Chapter 3


"Good morning, sir."

"Good morning, sir Tyson."

"Good morning, sir Zach."

Malugod syang binabati ng bawat empleyadong nadadaanan pero kahit ngiti hindi niya magawa.

"Hindi pa rin sya marunong ngumiti, 'no?" narinig niyang bulong ng isa.

"Shh. Huwag kang maingay. Lagot ka pag narinig ka niya."

Seryoso niyang tinatahak ang dinadaanan na parang walang nakikita o naririnig man lang. Nang makarating sa elevator ay nakahinga na sya nang maluwag. Pakiramdam niya'y nabunutan na sya ng tinik matapos ang mahabang panahon.

Mula sa cubicle kung saan nakaupo si Pia at ang iba pang sekretarya ay tanaw niya ang pagpasok ng seryosong boss sa opisina nito. Malamig pa rin ang aura nito. Walang pagbabago.

"Tingin mo, makikita kaya natin syang ngumiti araw-araw nang hindi pilit? Yon bang may inspirasyon?"

Napalingon si Pia sa nagsalita. Si Kathlyn, ang isa sa katrabaho niya.

Tumangu-tango sya bilang sagot.

"I think yes. He just need happiness."

Abala si Zach sa pagpirma ng mga dokumentong nakatambak sa mesa nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Come in," mahina niyang sagot nang hindi itinitigil ang ginagawa.

"Zach."

Hindi agad sya nakaangat ng mukha para tingnan kung sino ito. Ang boses na iyon ay kabisadong-kabisado niya. Ang boses na kumukurot sa puso niya kapag naririnig niya.

"What are you doing here?"

"Gusto lang kitang makausap."

"Take a sit," malumanay niyang saad sa dalaga. Saglit niyang inihinto ang pagpirma sa mga dokumento at pinasadahan ng tingin ang kanyang bisita.

"If you're here and just wanted me to invite in your wedding, wag mo nang gawin. I won't waste my time to come in a bullshit wedding celebration of my ex girlfriend."

"I'm just here to tell you that I'm going to France this week. I'll get married there. I just wanna say--" mapait na ngumiti ang dalaga.

"Goodbye," Zach smirked. Hindi niya pinahalatang nasasaktan sya. Ngumiti sya ng pilit kahit ang totoo'y nasasaktan sya.
Napayuko si Natalia habang kagat ang pang-ibabang labi.

Iniangat rin niya ang ulo at matamis na ngumiti kay Zach.

"I have to go, Zach."

Tumayo na si Natalia at dahan-dahang inihakbang ang mga paa.

"Take care of yourself," narinig niyang paalala ni Zach.

May pakialam pa rin ito sa kanya. Alam niyang mahal pa rin sya nito.

"You too," walang lingong kanyang nilisan ang opisina nito.

Nasabunutan ni Zach ang sarili. Hindi na sya makapag-concentrate matapos ang pagdating nito sa kanyang opisina.

"I can forget you," bulong niya sa sarili.

Agad na niyang tiniklop ang mga papeles. Nawalan na sya ng ganang ipagpatuloy pa ang kanina lang ay ginagawa niya.
Tiningnan niya ang schedule niya sa araw na 'to. Walang gaanong appoinments maliban sa isang negosyanteng gustong mag-invest tungkol sa business. Mr. Verdazo.

Pinindot niya ang intercom.

"Ms. Pia Dafliner, kindly go in my office now." Tatlong minuto lang ang lumipas at dumating agad ang kanyang sekretarya.

"Cancel all of my schedule today."

"But sir--"

"I said just cancel all. Clear?"

Tumangu-tango na lang sya bilang sagot. Tumayo na ito, seryosong naglakad palabas ng opisina nang gano'n kabilis. Inayos pa niya ang mga naiwang papeles at dokumentong nagkalat. Pati ang bolpeng nahulog nito sa sahig ay pinulot pa niya.

Hindi muna sya umuwi sa kanilang bahay. Dumiretso sya sa isang grocery store. Kailangan niya ng pampawi ng sakit na nararamdaman at pagkatapos niyang mabili ang bagay na iyon ay sa condo muna sya tutuloy pansamantala.

*****

"Sheena, tawag ka ni Boss."

Napalingon ang dalagita sa nagsalita. Si Ben, may nakasukbit na baril sa bewang at may hawak na sigarilyo sa kaliwang kamay.
Dahan-dahang naglakad ang dalagita palabas ng Kuwatro. Nilingon pa niya ang mga batang kasama na tahimik na nakaupo lang.

