Ka--"

"Ma,kilala mo ako. I love solo travel,having time on my own".

"Sa ginagawa mo,di mo alam na may nasasaktan ka."

"I know ma, kaya nga nage-gulity pa rin ako kahit papa'no. Pero nangyari na eh".

"Mag-ingat ka lang ha? Hindi natin alam ang kayang gawin ng tadhana".

"I will,mom. Alam ko namang pagtatagpuin at pagtatagpuin pa rin ang landas namin sa ayaw at sa gusto namin".

"Kung kayo talaga ang para sa isa't isa",makahulugang sabi ni Lea bilang paalala sa kanyang anak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top