Chapter 33


*I suggest you play the song 'Moments' by One Direction while reading this chapter.Miss ko na sila.

Napahagulgol ng iyak ang dalaga habang yakap-yakap ng binata.

Gayundin si Kathryn. Hindi niya inaasahang magkikita pa sila ulit kahit ngayong sandali.

"Shhhh....Stop crying,nandito na ako. Hindi kita iiwan. Nandito na ang protector mo.cKahit ano ang mangyari,I'll always be right here",aniya habang hinahaplos ang buhok niya.

"Ayiee..Sayang naman ate. Gusto ka pa naman yata ni kuya Keith pero bagay kayo ni kuya black. Yieee",sumingit naman bigla sa usapan nila si Fred.
Napatingin si Zach sa maliit na batang nakatingala sa kanila.

Kunot ang noo niyang ginulo ang buhok nito.

"Who is Keith?" tanong niya. Parang nakaramdam sya ng selos nung sabihin nitong parang may gusto sa kanya ang Keith na yun. Sino ba ang Keith na yan.

"Kuya Keith. Yung mahilig po mag-ingles at sinasabi niyang guwapo sya",nakangiting sabi ni Fred. Ang lapad ng pagkakangiti niya kaya napilitan na rin si Zach na ngitian ito.

Tiningnan niya ang dalaga na may inosenteng tingin sa kanya. Mayamaya pa,hinila niya ang kamay nito at dinala sa isang mahabang bench na nalililiman ng puno sa magkabilang gilid. Dahil malaki at malawak naman ang bahay-ampunan ay hindi kaagad sila makikita ng taong lalabas maliban na lang kung pumunta ito sa puwesto nila.

Niyakap niya ulit ito at sya naman ang hindi napigilang huwag umiyak. Sa lahat ng babaing minahal niya,si Kathryn lang ang iniyakan niya.

Handa na syang ipagtapat ang katotohanan sa kanya. Handa na syang sabihin kung sino ang pamilya niya pero handa na kaya syang tanggapin na baka ito na ang huli nilang pagkikita?

Napaupo si Zach sa mahabang upuan at ngumiti sa kanya.

Nang makita niya ang luhang tumulo sa mata ng binata,pinahid niya ito gamit ang likod ng kanyang palad.

At isang alaala na naman ang nagpabalik-tanaw sa kanya.

Walang anu-ano ay bigla na lang niya niyakap si Zach. Sumandal sya sa dibdib nito kaya naririnig niya ang tibok ng puso niya.

"Zach",mahinang bulong ni Kathryn at narinig pala iyon ni Zach.

"Binanggit mo ang pangalan ko?"

Tumangu-tango siya bilang sagot.

Abot-langit ang ngiti ni Zach nang marinig ang sarili niyang pangalan na binanggit niya.

Hinawakan niya sa balikat ang dalaga. Pinilit niyang ngumiti nang masayang-masaya. Ano ba talaga ang dahilan at nalulungkot sya nang mga sandaling 'to.

"Siguro ito na ang tamang panahon para sabihin ko sa'yo",napayuko sya. Parang di niya kakayanin.

"May pamilya ka",simula niya.

Nakatingin lang sa mga mata niya si Kathryn.

"Ikaw ay......Ikaw ay.......",napahinto sya at humugot ng isang malim na buntong-hininga. Kailangan niyang masabi ang totoo.

"Ikaw ay....ang....... nawawalang anak ng presidente. Ni---ni.....pre---pre...sident Leonardo Eroa.Alam ko,gusto mo ng makasama sila. Ang pamilya mo at kung sakaling darating man ang araw na yun,ipinapangako ko sa'yo,magkikita pa rin tayo. Naiintindihan mo? Magkakasama pa rin tayo. Naiintindihan mo ako?",niyugyog niya ang balikat nito na nagpatulo sa mga luha ni Kathryn.

"A----a---yoko. Ayoko. Gusto ko sa'yo. A---ayo..ko sa kanila".

"They are your family. Wala akong karapatan sa'yo dahil hindi kita pag-aari. I'm so sorry Kathryn pero someday you'll wake up na sila na ang kasama mo at hindi ako",tumayo na sya sa pagkakaupo.

Hinawakan niya sa pisngi ang dalaga at marahang pinisil. Matapos ay binigyan ng isang matamis na pekeng ngiti.

"Bye",ani niya. Tumalikod na sya pero hindi rin sya nakahakbang dahil narinig niya ang iyak ni Kathryn,ang hagulgol at paghikbi nito.