Muling ini-lock ni Ben ang pintuan pagkalabas ni Sheena.

"Hali ka," tawag ni Ramon sa dalagita. Dahan-dahan itong naglakad at walang emosyon.

Hindi mababakasan ng takot o anuman.

"Mabilis ka bang tumakbo?" tanong ni Ramon.

Humalakhak ang mga tauhan niya kasama na si Ian.

"Eh boss, mas mabilis pa ang pagong sa kanya eh. Lakad pa lang talo na sya ng pagong," tumatawang saad ni Ian.

"Boss? Huwag ninyong sabihing--"

"Isasama ninyo sya. Siguraduhin ninyong hindi kayo papalpak," matigas ang utos na binitawan ni Ramon ang katagang iyon.

"Boss naman. Sagabal lang yan samin. Papalpak kami panigurado," reklamo ng isa.

"Gawin ninyo syang pain. Ang sinabi kong plano, Ben, gawin ninyo. Hindi kayo pwedeng pumalpak."

"Maliwanag boss," sagot ni Ben sa sinabi nito.

"Tandaan: kailangang malinis ang trabaho ninyo. Hindi. kayo. sasabit."

"Maliwanag boss," sang-ayon ni Ian.

Pati na rin ng iba pa.

Isinuot ang sumbrero, ang mask na tumatakip sa mukha at ang dalawang baril sa magkabilang bewang.

Hinila ni Ian ang kamay ni Sheena palabas at isinakay sa itim na van.

Kasama ang iba pang tao ni Ramon, sama-sama silang gagawa ng isang panibagong krimen. Ngunit sa ngayon,gagawin nilang pain ang inosenteng dalagita.

"Nakikita mo ang grocery na yan?" turo ni Ben sa kanya.

Tumango ang dalagita bilang sagot.

"Papasok ka sa loob niyan. Naiintindihan mo?"

Tumango ulit si Sheena.

"Pagkapasok mo, tatayo ka lang sa isang sulok. Wala kang ibang gagawin kundi tumayo doon. Pagkapasok namin,hayaan mo na lang kung ano ang gagawin ko sayo. Kasama 'to sa plano. Maliwanag ba?"

Muli ay tanging tango lang ang nagawa ng dalagita.

"Mommy, I want those chocolates. Buy me some," nagmamaktol na itinuturo ng batang babae ang isang balot ng tsokolate na nakalagay sa itaas. Napangiti si Zach nang hindi inaasahan. Naalala niya si Natalia noong kasama niya ito sa store.

Tandang-tanda pa niya ang pagkaligaw ng isang bata noon na may dala-dalang isang balot ng kendi. Tinulungan nila itong mahanap ang ina.

"Okay. I'll buy this one but promise me, you'll share it with your little sister and cousins, okay?"

"Yieey! Okay mommy."

Nang makaalis ang mag-ina ay noon lang niya naalala na may bibilhin pala sya.

"Bang!"

Napasinghap siya nang marinig ang putok ng isang baril. Sa loob mismo ng grocery store.

"What was that?" tanong niya sa sarili. Hinanap niya ang pinanggalingan ng putok.

Nakita niya ang isang lalaking hostage ang isang dalagita. Tinututukan niya ito ng baril sa ulo habang ang iba pa nitong kasama ay abala sa pagkuha ng mga pera sa counter.

May mga takip ang mukha nila kaya hindi agad makilala. Nakadapa ang iba at nakataas naman ang kamay ng mga cashier na nasa counter.

Napako ang paningin niya sa dalagita.
Napakahaba ang itim na buhok nitong abot sa bewang, may mga maaamo at mapupungay na mata, maputing kutis, inosenteng mukha at nakakaakit na mga tingin ngunit ang ipinagtataka niya, wala itong emosyon at hindi man lang kababakasan ng takot.

"Ikaw!" turo ng lalaking may baril sa kanya. Itinaas niya ang mga kamay. Ayaw niyang madamay kahit gusto niyang iligtas ang dalagitang hostage ng lalaking iyon.

Muli niya itong tiningnan.Mukha syang pamilyar at parang nakita na niya noon pa.
Tiningnan sya nito at ilang segundo silang nagkatitigan. Binawi rin nito ang tingin.

Nakatutok ang baril ng dalawang security guard sa kanila ngunit walang gustong magpaputok dahil maaaring madamay ang inosenteng dalagita.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top