Chapter 30
One week later..
"Hi sir",bati ng isang empleyado sa kanya pero nanatiling tikom ang bibig niya. Hindi sya nag-aksaya ng segundo o minutong tapunan man lang ng tingin ang nagsalita. Seryoso at malamig ang kanyang aura. Bumalik na ba ang dating Zach?
"Taray ni sir 'no? Snobber na?",narinig niyang sabi ng isa.
Mabilis na uminit ang ulo niya at nilapitan ang nagsalita.
"Are you referring to me? If there is something wrong with me,you can tell it face to face. What a bullshit day!"
Nagulat ang lahat ng nakasaksi sa inasta ng kanilang mabait na amo. Nasaan na ang Zach na marunong ngumiti at trumato ng mga empleyado ng patas at pantay.
"Hindi po sir. Sorry po",nakayukong paumanhin ng nagsalita.
"From now,ayoko ng maririnig na pinagbubulungan ako. Kung may problema kayo sa'kin,ipamukha ninyo. Hindi yung para kayong mga duwag na bubulong-bulong sa isang tabi. Clear??"
"Y-yes,sir",sagot nilang lahat. Wala na silang nagawa kundi sundan ng tingin si Zach papalayo sa kanila. Wala na nga ang dating Zach na kilala nila. Wala na sya.
------
Nakangiting tinitingnan ni Kathryn ang mga batang masayang naglalaro. Mayroon din palang mga batang nasa edad 9-13 ang naroroon.
Ang sabi sa kanya ni sister Helen,dahil wala raw mga magulang na nagtatangkang umampon at mag-alaga sa kanila,ito na ang naging tahanan nila hanggang sa sila'y lumaki.
Hinawakan niya ang bintana at hinawi ang kurtina.
Kuntento na siguro syang tingnan sila ng ganoon kasaya.
Nangunot ang kanyang noo nang makita niya si sister Helen na may kausap na isang lalaki. Mayamaya pa,may mga sumunod na lalaking may mga dalang malalaking kahon ang pumasok.
Hindi niya gaanong makita ang mukha ng binatang kausap ni sister Helen at hindi naman sya interesado. Muli syang nakaramdam ng lungkot nang maalala ang bahay na tinirhan niya,ang mga tao roon na nagbigay-saya sa kanya.
Lumabas sya kuwartong pinagtataguan at tiningnan sa di-kalayuan ang dalawang nag-uusap. Nakita niyang pinagkakaguluhan ng mga bata ang mga dalang kahon ng mga lalaki.
Mga sari-saring damit at gamit pala ang mga iyon.
"Maraming salamat talaga sa'yo,hijo. Isa itong malaking tulong para sa mga batang naririto",pasasalamat ni sister Helen sa binata.
"Wala ho iyon sister Helen. Nautusan lang ho ako ni mr.Hans na ihatid ang mga iyan dito. Ewan ko nga po doon eh. Mukhang ipinaglihi sa mamon at napakalambot ng puso sa mga taong nangangailangan",sagot ng binata.
Kunot na kunot ang noo ni Kathryn habang pinagmamasdan sila. Mukhang pamilyar sa kanya ang lalaking iyon. Ano ba 'to? Tadhana? Nagkataon lang?
"Naku,Keith,pakisabi namang maraming salamat. Napakalaking tulong ito. Nagpapasalamat ako at nabibigyan pa ng pagkakataong maging masaya ang mga batang naririto. Napakabuti ng Diyos",nakangiting saad ni sister Helen.
"Naku sister,wala yun. Basta ang alam ko,cute pa rin ako".
"Ikaw talagang bata ka. Nakuha mo pang magbiro. Ikaw ba eh may nobya na?"
"Ha?",napakamot sa batok na sagot ng binata.
"Hehe. Wala pa po eh. Still searching",tatawa-tawang sagot nito.
Napaatras si Kathryn. Tama nga. Pinaglalaruan sya ng tadhana. Ano na naman kaya ang susunod na mangyayari.
Umatras lang sya ng umatras hanggang sa mapaupo sya sa isang walis tambo. Nakita naman yata sya ng binata kahit na malayo.
"Wait lang po sister Helen. May titingnan lang ako",paalam nito. Agad itong naglakad nang mabilis.
Nahihirapan syang tumayo dahil pati ang katabing basurahan ay natapon sa gilid niya.
"Ah...",mahina niyang daing sa sakit dahil parang natapilok ang kanyang paa.
Isang kamay ang nag-abot sa kanya ng tulong. Tiningala niya ito. Ang binata nga.
"Help?"
Iniabot din niya ang kamay kaya natulungan sya nitong makatayo.
"Ikaw?" tanong ng lalaki na parang gulat na gulat pa dahil hindi rin ito makapaniwalang nandito sya at nagkita pa talaga sila.
"Wait! Miss.Angel? Yeah right?Ms.Angel. The one I saw on the grocery store who picked up the chocolate and give it back to me. What a coincidence?"
Iiwanan na sana niya ang engliserong lalaki pero hinawakan nito ang kamay niya.
"Dont be a snobber. Do you know that's a bad attitude? Wala pa yatang babae ang nakapag-iwan sa'kin nang ganun-ganun lang."
Naiinis niya itong tiningnan. Marami syang iniisip ng mga oras na ito at wala syang panahon para sa lalaking nasa harapan niya.
"Do you still remember my name? My handsome name?",muli nitong tanong pero kunot lang ang noo niya.
Kinalabit si Keith ng isang bata at nakatingala itong kumaway.
"Kuya,huwag mo po syang english-english dyan. Magtagalog ka po",sabi ng bata.
"O---OK. Hi ms.Angel,Ako nga pala si Keith.Ahmm...destiny?"
"Hindi ganyan kuya",humarang ang bata sa pagitan ng dalawa at malapad na ngumiti.
"Hi ate. Ako nga pala si Keith",simula ng bata.
"Keith ano? Anong epelyido mo kuya?"pabulong nitong tanong sa kanya na ikinatawa niya.
"Dizon".
"Ako si Keith Dizon. Isang guwapong nilalang na nanggaling sa mundo ng mga alien. At ikaw naman ay isang magandang ate na mukhang anghel. Ang ganda mo ate",ani ng bata.
Nainis si Keith kaya inismiran niya ang bata pero natawa sya sa nakitang reaksyon ni Kathryn.
Tumatawa sya.
"Sige boy,alis ka na. Kulit mo. Ahm. Hi Ms. Angel,unang-una ang guwapo ko kaya imposibleng nanggaling ako sa mundo ng mga alien",pakilala nito.
Natawa si Kathryn sa sinabi niya pero mahina lang at pinipigilan niyang humagalpak ng tawa.
"A---ano a---ang a---alien?" paputol-putol niyang tanong.
"Ha?Ah eh. Alien ba?"luminga-linga si Keith hanggang makita niya ang batang nasa harapan niya.
"Ang alien ay mga taong di pangkaraniwan ang mukha. Nagmula sa ibang planet. Ganito",pinaharap niya ang mukha ng bata kay Kathryn.
"Ito ang mukhang alien".
Sumimangot ang bata at galit na nagmartsa palayo.
"At isa pa sa characteristic ng alien ay pag sumimangot sya kapag tinawag syang alien",dugtong ni Keith.
Lumingon ang bata at masama syang tiningnan.
"Ibig sabihin,alien ka rin?"tanong ni Kathryn sa kanya.
"Ha?!!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top