Chapter 26
"Kathryn,"nakangiting lumapit si Pinky sa kanya. Sa hitsura ng ngiti nito ay halatang may binabalak. Itinigil niya ang pagpupunas ng drawer nang makita ito. Walang emosyon niya itong tiningnan.
Umikot-ikot ito sa kanya kaya tiningnan niya lang ang ginawa niya.
"Puwede ba kitang maging kaibigan?" tanong nito.
Nanatili syang tahimik dahil may iba syang nararamdaman sa ginagawa nito.
Nginitian niya na lang ito nang pilit.
"Yey! Bago tayo maging magkaibigan,may gusto lang akong itanong".
Nakatingin lang sya sa mapang-asar nitong mukha.
"Tutal magkaibigan na rin tayo,gusto ko lang itanong".
"Ahmm...."
"Kathryn ba talaga ang pangalan mo?"
Nanatili syang tahimik at sa huli ay mas pinili na lang niya itong ngiti an. Pinky rolled her eyes. Umaasa syang tatango o iiling si Kathryn. Tumangu-tango sya bilang sagot.
Isa pang plano ang naisip niya. Sa pagkakataong ito,sigurado syang malalaman na niya kung ano ang tinatago nito.
******
"Hi ma'am Aeriel",nakangiting lumapit si Coleen sa kapatid ng kanyang amo. Kabababa lang nito ang hawak na telepono. Kanina kase ay may kausap ito sa kabilang linya.
"Yes? What do you want?",mataray nitong tanong.
"Kase ma'am. May surprise ako",nakangisi nitong iniabot sa kanya ang cellphone.
"What's this?"
"Ano pa? Edi cellphone po ma'am. Tingnan ninyo na lang po. Hihi".
Medyo naiinis man ay ginawa na lang niya.
"Oh? Pati ba naman pag-uusap nina kuya Zach at kuya Gab,pinapakialaman mo?Nah. Not him",naiirita niyang ibinalik ang cellphone dito.
"Huh? Tingnan ninyo kase muna ma'am".
Pinindot niya ang rekord at nag-play iyon ng dire-diretso.
Agad din niyang in-end ang rekord nang marinig ito.
"Is he referring to Kathryn?"
"Yes ma'am. Tama po ang hinala natin. Si sir Zach ay may gusto sa maid na iyan",dugtong nito.
"I know".
"Alam ninyo na?"
"Yeah. Sa kilos pa lang halata na eh. Hayss. I'm so happy for kuya. Finally,nakahanap na rin sya ng babaing mamahalin but he's absolutely wrong in choosing the best one. From now,umakto ka na hindi mo alam ang nangyayari. Sa plano nila ni kuya Gab,keep silent muna. Pakiramdaman muna natin kung ano ang kahihinatnan ng nga pinanggagawa niya",nakangising sagot ni Aeriel.
"Mula nang dumating yang Kathryn na yan dito,masyado na syang assuming na magugustuhan sya ni sir. Tch. At may kutob din ako. Hindi alam ni sir kung ano ang pagkatao ng Kathryn na yan. Isa pa ma'am,sa tingin ko,hindi Kathryn ang totoo niyang pangalan".
"Whatt?! You can be a secret spy. Clap!Clap! Alam mo Coleen,iba ka rin ano? You can think further and can imagine incredible things. Well,how did you say that?"
"Si ma'am naman. Mas matanda ako sa inyo ng dalawang taon. Hindi pa rin talaga kayo nagbabago ma'am. Magkasundo talaga tayo".
"Balik sa topic. Did you just say that Kathryn is not her real name?Hahaha. Wow naman. Know what Coleen,evidence first. Keep silent while we're acting like we dont know my bro's plan. Clear? One more pala,hayaan mong si kuya ang umamin nito kina mom at dad",mahaba niyang paliwanag.
Matapos ay hindi na niya hinintay ang sagot nito dahil iniwanan na niya ito ng isang ngisi. Ngisi na pag nakita mo ay alam mo na ang ibig sabihin.
-------
Hindi malaman ni Gab kung paano ipapaliwanag sa kaibigan ang inamin ng dalawang preso na pinaaamin nito.
Binasa niya ulit ang mga nakasulat sa papel. Narito ang mga impormasyong nakuha niya galing sa lalaking umamin na nagngangalang Ian.
