Chapter 43

dedicated to savageblossomsilentgirl4evesPrettyBlusheszcuteirishabasaClaireSanJuan3baekhyunraiAutumnMadison196MissChexopau_pau_duenaskichigaino                     

Wala lang. Gusto ko lang kayong ide-dedicate. Haha. Joke :) Salamat sa pagbabasa,pag-vote,pagsuporta,pag-add ng story ko sa reading list.
Kamsahamnida sa inyo. Ang cute talaga natin. Salamat ulit. Can't believe na Chapter 43 na pala 'to. Hanggang 23 lang ang nakaya kong tapusin noon at I think aabot pa 'to ng 60.

So ayun,Lovelots.





       

                      CHAPTER 43

"Ramon Manalo,may naghahanap sa'yo",ani ng pulis habang binubuksan sa pagkakakandado ang selda.

Napatayo ang preso at lumakad palabas.

Naghihintay sa kanya ang isang lalaking medyo may katandaan na at nakapalibot sa kanya ang mga bodyguards at mga pulis na bantay.

Napatayo ang lalaki mula sa pagkakaupo. Naikuyom nito ang kanyang kamao at tiim-bagang matalim na nakatingin sa kanya.
Kumukolo ang dugo niya. Bakit sya pa na kinasusuklaman niya?

"Mr.President,huminahon ho kayo",pinaupo sya ng kasama niyang bodyguard kaya napaupo na rin sya.

Nakangising umupo naman sa harapan ni Leonardo si Ramon. Nakangisi pa rin ito nang nakakaloko. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa mesa at seryosong tiningnan ang kanyang kaharap.
Hindi niya aakalaing sa tagal nilang hindi nagkita,magkikita ulit sila ngayon ng taong kinamumuhian at sinusumpa niya.
Walang ibig magsalita dahil may alaalang bumabalik tuwing nakikita nila ang pagmumukha ng bawat isa.


*Flashback*

"Sheena!Sumama ka sa'kin at huwag sa lalaking yan. Nagmamakaawa ako. Ako. Ako dapat ang pakakasalan mo at hindi ang Leonardo na yan",nagmamakaawang lumuhod si Ramon sa harapan ni Sheena.

"Guard! Palabasin ang lalaking 'to!Ipakulong ninyo kung kinakailangan basta ayoko nang makikita ang pagmumukha niyan dito. Trespassing",galit na sabi ni Leonardo.

"Ikaw! Hayup ka! Dinadala mo lahat sa pera at yaman. Bakit? Sheena?Magkano ang ibinayad sa'yo ng lalaking yan para ipagpalit mo sya sa'kin? Ha?! Sabihin mo at ibebenta ko ang kaluluwa ko kay Satanas kung kinakailangan! Ano?!!"

"Nahihibang ka na,Ramon. Nababaliw ka na talaga. Guard! Paalisin ninyo na 'tong lalaking 'to dito",galit naman ang rumehistro sa mukha ni Sheena.

Lumapit ang dalawang security guards at hinawakan sa magkabilang kamay ang lalaki.

"Bitawan ninyo ako! Sheena! Huwag mong gawin sa'kin 'to! Nagmamakaawa ako".

"Sige na. Kaladkarin ninyo na ang lalaking yan",utos ni Leonardo.

Nagpupumiglas si Ramon na pilit kumakawala sa pagkakahawak sa dalawang kamay niya.

"Papatayin ko kayo! Papatayin ko kayo!Gaganti ako at sinisiguro kong sa pagganti ko,isusumpa ninyo na ginawa ninyo sa'kin ito",pagbabanta nito habang hinihila sya palabas.

Napayakap si Sheena sa asawa. Kinakabahan at natatakot sya sa maaaring kayang gawin ni Ramon. Kilala niya ito.

Kahit pagpatay ay gagawin niya makaganti lang sa taong gumawa ng isang bagay na ayaw niya.

                   *End of flashback*

"Ikinagagalak kong makita kang muli sa pangalawang pagkakataon matapos ang mahabang panahon,Leonardo?" nakangising bati ni Ramon.

Pinipigil ang galit na ibinagsak ni Leonardo ang kamay sa mesa.

