Chapter 28


"Saan ninyo sya dadalhin?" tanong ni Zach sa kanyang mga magulang. Naglalakad  palayo si Kathryn at inaakay sya ni mang Yolo at ng isang security guard.

Napatingin sya sa kanyang ina pero umiling-iling lang ito.

"Kathryn! No! Kathryn!!" tawag niya rito. Tinangka niyang habulin ito pero pinigilan ni Lea ang kanyang kamay. Tiningnan sya nito at sinenyasan na pabayaan na lang syang makaalis.

"Dad? Mom? Ano 'to? Saan ninyo sya dadalhin?" umiiyak na tanong niya sa mga magulang. Ngayon lang sya nakahanap ng taong makita lang niya ang mukha ay napapangiti na sya at nabibigyan pa sya ng di maipaliwanag na saya. Hindi niya dapat hayaang makaalis ito dahil nag-iisa lang ang Kathryn na minahal niya. And for her,gagawin niya ang lahat.

"This is the best thing to do," ni ni Lea na sinundan na rin ng tingin ang papalayong si Kathryn.

"Kathryn!"sigaw ulit niya.

Lumingon ito at nginitian sya pero alam niyang nalulungkot ito sa ginagawa niya, sa nangyayari.

Nakita niyang nilapitan si Kathryn ni manang Belen at parang may sinabi. Mayamaya pa ay niyakap sya nito bago tuluyang makaalis.

Binalingan niya ang dalawang mga magulang.

"Dad? Why? You dont know what you're doing. Kinuha ninyo sa'kin ang taong nagbibigay-saya sa'kin. Sya yon. Si Kathryn." Hindi na niya napigilan at tumulo na ang kanyang mga luha.

"Pinaalalahanan na kita noon pa, Zach. Don't let yourself get attached with her pero anong ginawa mo? Nagpadala ka pa rin sa emosyon mo?" ani ni Lea.

Tiningnan niya rin ang kanyang ama na seryosong nakatingin sa kanya.

Nasasaktan man si Lea sa nakikitang reaksyon nito kay Zach, dahil kita sa mga mata niya ang pagtulo ng kanyang mga luha, wala syang magagawa dahil ito ang nararapat na gawin para paghiwalayin ang kanyang anak at si Kathryn.

"Dad? Dont do this to me," ani niya pero umiling lang ito at iniwan na silang mag-ina.

"I love her," sabi pa ni Zach na tumutulo ang mga luha. Minsan na syang nawalan at ngayon ay nasa piling na ng iba,ayaw na niyang maulit pa iyon sa kanya ngayon.

"Losing someone you love doesnt mean it's the end of your world. Kung talagang para kayo sa isa't isa, pagtatagpuin at pagtatagpuin kayo ng tadhana. Zach,do the right thing." Tinapik ni Lea ang balikat ng anak at iniwan na rin itong mag-isa. Naipikit niya ang kanyang mga mata at nabanggit ang isang salita.

"Why?"

Pakiramdam niya'y binibiyak ang puso niya lalo na't napakabilis ng mga pangyayari. He loves her at alam niya yon sa sarili. He doesnt care sa sasabihin ng iba dahil alam niya ang nararamdaman niya. Lahat ba talaga ng kasiyahan ay may hangganan? Lagi na lang bang paglalayuin matapos na pagtagpuin ng tadhana?

                   

                   

------

"Bagay lang sa kanya yon. Siguro naman ngayong wala na sya dito, hindi na niya maaakit si sir di ba? My bebeloves?" nakangising tanong ni Coleen kay Pinky.

"Ewan ko lang kasi naaawa ako kay sir Zach eh. Alam mo yon? Feeling na mahal mo sya pero di kayo para sa isa't isa dahil may mga harang sa inyo?" tugon naman ni Pinky.

Napanguso si Coleen sa sagot ni Pinky.

"Talaga ba? Naku. Ngayong wala na sya sa bahay, di na sya makakasipsip. Daig pa niya ang linta kung makasipsip akala mo naman isa syang Tyson eh," ani pa ni Coleen.

"Ang hard mo te. Kung ako kay sir Zach, feel ko rin yung nararamdaman niya. Ang sakit sa dibdib nun, ano?"

"Flat ka. Wala kang dibdib," pang-iinis ni Coleen pero sumeryoso na ang timpla ng mukha ni Pinky.

"Ewan ko sa'yo. Tuloy mo yan at baka makalimutan kong kasalanan mo lahat 'to. Kasalanan mo kung bakit wala na si Kathryn dito. Kasalanan mo kung bakit iniiyakan ni sir yung babaing yon."

"Aba? Edi gawin mo. Isumbong mo ako. Isasabit naman kita 'no? Hindi naman ako papayag na ako lang ang sunod na mapalayas dito? Syempre damay-damay tayo. Akala mo ah?"

"KAYO ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT WALA NA SI KATHRYN DITO SA BAHAY?"

Sabay silang napalingon sa nagsalita. Si manang Belen pala at pinagpapalit ang tingin sa dalawang tsismosang pakialamera.

"Naku manang, magtutuli na kayo. Mukhang may diperensya na yang tenga ninyo eh," palusot ni Coleen pero di na sya makakalusot pa.

"Hindi ako bingi, Colleen. Paano ninyo nagawa yon sa inosenteng tao? Wala naman syang ginagawa sa inyo ah? Ang hirap sa inyo, mga pakialamera kayo ng buhay ng ibang tao. Alam ninyo bang may nasasaktan sa ginagawa ninyo? Alam ninyo bang may umiiyak sa mga oras na 'to?"

Natahimik ang dalawang nagtatalo pa kanina. Mukhang umurong ang mga dila nila dahil siguradong malalagot sila sa amo nila pag nalaman ito ni Zach.

"Mga tsismosa kayo. Mga kasambahay lang naman kayo dito pero kung makaasta akala mo naman dito sila nakatira. Sa oras na malaman 'to ni sir, siguradong lagot kayo. Kakarmahin din kayo sa mga katsismisang ginagawa ninyo."

Nagkatinginan sina Pinky at Coleen. Wala na yata silang masabi.

"Kakarmahin din kayo," dugtong pa ni manang bago iwanan ng matalim na tingin ang dalawa.

"Ayan. Ikaw kase eh," paninisi ni Pinky.

"Oh, ba't ako?"

"Bahala ka niyan. Puro ka kasi daldal."

"Aba? Malay ko ba kung may lahing engkanto ang matandang yon at bigla na lang sumusulpot?"

"At bakit ako lang ang sinisisi mo? Kasama ka rin do'n 'no?" dugtong pa ni Coleen.

"Bahala ka nga dyan," sagot ni Pinky at iniwan na ang kaibigan. Ikaw ba naman magkaroon ng kaibigang ipaglalaban ang katwiran niya kahit alam niyang mali?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top