"Sheena is the name of president Leonardo's wife",ani niya sa sarili. Hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat. Naguguluhan man ay isa lang ang alam niya. Kailangan nang malaman ni Zach ang mga ito.
Ipinarada niya ang kotse sa parking lot. Maya-maya pa ay nakababa na sya.
Luminga-linga muna kung may ibang taong nakatingin na nakakakilala sa kanya.
Sinipat niya ang relo bago pumasok sa loob ng restawrant.
Mabilis naman niyang nakita ang kanyang pakay at ito'y nilapitan.
"Hey",tinapik sya sa braso ni Zach at pinaupo.
Tiningnan muna ni Gab ang paligid kung may mga matang nakatingin sa kanila. Nang makasiguro ay inilapag niya ang mga typewritings sa harap nito. Isinandal niya ang likod sa upuan saka ininom ang kape na nasa kanyang harapan.
Matapos ay bumuntong-hininga. Malimit niyang tingnan ang kaibigan na nangungunot ang noo sa kababasa ng mga nakasulat sa mga typewritings na iyon.
"Tell me this is not right. Is this a joke?Gab,ang sabi ko---"tumatawa nitong inilapag ulit ang mga ito sa mesa.
"Zach,listen",simula niya. Paano ba niya ipapaliwanag ang lahat.
"This is a serious thing. Totoo ang lahat ng nakasulat diyan. Bro,pulis ako pero ginawa ko ang pinagawa mo dahil kaibigan kita noon pa. Tingin mo dadayain kita? Of course not. Napaamin ko na ang isa sa kanila. His name is Ian Ronaldo. Piniga muna sya bago umamin ng totoo. May rekord na rin pala sila sa presinto noon pa. In fact,matagal na silang wanted. The girl you're loving is named Sheena.Sheena is her name. Napag-alaman ko rin na Sheena ang pangalan ng nanay which is the president's wife. Ibig sabihin,hindi Sheena ang totoo niyang pangalan dahil pangalan iyon ng nanay niya. Zach,ang babaing natitipuhan mo na nasa bahay ninyo bilang maid ay walang iba kundi ang bunsong anak ng presidente,ni president Leonardo Eroa.Sya ang nawawalang anak ni president Eroa",mahabang paliwanag ni Gab sa kaibigan.
Natulala si Zach sa sunud-sunod na sinabi nito.Hindi niya magawang paniwalaan ang mga detalyeng nasabi ni Gab.
"Zach,kailangan mo syang ibalik sa pamilya niya. Hindi sya basta ordinaryong inosenteng dalagita. You need to do what's the best. May karapatan syang malaman kung sino ang magulang niya. Kung ano ang pagkatao niya",dugtong pa nito.
Mas lalong lumutang ang isip ni Zach nang mga oras na yun. Hindi sya makapag-isip nang maayos dahil sa mga nalaman.
Tiningnan niya sa mata si Gab. Hnahanap niya ang bahid ng pagbibiro pero seryoso ang mukha nito.
Isipin pa lang na malalayo at kukunin sa kanya ang babaing natutuhan niyang mahalin ay napakahirap ng tanggapin. Paano pa kaya ngayong alam na niyang sya pala ang anak ng presidente.
Sigurado syang kukunin at kukunin sa kanya ang babaing kanyang natututuhang mahalin dahil hindi naman niya ito pag-aari.
"Bro,ibalik mo na sya sa pamilya niya."
"Damn!",nahampas niya ang mesa na naglikha ng ingay at nakaagaw ng atensyon ng ibang kostumer.
Kumalma rin sya nang ma-realize ang ginawa.
"Sorry",mahina niyang nasambit sa kaibigan.
Napasabunot sya sa kanyang buhok. Malalayo sa kanya si Kathryn? Hindi yata puwede iyon. Kukunin sa kanya ang taong tinururuan na syang maging masaya?Mas lalong hindi puwede.
"Gab,promise me. Walang makakaalam nito. I can trust you. Wala kang pagsasabihan nito."
"Promise pero ipangako mo rin na gagawin mo kung ano ang tama. Ipaalam mo sa kanya kung sino sya".
"I can't. Hindi ko kayang ilayo sya sa'kin".
"If you really love a person,you'll do what's the best even if you know you'll get hurt in return",sabi ni Gab na mas lalong nagpakurot sa puso niya.
Next update:tomorrow
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top