Chapter 36
"What do you think are you doing?Gusto ninyo bang kayo ang sunod na palayasin ko dito? Ha?! Do you know what you are saying about her?!",inihagis ni Zach ang kanyang hawak na cellphone. Tumalsik ito sa isang basahin at nag-crack pa ang harapan.
Napayuko ang dalawa sa kahihiyan. Hindi sila makahanap ng isang magandang rason para mangatwiran pa.
Nagmamadaling lumapit si manang Belen sa kanila at nag-aalala nitong pinulot ang cellphone ng kanyang amo.
"Sir Zach?Bakit----?"
"Ask these two shits in my front. Once you repeat this,I won't hesitate para palayasin kayo",matalim ang tinging iniwanan nito sa kanila bago lumabas.
Naiwang tahimik ang dalawa. Nagsisisihan pa sa pamamagitan ng mga tingin sa bawat isa. Ayaw nilang magsalita.
"Ano na naman ang ginawa ninyo? 'Di ba sinabihan ko na kayo noon pa? Ayaw ninyo kaseng maniwala. Umamin kayo,tungkol ito kay Kathryn? Na naman?"
Nanatiling tahimik ang dalawa kaya mabilis na nahulaan ni manang Belen ang sagot sa tanong nito.
"Ayaw ninyo kaseng tantanan yung tao. Alam ninyo ba kung gaano kaimportante ang salitang respeto? Sana naman alam ninyo iyon",sermon ni manang.
"Manang,alam ninyo na ho ba?"pabulong na tanong ni Coleen.
"Tumigil-tigil ka,Colleen. Nakakasawa kaya ang mga tsismis mo".
"Hali ka na nga,Pinky,back to work na. Tse",ani na lang ni Coleen bago umalis at nakasunod naman sa kanya ang kaibigan.
"Kakarmahin din kayo",bulong ni manang sa sarili.
----------
"Ano 'yan?"
Napatingin si Kathryn sa ginagawa niya. Isinusulat niya sa lupa ang isang salita gamit ang sanga ng kahoy.
Hindi sya sumagot at sa halip ay ipinagpatuloy lang niya ang ginagawa.
Tiningnan niya ang binata na nakapamulsa sa harapan niya.
Nagsimula syang magsulat.
"S?",tanong ni Keith nang makita niya ang sinulat nito.
"H,e,e,n,a.Sheena?"
"Yun ang pangalan ko."
"But you said,your name is Kathryn?"
Umiling-iling sya.
"Ipinangalan lang 'to sa'kin ng isang mahalagang tao. Zach. Zach ang pangalan niya",sagot niya.
"Ehem. But I'm sure mas guwapo pa rin ako sa kanya",bulong ni Keith sa sarili niya pero narinig iyon ni Kathryn.
"Anong sabi mo?"
"Wala. I said,ang hot 'no? Nandito kase ako eh",aniya at pinaypayan pa ang mukha niya.
Kunot ang noo ni Kathryn na nagtanong.
"Bakit ka lumalapit sa'kin? Pagmamay-ari mo ba ang lugar na 'to kaya kahit sino puwede mong kausapin?"
Napalunok si Keith at saglit na nag-isip.
"Tinatanong mo kung bakit kita nilalapitan? I don't know too but I'm sure in one thing. I have a right to talk anyone I want to talk with. Tatay ko ang nagpatayo ng ampunang ito. I'm his stepson of Mr.Hans. At kung tatanungin mo ako kung bakit mr.Hans ang tawag ko sa kanya, dahil yun ang una at huli kong itatawag sa kanya. We're not even close at ang tanging gusto ko sa kanya ay ang ideyang ito. Kupkupin ang mga batang walang magulang at pamilya",mahabang paliwanag ni Keith. Lumungkot ang tono ng boses niya pagkasabi ng mga salitang iyon.
"Bakit mo sinasabi sa'kin ang mga yan?"
