Chapter 24


A/N:Happy 961reads :) This is the only thing that makes me happy. There are still some of my supporters and silent readers who are keep on inspiring me to continue this. I love you all mga bess! Kay ate PrettyBlushesz maraming shalamat ate ;) May story rin po si ate [One Direction fanfic] Maganda po ang flow ng story niya kaya kung may time kayo basahin ninyo rin stories niya. Ate ko po yan. Hihi. Kina Zach at Sheena a.k.a Kathryn (ZacHeena,ZachRyn at may isa pa.)

           
             
               
           
             

                      CHAPTER 24

Abalang-abala ang mga stuff sa paghahanda sa isang espesyal na selebrasyon.

Mesa na may magagarbong tela at tablenapkins na nakapatong dito,mga upuang kumikintab dahil gawa sa mga silver,mga pagkaing may iba't ibang putahe at mga pangsosyal na inumin. Mga professional na chefs at waitress.

Kumpleto ang lahat para sa gagawing handaan ngunit ang taong pinaghahandaan ng lahat ng ito ay wala.

Inilibot ni Mykie ang paningin sa paligid. Kumpletong-kumpleto,magandang-maganda ang dating. Napakasosyal.

"Why would daddy need to do this?Ano bang malay natin kung patay na pala ang pinaghahandaan natin ng kanyang 18th birthday? Ni wala nga tayong balita tungkol sa kanya",may hinanakit sa tono ng boses na saad ni Jana. Nakahalukipkip sa isang korner katabi ang kanyang kapatid.

Bumuntong-hininga si Mykie. Hindi pa rin talaga matanggap ni Jana na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin ng kanilang ama ang kanilang bunsong kapatid na matagal nang nawawala. Hindi niya ito masisisi. Sa edad na pito ay namulat ito sa katotohanang hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin niya. Na hindi sya mahal ng kanilang daddy.

"Jana,huwag mong sabihin iyan. Clarisse Leigh Eroa is part of this family. Kung ako sa'yo,titigilan ko na ang kakasabi ng salitang 'patay' sa kanya. Bali-baligtarin mo man ang mundo,walang magbabago dahil kadugo natin ang pinapatay mo ng mga salitang iyan",katwiran naman ni Mykie.

"Clarisse Leigh Eroa is part of this family?Ipinagtatanggol mo sya huh? Sige nga,sabihin mo. Nasaan na sya? Nasaan ang kapatid na sinasabi mong may birthday ngayon? Baka patay na 'di ba?"

Umiling-iling si Mykie sa sinabi nito. Hindi talaga nito matanggap.

"You know,hindi 'to ang oras para sa ganyang bagay. Baka tayo pa ang mag-away. Nasaan na pala si Lendro?Yung boyfriend mong ang tagal mag-propose. Nauna pa ang birthday ni Clarisse kaysa sa--"

"Stop. Okay? Pati ba naman ang boyfriend ko dinadamay mo? Darating s'ya mayamaya lang",nakataas ang kilay na iniwan na ni Jana ang kanyang kuya. Wala na itong ginawa kundi barahin sya sa lahat ng kanyang sinasabi. Palibhasa,kampi ito sa kanyang daddy.

"Okay",nakangusong sagot ni Mykie. Nagsimula na syang tumulong sa pag-aayos ng mga kailangan. Nagsimula na ring magsidatingan ang mga bisitang karamihan ay galing sa larangan ng politika.

"Hi,sweetheart",bulong ng isang mahinang boses sa tenga ni Jana.

Nilingon niya ito. Si Lendro lang pala.
Seryoso ang mukha niya na parang sinabuyan ng mainit na tubig.

"Hey,hey,birthday party 'to. Hindi pasamaan ng mukha. Para kang nakalunok ng isang pakete ng sukâ ah?"

"Sino ba naman ang hindi maiirita?Magse-celebrate tayo ng birthday ng isang taong wala dito? What a stupid idea",mahinang sabi ni Jana para hindi mahalata ng ibang bisita.

