Chapter 29


Iginiya niya ang paningin sa lugar kung nasaan sya ngayon.
Pinahid niya ang mga luhang nag-uunahang tumulo sa kanyang mga mata.Hindi niya kayang saksihan ang paglayo niya sa taong nagturo sa kanya ng salitang 'mahal kita'.Ang taong nagsabi sa kanya ng salitang 'I love you'.Sa buong buhay niya,si Zach lang ang taong nakapagpangiti sa kanya,nakapagpasaya sa kanya ng ganun.

"I---------------I...............................

l-----------love......

y------you......................................

Z----------------------------------------

Zach.",pautal-utal at mabagal niyang sabi.Binalot sya ng pinaghalong saya at di maipaliwanag na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

Napahawak sya sa kanyang bibig nang mapagtantong nakapagsasalita na sya.At nabanggit pa niya ang pangalang Zach.Ibig sabihin lang nito,senyales na ng kanyang pagbabago.Natakasan na kaya niya ang kanyang mapait na nakaraan?

Umupo sya sa isang mahabang upuan at tinanaw ang mga dalagang nasa edad niya na nagwawalis,nagbubunot ng mga damo at namumulot ng mga kalat.

Muli ay may butil ng mga luha ang tumulo mula sa kanyang magagandang mata.Sa oras na ito,hindi na niya pinunasan pa dahil mas lalo lang dumadagdag ang sakit na nararamdaman niya.

Lumapit sa kanya ang isang madre at umupo ito sa kanyang tabi.

Hindi niya pinansin ang paglapit nito dahil nakapokus ang atensiyon niya sa pagtanaw sa paglubog ng haring araw.

"Hija?"

Nabaling ang atensiyon niya sa matanda at agad niya itong nginitian.

"Bago ka lang dito.Anong pangalan mo?Saka umiiyak ka ba?"sunud-sunod na tanong nito.

Binalik niya ang paningin sa papalubog na araw.

"Kathryn.I shall call you Kathryn".

"Sheena o Kathryn,Kahit sino ka pa,ikaw lang si Kathryn.Naiintindihan mo ako?Ikaw lang ang Kathryn ko kahit ano pa ang maging pangalan mo".

"Ipangako mo sa'kin na kahit saan ka mapunta,nandito lang ako para sa'yo.Kahit sino pa ang kasama mo,alalahanin mo na may Zach ka".

"I love you".

"Kathryn",mahina niyang sabi sa sarili pero narinig pala iyon ng kanyang katabing madre.

"Ka--Ka...thryn a---ang pa--pa ngalan ko",utal-utal niyang sabi.

"Ganun ba?Ako naman si sister Helen.Matagal na akong nagtatrabaho dito sa bahay-ampunan at masaya akong nakikita na masasaya ang mga batang naririto.Teka,sino ang mga magulang mo?Wala ka na bang magulang?"

Umiling-iling sya.

"Huwag kang mag-alala,hija,magmula ngayon,ito na ang bago mong tahanan.At sila?"itinuro nito ang mga kaedad niyang naglilinis sa di kalayuan.

"Sila ang bagong pamilya mo.Isa kaming masayang pamilya rito.Nagtutulungan,nagdadamayan,nagmamahalan.Ito ang lugar para sa mga batang inabando,naulila at iniwan ng mga magulang at nag-aalaga sa kanila.Kabilang ka na rin dito,hija.Kathryn?Tama ba?"

Nginitian niya ang madre at nabuhayan sya ng pag-asa.

"P---pamilya?",tanong niya dahil hindi niya alam ang kahulugan nito dahil wala syang pamilyang maituturing.

"Pamilya.Ito ay ang mga taong nagpapasaya sa'yo,nagbibigay-inspirasyon sa lahat ng problema at higit sa lahat,sila ang dahilan kung bakit ka matatag.Ang pamilya ay maaaring binubuo ng mga taong hindi mo kadugo ngunit ipinararamdam sa'yo ang kahulugan ng kasiyahan.Hindi ka nila iiwan bagkus ay lagi silang naririyan para ika'y damayan."

Napangiti sya sa paliwanag ni sister Helen.Pamilya,ito ay ang kanyang pinapangarap na bagay noon.Ang mga taong magbibigay-lakas sa kanya para lumaban.So,puwede niyang sabihin na si Zach ay pamilya niya.Dahil noong mga araw na malungkot at naipit sya sa kanyang tinakasang mga tao,bigla naman itong dumating.Ito rin ang naging dahilan kung bakit sya natutong ngumiti,at ang kasiyahan?Sya.Sya rin.

"Sige Kathryn,may gagawin pa ako.Maiwan na kita ah?",paalam nito.Nginitian lang niya ang madre bago ito tuluyang makaalis.

Tumingin ulit sya sa langit.Padilim na ang kalangitan at sasapit na ang gabi.Makikita na naman niya ang nangingislap na mga bituing magpapaalala sa kanya ng isang tao.

--------

"One more please",ani niya at iniabot ang basong wala ng laman sa bartender.

"Uy?Zach?Zach?Stop.Ah..miss,tama na.Lasing na sya eh",awat naman ni Gab sa kaibigan.

"Dont stop me,Gab! I know what Im doing!!"sigaw naman ng kanyang lasing na kaibigan.

Yumuyuko na ang ulo nito,pati ang kanyang mga mata ay pumipikit na rin at sa oras na tumayo ito,siguradong sahig na ang sasalo sa kanya.

"Gusto ko pa",utos nito sa bartender pero inilayo niya ang kamay nito at inalalayan si Zach dahil unti-unti na syang natutumba.

"Ano ba?Huwag mo nga akong pakialaman?!G*g* ka ah?You want a punch?"galit nitong tanong sa kanya.Napailing na lang sya sa inakto ng kaibigan.

Awang-awa sya sa mga pinanggagawa nito sa sarili niya at tumatagal na ng limang araw.

Masyadong malaki ang ginampanang papel ng Kathryn na yun sa buhay ng kanyang kaibigan.
Gusto niya itong yakapin at iparamdam na naririyan pa sya.Hindi niya ito iiwan kahit anong mangyari.Noon pa man ay saksi sya sa paghihirap na dinanas ng kanyang kaibigan sa ex girlfriend nitong si Natalia.Masyado syang sincere at pursigido pag nagmahal.Ibinibigay niya ang lahat pero sa oras na ipagtabuyan at iwan sya nang ganun kadali,sya na mismo ang lalayo.Pero sa mga oras na 'to,tingin niya mahal na mahal nito ang babaing nagkataong anak ng presidente at di pa niya alam kung nasaan na.His bestfriend knows how to give worth of something.He knows how to love unconditionally that others wont do.

Tumunog ang cellphone ni Zach.Mayamaya pa,nakatalungko na ang ulo nito sa mesa kaya si Gab na ang kumuha sa cellphone ng kaibigan.

"Kuya?",tanong ng sa kabilang linya.

"Si Gab 'to.Lasing na ang kuya mo kaya ako na ang sumagot".

"Lasing?Na naman?Pakisabi nga sa kanya kuya Gab,baka gusto pa niyang mabuhay nang mahabang panahon.Ok,bye kuya.May pinapasabi lang sana si mommy sa kanya.Tell him to go home na rin."

"Okay.Okay",aniya at ibinaba na ang telepono.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top