Chapter 32
"Don't you have plan to say it to our son?Zairon,naaawa lang ako sa kanya. Baka dahil sa ginagawa natin,lumayo pa ang loob niya sa'yo".
Napatingin si Zairon sa asawa. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at alam niyang dahil iyon sa kalagayan ng kanilang panganay na anak.
"Sabihin mo na sa kanya kung saan natin sya pinadala. Si Kathryn".
Nagusot ang mukha ng ginoo at humugot ng isang malalim na buntong-hininga.
"Hindi sila nababagay sa isa't isa".
"Hayaan mo lang syang makita sya kahit saglit. Kahit sandali lang. Please,Zairon. Para sa kanya,gawin mo 'to",pagmamakaawa ni Lea sa asawa.
Matagal bago makasagot ang ama pero sa huli ay napapayag niya rin ito.
----------
Kumbinsido na sya. Nakapagdesisyon na syang gawin kung anuman ang tama.
"You did the right thing,bro",ani ni Gab na nakangiti. Tinapik niya sa balikat ang kaibigang sobrang latang-lata ang mukha.
Lungkot at pangungulila sa isang taong hindi pa niya alam kung nasaan. Matapos na kausapin ang kaibigan tungkol sa totoong pagkatao ni Kathryn,napagdesisyunan niyang ipakalat na sa mga dyaryo at balita na si Kathryn ang nawawalang anak ng presidente. May bahagi ng puso niya ang nagsasabing maaaring mapahamak si Kathryn pero nanaig sa kanya ang pag-asang makakarating agad ito sa kanilang presidente.
Pinilit niyang ngumiti sa harap ni Gab kahit na sobrang sakit ng nararamdaman niya. Simula na ng kanyang pag-asang malalaman na ni Kathryn kung sino ang pamilya niya.
"Kung nasaan man sya,sigurado ako nami-miss ka rin niya. Imposible namang hindi di ba? Eh sa tagal na pala syang naka-stay sa inyo,hindi ka ba niya matututunang mahalin?"
"I miss her so much. I miss her",ani niya.Sa pagkakasabi ng mga katagang iyon,waring tinutusok ang puso niya.
Paano na lang kung hindi na pala niya makikita kahit kailan si Kathryn dahil nasa poder na ito ng kanyang totoong pamilya.
Paano na lang kung kamuhian sya nito dahil sa pagmamahal na pinipilit niyang ipaglaban.
"Babalitaan na lang kita",ani ulit ni Gab.
"Thanks,bro. Thanks for everything".
"Naku naman? Drama boy Zach? Sige na. Baka may gagawin ka pa. Malay mo,ang araw na 'to pala ay araw na makikita mo ulit sya kahit sa huling pagkakataon,at pag nangyari,harap-harapan mo ng aminin. Malay mo bigyan ka pa ng certificate at award ng presidente pag binalik mo sa kanya ang anak niya".
"Hindi mahalaga sa'kin ang kahit anong award. Gusto ko lang syang makita at makausap,makasama bago sya kunin sa'kin ng pamilya niya".
---------
Masaya niyang pinaliliguan ang mga bata gamit tabo. Katulong niya ang iba pa niyang kaedad na nagpapaligo rin sa mga bata at samantalang ang mga madre ay nasa loob at naghahanda na ng kanilang tanghalian.
Malaki na ang pinagbago niya dahil araw-araw syang kababakasan ng saya at ngiti. Hindi nila alam,lagi syang nag-iisip ng mga bagay na sa tingin niya ay imposible nang mangyari pa.
Halakhakan ng mga bata ang maririnig at ang pagbuhos ng tubig. Napakasaya nilang tingnan. Tama nga si sister Helen. Masaya dito dahil dito ka makakaramdam ng saya at tuwa bilang isang pamilya.
Matapos silang paliguan ay dali-dali nang pumasok sa loob ang mga bata. Naiwan naman syang inaayos sa pagkakasalansan ang mga sabon at timba.
Nilapitan sya ni sister Helen.
"Mukhang masaya ka na ah",puna nito sa kanya.
"Hindi naman po masyado, sister.Masaya pala dito. Kahit hindi kayo magkakadugo,nagtuturingan kayong pamilya. Sana dito na lang ako at wala ng kumuha sa'kin. Ayoko na ng laging may naiiwang mga taong malungkot",malungkot niyang sabi rito.
"Malalim yun ah pero hija,kung anuman ang nakaraan mo,alam kong malalampasan mo. Sige,ako na dito at pumasok ka na roon sa loob",utos nito na sya naman niyang sinunod.
