Chapter 44
Kagaya ng lagi niyang ginagawa tuwing sumasakay ng kotse, isinasandal niya ang ulo sa may pintuan.
Pinayagan nga syang makapunya sa ampunan pero kailangan pa talagang kasama ang kanyang limang buntot na laging nakasunod sa kanya. Hindi niya masisisi ang kanyang ama. Matagal syang nawalay sa mga ito at sigurado syang nag-ooverprotective lang ito.
"Ma'am Clarisse, bakit gusto mong balikan ang ampunan kung saan ka nanggaling? Di ba dapat magpasalamat ka na lang dahil napunta ka na sa mayamang angkan?" tanong ni Wilson.
Tahimik pa rin syang walang imik sa pagkakasandal sa may bintana ng kotse.
Lagi na lang sya malungkot na para bang di nauubusan ng aalalahanin.
Si Zach, lalo na ang taong yun.Teka, na-mi-miss niya yata sya?
Napailing na lang si Wilson nang makitang parang wala syang narinig sa tanong niya.
"Ma'am, nandito na tayo," ani ni Wilson.Bumaba na si Clarisse mula sa kotse at luminga sa paligid.Pinagmasdan niya ang laki ng ampunan kung saan nakilala at nalaman niya ang kahulugan ng pamilya.
Nasa labas pa lang sya at parang wala naman syang balak na pumasok dahil tinitingnan lang niya mula sa labas ang ampunan.
Napatingin sya sa katabi niya.Ang isa pa niyang bodyguard na pinapayungan sya at ang isa pa ay pinapaypayan sya.
"Hindi naman mainit ah? Huwag ninyo na akong payungan at paypayan."
"Order of pres. Leo. Utos ng inyong ama," sagot nito.
Natahimik sya nang may marinig syang nagsasalita sa likuran nila.Kausap nito ang sarili niya na mukhang nababaliw na naman. Nakangiti syang lumingon. Si Keith at tama nga sya, kinakausap nito ang sarili.
Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa kanya. Nangunot pa ang noo nito na parang hindi sya nakilala.
"Kathryn?" Akmang lalapitan sya nito para yakapin pero hinarang sya ng dalawang bodyguard at sinamaan ng tingin.
"Sino ka? Anong pangalan mo? Saan ka nakatira? Bakit kilala mo si ma'am Clarisse? Bakit Kathryn ang tawag mo sa kanya? Kaano-ano mo sya?" sunud-sunod na tanong nito.
Napanganga si Keith at tinitingnan ang mga bodyguards na nakaharang sa kanya.
"T--teka? Ano bang problema ng mga 'to?Kathryn? Ano ba'ng sinasabi ng mga 'to?Guardian angels mo ba ang mga 'to? Di hamak na mas guwap----"
"Tatahimik ka o patatahimikin kita?" banta ni Wilson.
"Wilson, tama na yan. Kilala ko sya at kaibigan ko," ani na ni Clarisse. Nakinig naman si Wilson kaya napatingin si Keith kay Clarisse.
"Keith, Clarisse ang totoong pangalan ko."
"At anak sya ng presidenteng Eroa," dugtong ni Wilson kaya naman shock na shock si Keith sa narinig.
"So, ikaw si Clarisse Leigh?"
"Oo. Sya nga," sagot naman ng isa pang bodyguard.
"Kath, I mean Clarisse, I just want to tell you that I miss you." Anyong yayakapin niya ang dalaga nang humarang ang dalawang bodyguard at sinamaan na naman sya ng tingin.
"Fine. Sorry. Puwede ba? Hindi kayo ang kinakausap ko. Si Clarisse yon," naiinis na saad ni Keith.
"Aalis na ako at ang sabi nila, pag-aaralin daw ako sa ibang bansa pagkatapos ng pasko. Kaya bumisita na ako rito dahil baka matagalan na naman ang pagbalik ko," aniya na may bahid ng kalungkutan ang boses.
"Puwede pa naman tayong mag-usap. Ito oh," kinuha niya ang isang calling number sa kanyang bulsa at iniaabot yon kay Clarisse pero si Wilson ang kumuha niyon at inilagay sa kanyang bulsa.
"Teka, hindi ko naman sa'yo iniabot. Sa kanya yon eh," naiinis na reklamo ni Keith. Napangiti na lang si Clarisse sa nakikitang reaksyon ni Keith. Para kasi itong bata na nagtataka dahil kinuhanan ng kendi.
"Ma'am Clarisse, umuwi na tayo. Bilin na rin ni sir Eroa na huwag magtatagal sa pupuntahan mo" ani ng isa pang bodyguard na nagngangalang Paul.
"Aalis na agad kayo? Grabe naman 'tong mga 'to. Kinakausap ko pa sya eh," inis na sabi ni Keith pero sa halip ay nginitian lang sya ni Clarisse bago sumakay sa loob ng kotse.
"Hihintayin kita, Ms.Angel. I mean Clarisse. Hihintayin kita dahil magiging girlfriend pa kita!" sigaw niya.
"Libre mangarap, sir. Haha. Taasan mo pa ng konti." Tinapik naman ng isa pang bodyguard ang balikat niya na ikinainis niya.
Sinundan na lang niya ng tingin ang mga ito habang umaandar na palayo sa kanya.
"Watch and learn. Libre pala mangarap ah?" nakangiti niyang kausap sa sarili.
*******
"Tubig. Please, ikuha mo ako ng tubig," utos ni Leonardo sa isang kasambahay pagkaupo sa sofa.
Kauuwi lang niya galing sa presinto at hanggang ngayon ay kumukulo pa ang dugo niya.
Agad na sumunod ang inutusan at sya namang pagbaba ni Jana sa hagdan.
"Dad, are you okay?" tanong nito pagkakita sa amang parang pinipigilan ang sama ng loob.
Tumangu-tango ang presidente at nahimasmasan din ito.
"Nasaan ang kapatid mo?"
"Umalis kasama yong limang alalay niya. Sa ampunan kung sa'n sya nanggaling."
"Just make sure na kasama niya si Wilson at ang apat pang bodyguard."
"Okay.Yan ang sabi ninyo eh.Sinunod ko lang. Nga pala dad, ilang buwan ninyo sya balak pag-aralin sa London?"
"Hindi buwan.Taon," seryosong sagot nito.
"Seriously? Three years?"
"Ano pa ba. Kung titingnan mo sya, Jana. Kailangan lang niya ng improvement. Hindi natin alam kung sinu-sino ang mga taong nakasama niya noong mga araw na hindi natin sya kasama. Maaaring minaliit at tinapak-tapakan nila ang karapatan niya. At yun ang gusto kong makalimutan niya, ng kapatid mo. Pag nangyari yun, matututo na syang tumayo sa sarili niyang mga paa at maipagtanggol ang sarili niya."
Napangiti si Jana.
"Para ninyo na ring sinasabi na gusto ninyo syang matutong gumanti?"
Tiningnan sya ng ama nang diretso.
"Exactly. Clarisse Leigh Eroa should be strong, brave enough to protect herself. Mangyayari lang yon pagkatapos ng tatlong taong pamamalagi niya sa London. Maniwala ka, hindi mo sya makikilala 'pag bumalik na sya," mahabang paliwanag ni Leonardo.
Naniniwala syang mababago niya ang uri ng buhay na kinalakhan ni Clarisse noong hindi nila ito kasama.
Bilang isang ama, alam niya ang mas nakabubuti para sa kanyang anak.
'REVENGE IS COMING SOON.'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top