Chapter 34
Happy 1.69K reads :)
Salamat nang marami sa inyong lahat. Kay @cuteirishabasarsalamat sa pagbabasa, Irish pati na rin sa pagtatanong ng tungkol sa story na 'to. Ang saya-saya :) Salamat nang marami dahil may nakaka-appreciate pa ng kuwentong ito. Salamat nang marami. Para sa lahat ng nagsubaybay sa kuwento nina Kathryn at Zach mula simula hanggang chapter 33,para po sa inyo ang kabanatang ito.
Chapter 34
"Sabi na nga ba nandito ka pa eh".
Napalingon sya nang marinig ang nagsalita,si Gab. Umupo sa tabi niya ang kaibigan at luminga-linga sa paligid.
Napadako ang mga mata sa iniinom niyang isang bote ng beer.
"Tsskk. Umiinom ka na naman? Ano ba Zach? Papatayin mo ang sarili mo? Kung ganun,ako na lang ang papatay sa'yo gamit ang isang baril. Hey!"tinapik nito ang balikat niya na tinanggal naman agad ni Zach.
Tiningnan sya ni Zach sa mata.
"I don't fucking care. If you want to kill me,then do it now! Go! Nobody will stop you or else,I'll be the one to kill everyone who has a plan to stop you. Go??"
"Tama na yan. Pinapauwi ka ni tita Lea. Baka magkakanser ka pa niyang ginagawa mo. Tino-torture mo ang sarili mo. Remember? Hindi sya oxygen para tumigil na ang mundo mo",pagpapamukha sa kanya nito.
Muli syang lumagok ng alak. Tagos sa puso ang sinasabi sa kanya ng kaibigan. Kahit sabihin pang may pagkaprangka,nandoon pa rin 'yung patotoo na tama sya.
"I want to relax myself. Para makapagpahinga muna ako kahit sandali. Para na rin ma-refresh ang utak ko sa anumang bagay na gumugulo sa'kin",ani ni Zach.
"What do you mean?",tanong naman ng kaibigan. Parang may pinaplano ito na hindi niya alam.
"Pupunta akong States,kay kuya. I need a solo travel".
"What? Why? I mean when? Bakit biglaan naman? May problema ba sa negosyo ninyo? May panibago bang nag-invest? Or may kasosyo kayo?"
Umiling-iling sya.
"You know the answer. I want to forget her".
"Hindi ko akalain na ganyan ka kabilis sumuko. Oo nga pala,kaya kayo nag-break ni Natalia ay dahil din sa'yo".
"Are you blaming my decision? Wala ka naman sa sitwasyon ko ah? If there is anyone who cares about my feelings,it's only me. Me!! You dont know about this,Gab. You don't know."
"Mas mabuti pa,iuwi na kita. Let's go",sinubukan niya itong akayin pero galit nitong itinulak sya palayo.
Nasa ganoon silang sitwasyon nang dumating ang isang grupo ng mga kabataan na nagtatawanan at masayang nag-uusap.
Muling uminom ng alak si Zach. Ni wala na syang pakialam kung ano ang iniisip ng ibang tao sa kanya. Ang mahalaga sa kanya ay ang nararamdaman niya.
Napapailing na lang si Gab sa nakikita. Awang-awa sya. Ang totoo,ngayon lang nagkaganito ang kanyang kaibigan.
Umukopa ng isang mesa na may maraming upuan ang magbabarkada at dahil malapit ang puwesto nila sa mga ito,rinig nila ang anumang pag-uusapan nila lalo na kung malalakas ang mga boses nila.
Pati si Gab ay napatingin sa mga kabataan,nakauniporme pa ng pang-estudyante ang mga ito. Halatang kagagaling lang sa kanilang skul. Sa tantiya niya ay nasa edad dise-otso na ang mga ito at nasa kolehiyo na.
"Alam ninyo mga 'pre? May bago akong chicks",ani ng isa na may pagmamayabang. Napalakas ang boses nito kaya naman rinig iyon nina Gab at Zach.
"Sus! Lagi naman eh! Sino ba yan?"tanong ng isa.
"Hahaha. Don't believe him,mga bro. He is known as the playboy one",sabi pa ng isa.
"We know. But can you tell us the name of that unlucky girl?"
"Zach,go home",ani ni Gab sa kanya.
"Hindi ako lasing so don't stop me".
"Wit..wit..Unlucky ba talaga? Hindi ba lucky?"
"Paanong magiging lucky eh hindi lang playboy yan si mr.Petmalu kundi fuckboy din".
"Hahahahaha".
"Basta seksi,ideal woman. Hahaha".
"Ideal boobs,mga bro".
"Hahahahahahaha".
"That's not true mga 'pre. Okay. Let me tell you her name. Wait,,,I forgot",napapakamot sa ulong nag-iisip ang binata.
"Kita mo na? Adik yata 'to eh".
Akmang tatayo si Zach para lapitan ang mga ito pero pinigilan sya ni Gab.
"Where are you going?"
"They don't respect a woman. I just want to teach them the right lesson",sagot naman nito.
"Hindi mo sila kilala. Huwag ka ngang magpakasuperhero",giit naman ni Gab.
"Angel! Right! Angel is her name!" nagsisigaw na sabi ng binata.
"Angel? Seriously?",tanong naman ng isa pa.
"A sexy body,an innocent face,a perfect shape of her bo-----"
"Zach,hayaan mo na sila",pagpigil ni Gab sa kaibigan dahil may balak itong patulan ang mga binatang nagtatawanan.
"Don't stop me! These shits don't know what they're saying!" ani ni Zach kaya naging dahilan ito para mapatayo at mapalingon sa kanya ang mga kabataan.
Masama ang tinging ibinigay ni Zach sa binatang nagbanggit ng pangalang Angel.
Hindi niya alam pero pakiramdam niya'y sya ang binabastos sa bawat malaswang salitang lumalabas sa kanilang mga bibig. Hindi niya alam pero yun ang kanyang nararamdaman.
"Yes? What do you want?"maangas na tanong ng lalaki at animong hinahamon pa si Zach.
Sinipa ni Zach ang mesa ng mga ito at napatingin na lang ang binata sa ginawa niya.
Nagkatitigan sila. Tinatandaan ang hitsura ng bawat isa,ang init ng tunggalian sa pagitan ng kanilang mga mata.
"Hey,hey? What have I done wrong?"maang na tanong ng binata.
Kinuwelyuhan ni Zach ang binata.
Tinatandaan niya ang pagmumukha ng lalaking ito. Kung sakaling magkita sila ulit sa sunod na pagkakataon,he'll make sure na higit pa dito ang gagawin niya. Hindi niya maaatim na pinagnanasaan ng isang lalaki ang isang inosenteng babae.
Pumagitna na si Gab sa kanila. Hinila na niya si Zach at inilayo sa mga ito.
"Pulis ako at ako na ang bahala sa kaibigan ko. Pasensya na",aniya bago umalis.
Inayos ng binata ang kanyang kuwelyo samantalang tatawa-tawa naman ang mga barkada niya.
Tinapik ng isa ang balikat niya.
"That's cool,Keith".
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top