Chapter 22

Hawak ang isang papel na puno ng dokumento ay lumapit si Zach sa cubicle ng kanyang sekretarya. Si Pia. Naabutan niyang nagkukumpulan ang mga empleyado sa isang puwesto at parang may pinagkakaabalahan sa cellphone.

"Ano ba yan? Magnanakaw na sindikato pa?"

"Oo nga. Dapat sa mga yan ipabitay at patawan ng parusang death penalty".

Bumuntong-hininga sya, humalukipkip at tumikhim para magsilinginunan ang mga ito.

"Ay sir Zach? Sorry po". Agad na umayos ng tayo si Pia na ginawa naman ng iba.

"Who the hell gave you the permission to watch a nonsense film or whatsoever?"

Nanatiling salubong ang kanyang dalawang kilay at nakahalukipkip pa rin.

Inilahad niya ang kamay sa lalaking may hawak na cellphone at may pinapanood.

"Ikaw kasi eh".

Napakamot sa batok ang lalaki at pinilit na ngumiti. Hiyang-hiya naman silang lahat dahil ngayon lang ulit nangyaring magseryoso ang mukha ni Zach. Siguradong magagalit ito. Noong una ay wala syang napansing kakaiba sa binabasang balita ngunit nang nagtagal ay may napansin na siya.

Natahimik sya saglit at nag-isip nang nag-isip dahil ang lalaking nakikita niya ay mukhang nakita na niya noon pa.

Isang pangalan lang ang unang pumasok sa isip niya. Hindi niya alam pero pakiramdam niya'y may mali sa nangyayari. Ano ang koneksyon ni Kathryn sa lalaking ito? Sinasabi ng mga pulis na sila ang nagnakaw sa San Jose Supermarket at nang-hostage ng isang dalagita?

'Umamin pa ang mga suspek na matagal na nilang hawak ang dalagitang kanilang hinostage kamakailan lamang noong Nobyembre 23. Hinahatulan sa ngayon ang mga suspek sa patung-patong na kaso at patuloy pa rin ang pagtakbo ng imbestigasyon ng mga pulis'.

Ang lalaking nakikita niya ngayon na sinasabing isang sindikato ay ang lalaking lasing na nakabangga sa kanyang kotse. Ibig sabihin---

"Kathryn", nasambit niya ang pangalan ng babaing kinupkop nila sa kanilang pamamahay. Ano ang koneksyon niya sa mga lalaking---sindikato?

Nagmamadali niyang iniabot niya ang cellphone sa lalaki at ang kanyang hawak na mga papeles at dokumento kay Pia.

"Finish it inside 30 minutes. Asap", ani niya sa sekretarya.

Nagmamadali niyang inihakbang ang mga paa papasok sa kanyang office.

Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at maya-maya pa ay may kausap na sya sa telepono.

"Oh? Zach? Napatawag ka?", tanong ng nasa kabilang linya.

"Gab, may ipapagawa ako sa'yo. Kahit magkano, ibabayad ko".

"Naku, parang hindi naman tayo magkaibigan. Libre mo na lang ako ng chicks ok na. Ano ba yong ipapagawa mo?"

Isang buntong-hininga ang ginawa niya at nakagat niya ang pang-ibabang labi.

Kailangan niyang kumpirmahin ang isang bagay na pinagdududahan niya na sana ay hindi tama ang kutob at hinala niya. Dahil kung hindi, hindi niya alam kung ano ang magagawa niya. Para sa kanya.

               
                 ******

"Naku! Kailangan na naman palang mamalengke at nauubos na ang stocks na pagkain dito sa ref", ani ni manang Belen habang binibilang kung ilang pagkain na lang ang natitira.

"Croncha!", tawag niya sa isa pang kasambahay na mabilis na lumapit sa kanya.

"Yes? Manang? Bakit ho?"

"May ginagawa ka ba? May niluluto pa kasi ako eh kailangan ng bumili ng stock na mga pagkain lalo na't nagbilin si ma'am Lea na magluluto raw sya bukas".

"Ha? Ah..eh kasi manang, may nilalabhan pa ho ako roon at kailangan ko nang tapusin. Sina Coleen at Pinky nasa itaas nakita kong nagkukuwentuhan lang yong dalawa. Mag-iisang taon na yatang nagpupunas ng bintana hindi pa rin tapos", sagot ni Croncha.

"Hay naku! Pag ang dalawang iyon nagdidikit kung anu-ano ang pinanggagawa. Sige ah, si Kathryn nasaan?"

"Hindi ko ho alam eh. Alam ninyo namang napakalaki nitong bahay at kailangan pang hagilapin kung nasaan ang mga tao".

Dismayadong napatingin si manang sa labas ng bahay.

"Sige. Hihintayin ko na lang maluto ito at ako'y aalis na", sagot niya.

Umalis na rin ang kanyang kausap. Wala pang limang minuto ay dumating si Pinky na nakataas ang kilay.

"Hi po manang?" plastik itong kunwari ay ngumiti.