"Nakulong ka na noon pa,'di ba? Hindi ka pa nakuntento sa mga ginawa mo sa akin at kay Sheena?! Pati anak ko,dinamay mo?! Demonyo ka!!"

Napatayo na sya at aambahan sana ng suntok ang lalaki nang pigilan sya ng mga pulis at ng mga bodyguards niya.

"Easy lang,mr.President? Baka ma-highblood ka?At ikaw ang sunod kong biktimahin? Gusto mo ba yun?Ako kase,gusto ko eh",pang-aasar nito.
Pigil ang galit na huminahon ang presidente pero dinuro nito si Ramon.

"Mabubulok ka sa kulungan ng habambuhay at ito na ang magiging impiyerno mo dahil dito ka na rin ililibing,kampon si Satanas",pagkasabi nito ay lumabas na sya. Nakabuntot naman ang kanyang mga bantay.
Naiwang galit na galit si Ramon. Hindi man lang sya nakaganti dahil para sa kanya,kulang pa ang ginawa niya para mabayaran ang itinuturing niyang kasalanan ni Leonardo sa buhay niya.




                                       ****

Dahan-dahang inihakbang ang mga paa patungo sa pinto.
Tutal ayaw naman syang palabasin,tatakas na lang siya o magmamakaawa.

Tiningnan ulit niya ang isang malaking family picture na nakasabit sa dingding ng kuwarto niya.

Pinihit niya ang doorknob ng pintuan at pagbukas ay dahan-dahan ulit na naglakad.
Gusto lang naman niyang bisitahin ang ampunan. Gusto niyang makita ulit ang mga batang naroroon at,si Keith.

Narinig kase niya noong isang araw na may planong ipadala sya sa ibang bansa para pag-aralin at sanaying umakto na isang mayaman, pagkatapos  pa ng pasko yun. Isang bagay na ayaw niya dahil bakit lagi na lang syang kailangang may iniiwan? Kung hindi sya ang naiiwan,sya ang kailangang mang-iwan.

Suot ang isang dress na pagkaganda-ganda at isang pares ng tsinelas,dahan-dahan syang naglakad para bumaba ng hagdan.

"Where are you going?"

Napalingon sya sa boses na yun. Mataray na nakataas ang kilay at nakahalukipkip ang dalawang kamay.

"H--ha?"

"Ang sabi ko,saan ka pupunta at bakit kailangang ingat na ingat ka sa paghakbang ng mga paa?"

Natahimik sya at nag-isip ng isasagot. Kung aamin ba sya o gagawa ng kuwento.

"K--kase gusto ko sanang puntahan yung ampunan na pinanggalingan ko. Gusto ko sanang bisitahin sila".

Lumapit si Jana at pinaikutan sya. Para bang kinikilatis kung sya nga ba talaga ang kapatid niya.

"An order from my father. I mean,our father pala. Bawal kang lumabas nang mag-isa. Tatawagan ko muna si Wilson para maihanda ang kotse at ang apat bang bodyguard na nasa baba",malamig na sabi nito.
Halatang napipilitan lang sya habang sinasabi ang mga salitang yun.

"K--kasama ko sila?"

"Bakit?Ayaw mo? May reklamo ka?"

Nginitian niya ito at biglang niyakap na ikinagulat ni Jana.

"Salamat po,ate",pasasalamat niyang di nawawala ang ngiti sa labi.
Tumagal lang ng ilang segundo ang yakap dahil naiilang si Jana.Alam naman niyang ayaw niya sa kapatid niya at di niya alam kung paano mapapalapit dito.

"Ok.That's enough.Bumaba ka na".

"Salamat po talaga,ate. Maraming salamat",nagmamadali na syang bumaba pero may naihabol pang sinabi si Jana.

"Spend your remaining days here dahil aalis ka na naman sa pamamahay na 'to pagkatapos ng pasko. Nasabi na siguro ni daddy sa'yo? Act like a lady,girl. Kung umakto ka,hindi ka mukhang anak ng presidente",sabi nito.

Pinatagos na lang ni Clarisse ang narinig sa kabilang tenga. Alam niya yun sa sarili niya kaya nga pipilitin niyang baguhin ang nakasanayan dahil para rin naman ito sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top