"Secret. Remember this,ms.Angel,you'll be mine soon. That's a promise",pabulong nitong sabi. Nginisian sya nito at iniwan ng isa pang kindat.
Sinundan na lamang niya ito ng tingin na nagtataka. Hindi niya maunawaan ang huli nitong sinabi.
"You'll be mine soon".
Ang alam lang niya sa ngayon, may kakaiba sa kanya na parang binabalot ng isang pekeng pagkatao ang Keith na yun.
Yun ang nararamdaman niya.
*****
"Nasaan na ba ang Jana na yun? Anong oras na oh? Hindi pa rin talaga sya nagbabago",sinisipat-sipat ni Mykie ang relos sa kamay habang hinihintay ang kapatid.
Nakita niya si Lendro na alalang-alala na rin habang tinatawagan ang nobya.
"Nasaan na raw s'ya?", tanong ni Mykie pero umiling lang ang tinanong.
"She's not answering my calls",malungkot nitong sagot.
Napatingin si Mykie sa paligid. Handang-handa na ang lahat. Naka-ready na nang maayos.
Ang mga waiters at staffs sa resort ay nakatago na sa isang bukas na kuwarto sa di- kalayuan. Naghihintay na lang ng senyales ni Lendro. Ang swimming pool ay punung-puno ng mga petals ng red roses. Ang mga mesa at upuan ay naka-arrange na nang maayos.
Ang sahig ay may mga nakakalat na puting petals ng rosas naman. Ang mga dingding ay may nakadikit na malalaking larawan ng iba't-ibang face expressions.
Sa pinto naman ay may nakaabang ng mga staffs na magsasaboy ng mga maliliit na bulaklak sa dalagang hinihintay.
Nanunuyo na ang labi ni Lendro habang hinahaplos ang hawak na singing. It's the right time. Napansin niya kaseng madalas na uminit ang ulo at di na sila nakakapag-usap masyado ng nobya. Bagay na nami-miss niya. Ang huli niyang natatandaang kasama ito ay ang pagbisita sa puntod ng mama ni Jana. Iyon na ang huli dahil masyado na silang nagiging busy sa sariling careers.
"Matagal pa kaya ang Jana na yun? Baka naman nagpaganda pa?",pagbibiro pa ni Mykie para palisin ang pag-aalala ni Lendro.
"Hope so", agot ni Lendro.
Napatingin sila sa bukana ng resort. Paparating ang isang babaing nakasuot ng light violet dress.
"There she is. Goodluck,Lendro,bayaw",tinapik niya ang balikat nito at mabilis na naglakad palayo.
"What kind of---"
"Surprise ma'am Jana!"hinagisan sya ng mga maliliit na bulaklak ng dalawang staff na ikinagulat niya. Napangiti sya sa di-maipaliwanag na saya.
Nagpatuloy sya sa paglalakad. Bawat madaanan ay may nakakalat na petals ng rosas.
Napatakip sya sa bibig. Parang alam na niya ang preparasyong ito.
Napansin niyang parang walang mga tao. Ang mga mesa ay nakaayos nang maayos. Napansin din niya ang isang mesa na may dalawang upuan at may pulang kandila sa gitna. Nakakabilib ang ginawang paghahanda ng taong iyon.
Nang nasa gilid sya ng swimming pool ay may biglang nagsalita.
"Hi,sweetheart".
Hinarap niya ito at pinagsusuntok ang dibdib. Umiiyak sya.
"Uyy! don't you dare to do that. Baka malaglag ako sa pool".
Napangisi si Jana at wala sa sariling naitulak nga niya si Lendro sa pool.
Napahiyaw ang mga staff na nasa gilid at may mga hawak na pulang unan na hugis-puso. Nakahilera sila at nakasulat sa bawat unan ang letra ng
'Will you marry me?'
Napatakip si Jana sa bibig.
Sinuklay ni Lendro ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay.
"S-soorryy,sweetheart".
"Will you marry me,Jana Eroa?"
"Of course!",naiiyak na sagot ng dalaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top