Chapter 4
"Huwag kayong lalapit. Mamamatay ang babaing 'to," banta ng lalaking nakatutok pa rin ang baril sa ulo ng dalagita.
Hindi maialis ni Zach ang paningin sa dalagita. May kung anong mahika ang nag-uudyok sa kanyang tandaan ang mala-anghel na mukha nito.
Matapos ang pagkuha ng mga lalaking naka-mask sa mga perang nasa counter ay umalis na rin ang mga ito. Sa huling sandali ay nakita pa niyang tiningnan sya ng inosenteng dalagita.
Huli ng dumating ang mga pulis dahil mabilis nang nakaalis ang mga magnanakaw. Dali-daling lumabas ng grocery store si Zach saka tinungo ang kotse. Mabilis niya iyong pinaharurot palayo.
Hindi rin natuloy ang balak niyang mag-stay sa kanyang condo dahil umuwi rin sya sa kanilang bahay. Tiningala ni Zach ang madilim na kalangitan. Hindi sya makapaniwalang matapos ang nangyare kanina ay nakauwi pa sya nang buhay.
Bumaba sya mula sa kotse, saglit na pinukulan ng tingin ang gate kung saan sya pinapasok ng security guard nila.
Mabilis syang naglakad para marating na ang kanyang kuwarto. Ilang hagdan ang kanyang inakyat bago sya makarating sa kuwarto.
Nagpalit lang sya ng damit-pantulog pero makaraan niyon ay lumabas rin sya at nagpahangin sa hallway. Mabagal lang ang ginawa niyang pag lakad-lakad. Totoo nga ang kasabihang kapag malaki ang bahay ay mas malaki ang tyansang makaramdam ka ng pag-iisa.
"I never dreamed of a life like this. I don't need money and wealth for happiness," malungkot niyang tiningnan ang kabuuan ng kanilang bahay. Kung tutuusin ay isa na itong palasyo sa laki, sa ganda at magarbong disenyo.
Naalala niya ang babae kanina sa store. Hindi niya mawari kung bakit parang gusto niya ulit itong makita. Naalala niya yong mga araw na masaya pa syang nakatira sa malaking bahay na meron sya, kasama ang kumpletong pamilya. Masayang nagpaplano ng mga outings at gimik kahit saan, laging magkasama kahit sa kalungkutan pero ngayon, hiwa-hiwalay na sila.
Nang makalanghap na ng sariwang hangin ay saka lang niya naisipang bumalik sa kuwarto at sinubukang matulog. He needs to rest, though.
******
"Clap! clap! clap!" sunod-sunod na palakpak ang ginawi ni Ramon habang masayang humahalakhak.
"Tagumpay ang plano, boss. Sabi ko naman sa inyo maaasahan kami eh," may pa-thumbs up pang sang-ayon ni Ben.
"Oo nga boss. Maraming pera yan," sang-ayon rin ni Ian.
"Hahaha. Siguraduhin ninyo lang na hindi kayo nasundan ng mga pulis ah?"
"Kami pa ba? Malinis kaming magtrabaho boss."
"Si Sheena?"
"Nasa loob na boss," sagot ni Ian.
Ngumisi si Ramon nang maisip ang sunod na plano pero naisip rin niyang baka hindi pa handa ang dalagita.
"Celebrate!"
"Woah! hahaha!"
Dahil nagdiriwang sila sa araw na ito, nakaugalian na nila ng uminom ng alak.
Halakhakan at kuwentuhan ng kahit anong mga wala namang kabuluhan hanggang sa malasing.
Nakalimutan ng isang bantay na ikandado ang pinto ng kuwarto kung nasaan ang mga bihag.
Isa-isang nakatulog ang mga ito sa iba't-ibang puwesto. Kahit gabi na at madilim ay hindi pa rin magawang makatulog ni Sheena. Sumilip sya sa bintana. Kahit ganoong oras ay may mga mangilan-ngilang sasakyan pa rin ang dumadaan.
