Chapter 40

4 days later....

"Pupunta ka raw ng States at susunod sa kuya mo?"

Naitigil ni Zach ang pag-ta-tayp sa laptop at iniangat ang kanyang mukha para tingnan ang kanyang mommy.

"Yes.And I'm sure with it",sagot niya at muling ibinalik ang ginagawa.

"Anak",umupo ang ginang sa kanyang kama at malungkot na tiningnan ang anak.

"Im sorry".

"Para saan?"

"Kung hinayaan lang sana kitang maging masaya kasama si Kathryn."

Tumawa sya nang mapait kahit masakit.Ipinaalala na naman sa kanya ang babaing laging laman ng isip niya.

Natahimik sya saglit matapos maalala ang nangyari sa kanila ni Natalia.Isa iyong pagkakamali.Napatulala sya sa kawalan habang inaalala ang mga nangyari nang gabing 'yun.

"Zach? Are you okay?"

"Ha??..Ahmm..Yeah.Im fine,mom.Dont worry",sagot niya.

"May gumugulo ba sa isipan mo?Tungkol ba sa pag-alis mo o--".

"Ma,about Natalia.I didnt mean it.Pinagsisisihan ko",simula niya.

Kunot ang noong dumiretso ng tingin si Lea sa kanya.

"Kay Natalia?Bumalik na ba sya dito sa Pilipinas?"

"Ma,Im so sorry.Hindi ko sinasadya",paghingi niya ulit ng paumanhin.

"Zach,anong sinasabi mo?I cant understand you.Anong kay Natalia?May problema ba?"

"Mom-----.It's beca-----"

"Tok.tok.tok",si Aeriel pala at kumakatok ito kahit na nakabukas na ang pinto ng kanyang kuwarto.

Nakasuot na naman ito ng maikling dress at napakataas na heels na parang laging may lakad.

"Did I disturb the two of you?It seems napakaimportante ng pinag-uusapan ninyo?",nakataas ang kilay na lumapit ito kay Lea at inilahad ang mga kamay.

"Dont tell me,Aeriel na--"

"Allowance,mom.Please??"

"Kabibigay ko lang sa'yo noong nakaraang araw ah?Huwag sa'kin.Sa daddy mo",tanggi ni Lea.

"Eh,what can I do?Mabilis na naubos.I need more.Please?"

"Aeriel,you should know how to manage your money.Paano na lang kung wala ako at ang daddy mo?Saan ka na naman ba pupunta?"

Ngumuso si Aeriel at lumapit naman sa kuya niya.

"Christmas is near.Please,bro?",inilahad din nito ang kamay sa kanya at para tumahimik na ay binigyan niya ito ng dalawang libo kaya tuwang-tuwa na itong lumabas ng kuwarto niya.

"Pagpasensyahan mo na ang kapatid mo.Ano nga pala ang sasabihin mo?",muling tanong ni Lea sa kanya.

Nawalan na sya ng ganang umamin pa kaya nagdahilan na lang sya.

"Hindi na importante,ma.It's okay".

"Are you sure?Baka naman seryosong  usapan yan ah?"

"No.It's really okay",sagot niya.

Nginitian sya ng ginang at niyakap.

"Nandito lang ako,anak.Sige na at may gagawin pa ako",paalam nito at lumabas na rin ng kuwarto niya.

Napabuntong-hininga sya nang sya na lang mag-isa sa kanyang kuwarto.Hindi niya kayang panindigan ang nagawa niya.

At dahil sa pangungulila sa presensya ng isang taong na-mi-miss niya ngayon,kinuha niya ang cellphone at pagbukas ay bumungad sa kanya ang stolen picture ni Kathryn na ginawa pala niyang wallpaper.Baliw na kung baliw dahil hinalikan niya ang screen ng kanyang cellphone at nginitian.

Sabay bulong ng "I miss you".

*****

"Anong ginagawa ninyo?Teka,ano 'yang mga 'yan?Anong---"

Hindi malaman ni Kathryn ang mga pinanggagawa ng dalawang kasambahay sa kanya.Pinaupo lang naman sya ng mga ito sa harap ng isang malaking salamin na napakaraming makeup kits,suklay,at kung anu-ano pang pampaganda sa mukha.Akala niya ang mga kasambahay ay kasambahay lang pero may mga alam pala ito sa pagpapaganda.
Si Verna ay inaayusan ang buhok niya samantalang ang isa namang nagngangalang Jen ay ang nagme-makeup sa kanya.Napapakit sya at napaubo dahil sa mga lumilipad na powder ng mga inilalagay sa mukha niya.Matapos syang bihisan ng isang dress naman na kulay-purple ay ito na naman.