"Tamang-tama at dumating ka na. Ikaw ba ay may gagawin? Kailangan na kasing mamalengke at ako ang bibili. Gusto ko sana ng may kasama", simula ni manang Belen.

"Kasama? Eh may drayber naman ho ah. Andyan si Kathryn. Ay! May niluluto ho ba kayo? Ako na lang ang magbabantay niyan. Sige po. Alis na po kayo. Si Kathryn nasa  labas. Nasa hardin at nagdidilig na naman", saad nito.

Nagliwanag ang mukha ng matanda at muling binalingan ng tingin ang kanyang niluluto.

"Sige. Sige at ako'y mauuna na. Yang niluluto ha?"

"Dont worry manang. Pinky! At your service!" Sumaludo pa sya at kumaway-kaway. Pagkatalikod ng matanda ay pinaypayan niya ang sarili gamit ang kamay. Nakalabas na ng bahay si manang. Ang hirap magpakaplastik.

Tumingin sya sa hagdan dahil bumababa si Coleen at may dala itong magnifying glass.

"Ano? Nakaalis na si manang? "tanong ni Coleen.

"Oo. Kaaalis lang".

"Edi hali ka na. Simulan na natin ang misyon".

"Wait nga. Oh? Nagluluto pa si manang kanina at bantayan ko muna raw. Pagkaluto nito, saka natin gawin ang paghahanap ng ebidensiyang pinagsasabi mo. Obssessed ka lang kay sir Zach eh".

"Sigurado ako sa nakita ko. At ngayon naman, patutunayan ko sayong may tinatagong baho yang Kathryn na yan", sabi pa ni Coleen.

"Tsk. Bahala ka".

  --------

"Ano na naman ho ang bibilhin ninyo manang Belen?" tanong ng drayber na si mang Yolo sa matanda habang sakay na ng kotse.

"Eh ano pa? edi mga pagkain?"

"Bakit kailangang isama ninyo pa si Kathryn?" tanong ulit nito.

Napasulyap si manang Belen sa dalagitang nakasandal sa bintana ng kotse at malungkot na dinadaanan ng tingin ang bawat madaanan ng kotse.

"Gusto ko lang namang ilabas sya sa bahay at makakita ng maraming tao. Hindi naman sila magkasundo nina Pinky at Coleen edi sinama ko na lang sya para matulungan ako", mahabang sagot ni manang.

Tumangu-tango na lamang si mang Yolo bilang tugon.

Samantala, naguguluhan at nalilitong napapaisip si Kathryn. Bakit habang tumatagal ay parang pakiramdam niya'y may mangyayaring hindi maganda. May paparating na mga eksenang hindi niya aasahan.

Malalaman pa kaya niya kung sino talaga sya?

"Nandito na tayo", Bumaba sa kotse si manang at gayundin sya.

"Hihintayin ko kayo rito, manang, Kathryn",sabi ni mang Yolo.

Pumasok na sila sa loob ng grocery store.

At ito na naman, pamilyar sa kanya ang grocery store na ito. Ito ay ang lugar kung saan naganap ang mga plano nina Ramon at Ben. Ang planadong kunwaring pang-ho-hostage sa kanya.

Pagkapasok ay natakpan niya ang kanyang tenga. Nakakarinig sya ng putok ng mga baril kahit wala naman.

"Kathryn? Bakit?"

Pinilit niyang tumayo at ngitian ang matanda. Normal na para sa kanya ang manumbalik sa alaala ang mga nangyari noon.

"Dito ka muna", ani ni manang at iniwan muna sya saglit.

Naglakad-lakad sya hanggang sa may makita syang isang tsokolateng nakabalot pa sa kanang paanan.

Pinulot niya iyon at sa pagtingala niya ay nakita niya ang isang binatang nakasuot ng estudyanteng pang-uniporme sa kolehiyo. Mas matangkad ito kumpara sa kanya at may mapang-akit na hitsura. Guwapo.

Muli niyang tiningnan ang hawak na tsokolate.

"You want chocolate?"
Hindi sya sumagot. Inilahad niya ang kamay at iniaabot rito ang tsokolate.

Sya naman ay naglakad na palayo pero may pahabol pang isinigaw ang binata.

"Hey! Ms.Angel! I forgot to tell you my name! Im Keith! Keith Dizon! Nice to meet you!"

Pero hindi na sya lumingon.

------

"May makikita tayo dito. Mapapatunayan ko na nilalandi ni Kathryn si sir Zach", ani ni Coleen habang pinagtatapon ang mga unan ni Kathryn at may hinahanap gamit ang magnifying glass.

"Baka nga kasi wala. Tara na nga. Labas na tayo", sabat naman ni Pinky.

Masayang tinanggal ni Coleen ang unan na nakapatong sa uluhan ng higaan ni Kathryn. "Ito".

"Ano naman yan?"

Isang maliit na papel. Sabay silang napatingin sa isa't isa at binuklat na iyon. Nagkatinginan sila sa isa't isa nang mabasa ang nakasulat. Nangunot ang kanilang mga noo.

"SHEENA?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top