Hindi niya gustong iwan sya pero tama na siguro ang ginawa niyang desisyon.

Ipinikit niya ang mga mata. Isang hakbang pa at mas lalo niyang narinig ang hikbi ni Kathryn. Ganito pala 'pag sobra mong mahal ang isang tao,it doesn't take days to develop feelings,it takes memories that you'll going to carry 'till the happiness and even in pain.

Isang hakbang pa.

"Sabi mo,dito ka lang. Bakit ka aalis?"narinig niyang tanong ni Kath.

Napahinto sya at napako sa kinatatayuan.

Isang hakbang pa ng mga paa ang ginawa niya. Kakayanin kaya niya.

Balak na sana niyang bilisan ang paglakad pero natigilan sya sa sinabi ni Kathryn.

"Kapag umalis ka,baka hindi mo na ako makita pa. Baka di mo na ako makausap dahil sabi mo hinahanap ako ng pamilya ko? Paano kung hindi na tayo magkasama? Pag umalis ka,kakalimutan mo na ako si Kathryn. Ako si Sheena at ikaw lang ang nagbigay sa'kin ng pangalang yun. Kapag umalis ka,kakalimutan mong ako ang sinabihan mo na mahal mo".

Hindi sya nakasagot sa mga sinabi nito. Ngayon,nasasabi na niya ang gusto niyang sabihin pero masakit pala.

"Ikaw lang si Kathryn para sa'kin. Kung balang araw ay magkita ulit tayo,yun pa rin ang itatawag ko sa'yo. Minahal kita bilang si Kathryn at hindi sa anuman pang pangalan",sagot niya na nakatalikod pa rin sa kanya.

Tumahimik na ang paligid at ang tanging maririnig ay katahimikan.

Itinuloy na niya ang paglalakad. Walang lingon-likod na iniwan ang babaing mahal niya. Ito na siguro ang most painful decision na ginawa niya. Ang ipaubaya na sa tadhana ang sunod na mangyayari.

Nang nasa geyt na sya ay saka lang sya lumingon pero wala na si Kathryn sa kinatatayuan nito kanina. Marahil ay nakapasok na sa loob.

"I will always love you",he whispered at himself.

Tuluyan na syang lumabas ng bahay-ampunan at pagsakay sa loob ng kotse ay pinaandar na niya iyon palayo. Masakit man ay aasahan na lang niya ang tadhana na gumawa ng bagong plano para sa kanilang dalawa.

----------

"Mom,sorry kung ako lang ang nandito. Dad and kuya Mykie are always busy kaya si Lendro lang ang kasama ko ngayon sa pagbisita ko,"nakaluhod na kausap ni Jana sa isang lapida na ang nakasulat ay pangalan ng kanyang yumaong ina.

Sheena Eroa
date of birth:July 21,1966
date of death:March 30,1999

"Ma,if you're just here,sana kumpleto pa tayo. Madaya ka kase eh. Iniwan mo agad kami".

Hinagod ni Lendro ang likod ng nobya para iparamdam na hindi sya nag-iisa.

"Ma,I miss you. Sana ok ka lang dyan ah. Tutuparin ko ang pangarap mong isang masayang pamilya. Hindi man sa atin,kundi sa'kin. Sarili kong pamilya. Pangako yan".

"Hmm. May I suggest na tuparin mo na rin ang pangako mo na mamahalin mo ang kapatid mo? And you will stop killing her by words coz she's still alive. We don't know?"sabat ni Lendro.

"Hindi ko pinangako yan".

"You did."

"Lendro? Ano ba?!"

"Sorry. Nasa harap tayo ng puntod ng mama natin,I mean mo pala. We should respect our mother. I mean yours",napakamot sa batok si Lendro dahil nakailang ulit niyang binanggit na nanay din niya ito.

Tumayo na si Jana at pinagpagan ang suot niya.

"Bye mom".



***

Hi to my silent readers,thank you for reading. I appreciate it but would you mind to comment anything para mabasa ko rin mga stories ninyo. Para na rin sa ikagaganda ng takbo ng kuwento,I need your opinions or feedbacks. Kay ate Rheiza,(special mention ulit) Sana mabasa mo 'to kung binabasa mo pa ang TPLD. Salamat sa support ate. Ang saya sa pakiramdam na pinaiiyak ako ng sarili kong imahinasyon.
#ZachRyn (Zach and Kathryn)
#KathEith (kath and Keith)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top