"Ano yan?Anong tawag dyan?Teka?Ilayo ninyo nga sa'kin ang mga yan.Ayo--"

Wala na syang nagawa nang lagyan ng lipstick ang labi niya kaya napatikom na lang sya ng bibig.Kung anu-ano pa ang naramdaman niyang inilagay sa mukha niya.

"Wala ng dna test na magaganap dahil kumpirmado na na ikaw nga si ma'am Clarisse.Ang anak nina mr.Leonardo at ma'am Sheena Eroa.Tingnan mo 'to",ipinakita ni Jen ang isang larawan sa kanya.Larawan ng isang babaing naka-makeup at gayang-gaya ang mukha niya.Para lang syang nanalamin dahil kamukhang-kamukha niya ang babaing nasa picture.

"Sya si ma'am Sheena.Ang nanay mo,ma'am Clarisse Leigh Eroa",sabad naman ni Verna.

"Verna?Jen?Matagal pa ba kayo dyan?Naghihintay na raw si sir Leo sa mansion",boses iyon ni Wilson.

"Nagtatawag na si Wilson.Hali ka na,ma'am",inalalayan sya ni Jen na makatayo pero napangiwi lang sya nang makita ang kanyang mukha sa salamin.Ngayon lang niya napagtanto,mukha syang buhay na manika.
Nanlaki ang kanyang mga mata lalo na nang makita ang kanyang suot na mukhang gown sa ganda.Purple dress na hanggang tuhod lang ang haba.

Hindi niya makilala ang sarili.Ayaw na rin niyang umalis sa salamin dahil sa nakikita niya.Hindi yata sya ang nakikita niya sa salamin.

"Ma'am Clarisse,hali ka na",aya ni Jen.Nagsimula na syang maglakad pero wala pa pala syang suot na sapin sa paa,tsinelas o sapatos.

"Gaga ka talaga, Verna.Yung heels ni ma'am",ani ni Jen.

Napakamot sa batok si Verna at kinuha ang isang kahon.

"Heels?Ano yung heels?",maang ulit niyang tanong.Pinaupo ulit sya ng mga ito at sinuotan ng isang heels.

Hindi niya mawari kung tsinelas ba iyon na may takong basta heels lang ang naintindihan niya.Isinuot yun sa kanya.Takang sinimulan niyang ihakbang ang mga paa pero sa bawat hakbang ay nawawalan sya ng balanse.Buti na lang at may dalawang alalay na nakaantabay sa kanya.

"Hindi sya sanay,Jen",puna ni Verna.

"Eh?Alangan namang pasuotin natin sya ng rubber shoes di ba?Ok na yan.Nakaalalay naman tayo sa kanya eh",sagot ni Jen.

"Hali ka na nga",sabi ni Verna at lumabas na sila ng kuwarto.

"Wow",naibulalas ni Wilson pagkakita sa kanya.

Kinalabit sya ni Jen kaya nabalik naman sya sa huwesyo at sya na ang umalalay kay Clarisse.

Pagkasakay sa kotse ay sumakay din sa isa pang kotse sina Jen,at  ang dalawa pang bodyguard na nakabantay sa kanila.Nakasunod lang sa kanila ang mga ito at nagsimula nang bumiyahe.

Napangisi sya nang di niya alam ang dahilan.Hindi na sya si Kathryn.Sya na si Clarisse Leigh at handa na syang harapin ang kanyang totoong pagkatao.






A/N:Hey sa inyo,mga readers ng TPLD.Special mention kay baekhyunrai at kay ate  PrettyBlushesz.Gusto ko lang sabihin na ang cute ninyo.Haha.Salamat po sa inyo :)
Cant believe na Chapter 40 na pala ito.Kay baekhyunrai Salamat ulit sa pagbabasa.Haha.Ang drama basta lab ko kayo.
Happy 2.36K reads pala.Lovelots.

from:@dixie_alexa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top