Chapter 41
"What's this all about,dad?"
"Pakilagay na lang ito doon. Make sure na maayos ha?"
Napahalukipkip na lang si Jana sa nakikitang ginagawang preparasyon ng ama sa kuwarto ng kanyang yumaong ina.
Pinalinis nito ang kuwarto,pinaayos sa pagkakalagay ang mga larawan lalong-lalo na ang family picture nilang magpamilya.
"Ayan. That's okay .Ayun pa. Pakiayos na lang po manang",utos ni Leonardo sa kasambahay na nag-aayos bago balingan si Jana.
"We'll have a very special visitor."
"Bisita? Sino?",tanong niya pero nginitian lang sya ng ama.
"Malalaman mo rin dahil paparating na sya",ani nito at iniwan na sya.
Napailing na lamang si Jana sa inakto ng ama. Wala syang ideya kung sino ito dahil maaaring isa lang ito sa mga importanteng kaibigan ni Leonardo.
***
Tahimik pa rin syang nakasandal sa kotse habang pinapasadahan ng tingin ang bawat madaanan.
"Puwede bang buksan 'to?",tanong niya kay Wilson na ang tinutukoy ay ang bintana.
Binuksan niya iyon kaya pinagsawa niya ang mga mata sa mga kotse kahit pa nalalanghap niya ang amoy ng mga usok sa kalsada.
Nasa kalagitnaan na ng biyahe nang huminto ang kotse dahil sa daloy ng trapiko.
Napatingin sya sa kanang kotse sa gawi nila. Nakabukas din ang bintana nito at nanlaki ang kanyang mga mata nang tumingin ang taong sakay nito sa kanya.
Hindi pa rin sya nagbabago at lagi pa rin syang nakangiti. Ang guwapo nitong mukha na laging ipinaalala sa kanya.
Nagkatitigan sila nang ilang segundo. Parang di sya nito nakikilala.
"Keith?"
Kinindatan sya nito.
Napapitlag sya nang magsara ang bintana dahil sa ginawa ni Wilson at umandar ulit ang kotse.
"Bakit mo ginawa yun?".
"Kabilang sa utos ni Pres.Eroa na huwag kang hayaang makipag-usap sa kung sinu-sino. Pasensya na ma'am. Sumusunod lang kami sa tungkulin namin bilang mga bodyguard mo",sagot ni Wilson.
Wala syang naisagot dahil sa sinabi nito. Napaka-protective naman ng tatay niya kung ganun.
Sumimangot sya at magsasalita pa sana nang pigilin nito ang sasabihin niya.
"Makipagtitigan man lang sa kung sinu-sino ay bawal din lalo na sa mga lalaki",dugtong ni Wilson.
Napatango na lang sya sa mga sagot ng kanyang bodyguard daw.
Hindi sya nakilala ni Keith at kinindatan lang sya.
"Nandito na tayo,ma'am Clarisse",inaalalayang hinawakan ni Jen ang kamay niya pababa mula sa kotse.
Bumaba na rin ang tatlo pa nilang kasama sa likuran.
Tiningala niya ang mataas na bahay na nasa kanyang harapan. Mayroon itong apat na palapag na may napakalawak na sukat.
Hindi niya gaanong makita ang kabuuan nito.
Nagsimula na silang maglakad at nakasunod naman sa kanya ang limang Alalay. Ganito pala ang pakiramdam ng espesyal at pinagsisilbihan ka.
Ganyan ang nararamdaman niya.
Sa bawat hakbang ng mga paa ay lalo syang kinakabahan sa magiging reaksyon ng sinasabing kanyang totoong pamilya.
Manghang-mangha sya nang makapasok sa loob,sa sala na na waring dalawang pinagsamang kuwarto sa laki at lawak.
Gawa sa mga antik at mamahaling gamit ang bawat bagay na nakikita niya. Mga babasaging baso,picture frame at marami pang iba.
Nakapagtatakang ganun pala kayaman ang kanyang pamilya.
Napako ang paningin niya sa isang lalaking may katandaan na na inaalalayan ng isang dalaga. Anak yata nito.
Nakangiti niya itong sinalubong pero gayun na lang ang gulat sa ekspresyon ng mukha ng dalaga nang makita sya.
"Jana,meet Clarisse Leigh. Your long-lost sister",pakilala ng matanda sa kanya.
Gulat na gulat din ang naging ekspresyon ng mukha niya. Ang babaing nasa harapan niya ay ang babaing nabunggo niya noong araw na hinahabol sya ng mga sindikato,nina Ian.
"You?!",tanong ni Jana sa kanya.
"Dad? Anong ginagawa ng babaing yan dito?"
"Jana,she's your sister Clarisse",sagot ni Leonardo.
"I have seen you before. Ikaw ang nakatapon ng juice sa dress ko noong araw na kasama ko si Lendro. I cant forget your face. Ikaw? Ikaw ang kapatid ko?"
Napatangu-tango na lang sya dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot.Hindi niya malaman kung galit ba ito o nagugulat lang dahil mukhang mahihirapan syang mapalapit sa kanya.
Dahan-dahang lumapit sa kanya si Leonardo at niyakap sya nang mahigpit. Niyakap na rin niya ito kahit pa ngayon lang niya ito nakita.
Hindi pa rin makapaniwala si Jana sa kanyang nakikita. Masyadong maliit ang mundong ginagalawan nila dahil ang babaing nakatapon lang ng juice sa kanya ay ang bunsong kapatid pala niya.
Ang nakapagtatakaka,ngayon lang niya napansing kamukha nito ang ina nilang si Sheena. Kamukhang-kamukha niya.
Ngayong bumalik na ito,mukhang sya na naman ang kailangang mag-adjust at magpakabait.
"May bisita pala tayo?"
Napalingon silang lahat nang marinig ang nagsalita. Si Mykie at kasama nito si Lendro.
Napatingin din ang dalawa kay Clarisse at takang binalingan si Leonardo.
"Clarisse? Is that you?",tanong ni Mykie sa kanya pero nanatili syang tahimik. Nakaka-awkward na di niya alam kung paanong makipagharap sa mga mayayamang tao. Lahat sila nakapalibot sa'yo at kinikilatis ka kung totoo ka ba?
Nilapitan naman ni Lendro ang fianceé at niyakap ito.
"I should be happy,right? Pero bakit iba ang nararamdaman ko? Lendro,tell me how to stop this",ani niya rito.
"Shh..Alam kong kaya mo".
"Clarisse",niyakap naman ni Mykie ang kapatid at hinagod ang buhok nito.
Nakangiti namang nakatingin sa kanila ang ama.
"Welcome back,Clarisse Leigh Eroa,my daughter".
Nakangiti niyang tiningnan sila isaisa. Lahat sila masaya maliban kay Jana na mukhang may tinatagong galit.
Ito na ang simula ng kanyang panibagong yugto ng buhay bilang si Clarisse Leigh Eroa.
Handa na kaya syang iwan ang pangalang nagpapaalala sa kanya ng isang mahalagang tao?
Handa na kaya syang kalimutan ang pagiging si Kathryn.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top