Lumapit ang isang lalaking medyo may katandaan na ngunit nakangiti pa rin. Nakasuot ito ng pormal at kasama nito ang kanyang asawa.Isa ito sa malalapit na kaibigan ni Leonardo.
Sya si Sen. Oliver Patrimonio.

"Good evening,Jana. Happy birthday to your sister Clarisse",bati nito at nakipagkamay.

"Good evening too,Sen. Thanks for coming and thank you".

"Tito na lang. Where's your dad?"

"He'll come soon",pinilit niyang ngumiti. Ngumiti rin ito at umalis na mayamaya pa.

"Act like everything is fine and everything will be okay. Acceptance,Jana and love for your sister",sabi ni Lendro sa nobya. Pinisil niya ang pisngi nito kaya napangiti sya.

"Fine",sagot nito.

"Come with me. We'll assist the visitors",hinawakan nito ang kanyang kamay at magiliw na nilapitan ang mga bisita.

Sa ayaw niya't sa gusto ay napilitan syang ngumiti at magpanggap na masaya sya. Wala rin naman syang choice kundi gawin yun dahil pinipilit sya ni Lendro.

"Ayan. Ganyan nga. Balang araw,matuturuan mo rin ang puso mong mahalin ang taong akala mo ay habambuhay mong kaiinggitan. Kung nandito ka lang sana,Clarisse",bulong ni Mykie sa sarili. Sa nakikita niya ay mukhang napapayag sya ni Lendro na humarap sa mga bisita nang may ngiti sa labi at i-entertain ang mga ito.

         

             

                 ******

Maliwanag na ang bilog na buwan sa kalangitan. Natatandaan pa niya noong mga oras na tumakas siya kasama ang mga bata. Hindi niya makakalimutan ang tagpong iyon. Ang araw na natakasan niya ang kalbaryong ipinaranas sa kanya ng mga walang pusong halang ang bituka.

Itinaas niya ang kamay at ibinuka ang pagitan ng kanyang hintuturo at hinlalaki. Sinakto niya ito sa buwan para kunwaring hawak niya ang buwan.
May bahid ng lungkot ang kanyang mukha na tinitingnan ang liwanag nito. Tapos na rin ang kanyang mga gawain sa loob ng bahay kaya heto sya ngayon at nakatambay na naman sa koridor.

May mga magulang pa kayang naghahanap sa kanya,may mga tao kayang nagmamahal sa kanya at di sya nakakalimutan o baka naman ulila na sya dahil patay na ang mga magulang niya?Galing kaya sya sa mayaman o mahirap na pamilya? Ano kaya ang totoong pangalan niya at paano niya malalaman kung sino talaga sya?

Niyakap niya ang sarili nang makaramdam ng lamig na nagmumula sa hanging Amihan.

Nagulat na lang sya nang may naglagay ng isang dyaket sa kanyang likod at isinuot sa kanya.

Ni hindi niya namalayang may ibang tao pa pala ang nakasunod sa kanya sa koridor. Si manang Belen ay nasa baba at naghuhugas ng mga plato,sina Coleen at Pinky naman ay sa pagkaalam niya'y nasa kanilang kuwarto na.

Tiningnan niya kung sino ito. Sa bulto pa lang ng katawan nito ay alam na kung sino.

Tumingin din ito sa buwan at itinuro ang mga bituin isa-isa.

"How many nights does it need to count the stars?" tanong nito.

Nakatingin lang sya sa maliwanag na buwan. Napatingin na rin sya sa mga tinutukoy nitong bituin.

"Bata pa lang ako,hilig ko nang bilangin ang mga 'yan. For me, a star symbolizes a person that can give you happiness. Wanna know why? Because a star only appears at night,when it's dark,when you can only see the darkness. Sometimes it dissapears in any moment but will appear again when it wanted".

Tumingin ito sa kanya kaya napatingin na rin sya.

"And you're a star sent to me".

Natahimik sya sa sinabi nito. Isa syang bituin para sa kanya? Tama nga ang hinala niya. Ang kinatatakutan niyang mangyari.

      
     

         End of Chapter 24

*Next update:tomorrow*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top