Pagkapasok ay nakita niyang nakahilera ang mga bata nang nakaupo sa apat na tatlong mahabang mesa kasama na ang mga dalaga.
Tumutulong na rin ang iba pang madre at mayamaya pa ay nagsimula na silang kumain.
"Ate,upo ka po",nakangiting ani ni Fred kaya umupo na rin sya. Kumakain sila nang tahimik at bawat may dumaldal lalo na pag may pagkain ang bibig ay pinapagalitan.
*****
"Pwede ba kitang makausap,Zach?", tanong ni Lea sa anak na seryoso ang atensiyon sa ginagawang pag-aayos ng kanyang drawer na puno ng sandamakmak na iba't ibang larawan na sya mismo ang kumuha kasama na ang kanyang slr camera.
"I'm busy,mom. Sa ibang araw na lang",seryoso niyang sabi habang iniipon naman ang mga larawang gusto na niyang itapon. Hindi niya inaalis ang atensiyon sa ginagawa.
"About Kathryn",simula ni Lea.
Napaangat ng mukha si Zach at matikas syang tumayo.
"What about her?"
"Napansin ko lang na mula nang mawala sya dito,parang nawala na rin ang anak kong si Zach. May paraan pa para makita mo sya. Para maging masaya ka naman".
Naghihintay lang sya ng idudugtong na sagot nito. Nag-uumapaw ang saya niya.
"Sasabihin ko kung nasaan sya. Para makausap at makasama mo sya--"
Hindi pa man tapos ang sasabihin ng ginang ay bigla na lang syang niyakap ng kanyang anak.
"Thank you.Thank you,mom. Thank you",sunud-sunod niyang pasasalamatan. Sobrang saya niya.
After almost three weeks na hindi niya nakikita at nakakausap si Kathryn,maybe this time,panahon na.
****
"Oh? Saan ka pupunta?"tanong ni sister Helen kay Fred dahil tumayo ito sa pagkakaupo at iiwan yata ang pagkain niya.
"Nawiwiwi lang po ako, sister",ani nito at nagmamadali nang umalis.
Pagkatapos mag-cr ay lumabas muna si Fred para tingnan kung dumating na naman ang kuya Keith niya.
Pumunta pa sya sa mismong geyt para silipin kung nandoon ang kotse nito. Sa kasamaang palad,wala ito kaya aalis na sana sya nang marinig niyang may dumating na kotse.
"Kuya Keith!" sigaw niya pero hinarang sya ng bantay sa geyt.
Hinintay niyang bumukas ang geyt. Inaasahan na niyang ang kuya Keith niya iyon pero hindi.
Isang matangkad na lalaking nakadyaket ng kulay itim at nakaitim na pantalon ang bumaba mula sa sa sakyan. Sa hitsura nito ay mukha ring mayaman. Hindi lang mayaman,guwapo rin kagaya ng kuya Keith niya.
Nakita niyang kinausap nito ang sekyu pero mayamaya ay nakikipagtalo na ito sa bantay.
At sumigaw pa.
"Kathryn! Ako 'to! Si Zach!!"
Nangunot ang noo ng bata at kunwaring nag-isip.
"Si ate ang tinatawag niya. Tama. Si ate Kathryn",nagmamadali syang pumasok sa loob. Hinihingal na hinanap ng kanyang mga mata si Kathryn.
Nang makita ay hinila niya ang kamay nito palabas ng walang sabi-sabi.
"Uy? Fred? Saan mo ako dadalhin?",maang na tanong niya pero sinunod niya na lang ang pagtakbo nito.
Nang nasa tapat na ng geyt ay tinuro ni Fred ang lalaking nasa labas.
Nanlalaki ang kanyang mga mata na hindi makapaniwala sa nakikita.
Sya nga.
Lumapit si Fred sa bantay.
"Kilala po s'ya ni ate Kathryn",ani nito at tinuro pa sya.
Sa huli,pinapasok si Zach. Parang tumigil ang mundo niya nang makita niya ang dalagang katabi ng isang batang lalake. Nakatayo sya at tulalang nakatingin sa kanya.
Dahan-dahan ang bawat hakbang niya. Nanunumbalik ang lahat ng alaala noong kasama niya ito,noong umamin sya na mahal niya ito.
Hindi na niya napigilan pa. Niyakap niya nang napakahigpit ang dalaga. Yakap na parang ayaw na niyang bitawan pa.
*End of Chapter 32*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top