Pinakiramdaman niya ang paligid. Masyadong tahimik at di na niya naririnig ang halakhakan ng mga nagbabantay sa kanila. Sinulyapan niya ang mga batang mahimbing na natutulog. Mga inosenteng bata na pinagkaitan ng pagkakataong makasama pa ang kanilang pamilya.
Lumapit sya sa pinto at sinubukang buksan iyon. Nagulat sya nang bumukas iyon. Hindi ito nakakandado. Napangiti sya at saglit na sinilip ang mga lalaki. Tulog na ang mga itong nakasandal sa upuan at mesa. Ang isa ay may hawak pang bote ng beer sa kamay habang humihilik.
Napangiti sya sa isiping iyon. Pagkakataon na nila para tumakas.
Isa-isa niyang ginising ang mga bata sa pamamagitan ng pagyugyog sa mga balikat nito. Itinuro niya ang bukas na pinto ay sinenyasan silang huwag maingay.
"Ate? Tatakas tayo? Baka mahuli nila tayo."
Tumango sya saka dahan-dahang lumapit sa pintuan. Marahang pinihit at dahan-dahan ring naglakad nang walang nalilikhang anumang ingay. Sinenyasan niya ang mga batang sumunod sa kanya. Ginawa naman nila. Maingat na maingat na kinuha niya ang susi sa bulsa ni Ramon.
Marahan ulit silang naglakad papunta sa isa pang pintuan. Ginamit niya ang mga susi para buksan at makalipas ang tatlong minuto ay nagawa nga niyang buksan iyon.
Nakalabas sila sa subdivison na kanilang pinanggalingan nang hindi nagigising ang mga bantay.
"Ate, dito tayo dumaan," hinila ng isang batang lalake ang damit niya para dumaan sa kaliwang kalsada ngunit natigilan sila nang marinig ang boses ni Ben na sumisigaw at tinatawag sila.
"Bumalik kayo!"
Tinulak niya palayo ang mga bata. Pinaalis niya ang mga ito gamit ang pag-alon ng kanyang mga kamay. Sinasabing tumakbo na sila at siya naman ay tatakbo sa kanang kalsada.
"Ate Sheena! Sumama ka sa'min."
Umiling sya at muling tinulak ang mga bata. Nang makita si Ben na may baril at papalapit na,inubos niya ang lakas sa pagtakbo sa kanang bahagi ng kalsada. Dahil madilim na ay hindi gaanong makita ni Ben ang dalagita. Nakapagtago sya sa likod ng isang puno. Umiiyak. Nanginginig ang mga tuhod na niyakap ang sarili.
Nang maramdamang wala nang sumusunod sa kanya ay ipinagpatuloy niya ulit ang pagtakbo. Hingal na hingal at pakiramdam niya'y matutumba na sya anumang oras pero pinilit pa rin niyang tumakbo. Ang araw na pinakahihintay niya, ang makatakas mula sa mga taong sumira ng buhay niya.
Nakarating sya sa isang simbahan.
Nakita niyang may mga taong nakahiga sa labas nito, natutulog at ang tanging sapin ay mga kariton at mga plastik na ang laman ay puro basura. Lumapit sya sa isang sulok at nakiupo sa isang matandang pulubi.
"Iha? Bawal ang makisingit rito. Tagasaan ka ba? Sinong kasama mo?" tanong ng matanda.
Hindi sya sumagot. Sa halip ay tumayo na lamang sya at lumipat ng puwesto. Hindi na niya namalayan na nakatulog pala sya nang nakaupo at yakap-yakap ang sarili.
~~~~~~~~
"Paano na yan boss? Hahanapin pa ba natin sila?"
"Hindi na kailangan. Napakinabangan na natin silang lahat maliban kay Sheena."
"Ibig sabihin kailangan namin siyang hanapin?" tanong ni Ben.
"Kailangan-kailangan. Malaki ang gagampanan ng babaing iyon sa'tin. Hahanapin ninyo sya."
Naikuyom ni Ramon ang kamao. Dala-dala pa rin niya ang galit at hinanakit sa taong dahilan ng lahat ng ito. Bilang kabayaran, si Sheena ang kailangan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top