Chapter 21
dedicated to my supporter and reader,ate PrettyBlushesz
Happy 860 reads.. Love you all but let me saw you the pictures of the two main casts of TPLD and the two other supporting casts that will play their roles in the characters.
Late na po ito pero dahil mabait si author at lodi si Sheena,ipakikita ko na yung mga larawan nina Kathryn,Zach,Natalia and Keith.
Sheena/Kathryn/Clarisse
Zach Tyson
Keith Dizon
Natalia Ching
CHAPTER 21
"Pangulong Leonardo,kasalukuyang inaayos ang isang magarbong selebrasyon para sa nalalapit na kaarawan ng kanyang bunsong anak".
"Patayin mo na nga yang tv dyan, Pinky, at pag naabutan ka ni ma'am Lea eh malalagot ka na naman",sermon ni manang Belen sa kasambahay na nakahilata sa sofa at nanonood ng telebisyon.
"Wait nga lang po manang. Tingnan ninyo nga itong balita oh. May bunsong anak si pangulong Leonardo? Eh di ba si Jana ang bunso at balita ko ikakasal na raw?Sinong bunsong anak tinutukoy nito? Sira yata 'tong reporter eh",ani ni Pinky at dinuro-duro pa ang tv na kanyang pinapanood.
Kinuha niya ang remote. Balak na sana niyang patayin nang lumapit si manang Belen.
Nang oras na yun ay nasa kusina si Kathryn at umiinom ng tubig. Dahil nadala sya sa mga pinagkakaabalahan ng dalawa ay lumapit na rin sya sa sala hawak ang isang babasaging baso.
Tiningnan niya ang pinapanood ng dalawa. Isang balita at may mga taga-ulat na nag-uulat.
"Saan mo naman nalaman ang mga tsismis na iyan? Eh nabasa ko noon sa isang dyaryo na may nawawalang bunsong anak ang pangulong Leonardo Eroa. Matagal nang kinalimutan ng media ang tungkol roon ngunit mukhang iseselebra na muli nila ang kaarawan ng isang Eroa na matagal nang nawawala", sunud-sunod na paliwanag ni manang Belen.
Nakatingin lang si Kathryn sa kanila dahil hindi naman niya kilala ang tinutukoy ng mga ito.
"Bakit kailangan pang ibalita yang tungkol sa anak niya eh birthday lang naman pala? Tskk. Pero infairnes,sana ako na lang yung anak ng presidente. Magarbo raw eh? Sigurado mayayaman lang naman ang imbitado kahit wala yung birthday girl ba o boy?"
"Babae sa pagkakaalam ko",sagot ni manang Belen.
Akmang ibabalik na sana ni Kathryn ang basong hawak nang magsalita ang nasa telebisyon. Isang lalake.
"Well,kahit ganun,kahit di na namin sya kasama,i-ce-celebrate pa rin namin ang kaarawan niya. Hindi namin sya nakakalimutan hanggang ngayon. Di ba,Jana?"
Mas lalo pa syang lumapit sa telebisyon para sipatin kung tama ba ang nakikita niya dahil mukhang kilala niya ang babae.
"Kathryn,ano ba? Tabi ka nga muna dyan",reklamo ni Pinky at pilit na tinitingnan ang kanyang pinapanood.
Tumabi naman sya pero hindi niya maialis ang tingin sa babaing katabi ng lalaking nagsalita.
"Yes. That's right. For instance,our sister will be 18th years of existence next month. Kung nasaan man sya,we're hoping na ok lang sya at makikita na rin sya ni daddy. I mean,us".
"Ang suwerte ng kapatid nila 'no? Ano kaya ang feeling na anak ka ng presidente? Kung nasaan man sya,sana lang makita pa nila".
"Personal na buhay ng ating presidente iyan. Sana lang makita pa nila ang anak nila",sabat naman ni manang Belen.
Nabitawan ni Kathryn ang baso at nagkapira-piraso iyon. Natamaan pa ang kanyang paa ng isang bubog pero hindi niya iyon inalintana.
Tutok ang atensiyon niya sa babaing nasa telebisyon at ang kasama nitong lalaki. Mukhang magkapatid sila.
Ang babaing nabangga niya noong araw na hinahabol sya ni Ian at ang babaing sa tingin niyang anak ng presidente ay iisa.
"Kathryn? Nakung bata ka,hindi ka nag-iingat",dali-dali syang nilapitan ni manang Belen pero si Pinky ay nakatingin lang sa kanya at nakataas pa ang isang kilay. Mukhang natutuwa pa ito at nabasag niya ang baso.
"Ayan. Di kase nag-iingat. Makaalis na nga",sabi nito. Pinatay na rin niya ang tv saka nagmartsa palayo.
"Hoy,Pinky! Tulungan mo nga--"
"Naku,man ang. Nakalimutan ko may gagawin pa pala ako. Maglilinis pa ako sa pasilyo".
Nag-aalalang natataranta si manang Belen dahil nasugatan ang paa ni Kathryn at dumudugo na iyon.
Kumuha sya ng isang walis at pandakot. Matapos ay kanyang winalis ang nagkalat na mga bubog.
"Kathryn? Bakit mo binitawan yung baso? Dumudugo ang sugat mo,"nag-aalalang binalingan nito si Kathryn na nakatulala at parang hindi nasasaktan dahil sa bubog.
Umiling-iling sya sa nakitang reaksyon nito.
"What's happening here?"
Napalingon si manang Belen sa nagsalita. Si Lea pala.
"Ma--ma'am. Kase si Kathryn ho--"
"Oh God! Anong nangyari? Bakit ka may sugat sa paa?"
"Nabitawan ho kase niya ang hawak niyang baso."
"Maupo ka muna",inakay sya ng ginang sa sofa. Tiningnan niya ang sugat nito na hindi naman gaanong malalim.
Kumuha sya ng bulak at alkohol at kanya itong inilagay sa sugat ni Kathryn.
"Magpahinga ka muna. Huwag ka munang kumilos at baka maulit na naman ang nangyari. Sa susunod,mag-iingat ka na. Baka hindi lang yan ang mangyari sa'yo nang ginagawa mo. Clear?"
Tumangu-tango naman si Kathryn bilang tugon. Hiyang-hiya sya sa kanyang amo. Sya pa ang nag-abala para lang gamutin ang sugat niya.
"Manang,huwag ninyo po muna syang pagagawain ng mabibigat".
"Sige po ma'am. Makakaasa kayo".
Muli niyang sinulyapan si Kathryn na nakaupo.
"Oo nga po pala manang,kapag nakauwi na si Zach,pakisabing pumunta sya sa kuwarto ko. We need to talk about something important",pahabol ni Lea.
Ngumiti ang matanda at tumangu-tango.
"Makakaasa po kayo ma'am",sagot niya.
****
"Mukhang mauuna pa ang 18th birthday ng kapatid mo kaysa sa kasal natin",malambing na niyakap ni Lendro patalikod ang nobya.
Tinanggal ni Jana ang kamay nito at mataray na dumistansiya sa kanya.
"Minsan na nga lang kita mayakap,ayaw mo pa",nagtatampo namang humiga si Lendro sa kama ni Jana.
Napatayo sya nang makitang nakasabit sa dingding ang painting na iniregalo niya sa nobya.
"Woww...Sabi ko na nga ba mahal mo rin ang kapatid mo eh. Natatakpan lang ng katarayan mo".
"Pumunta ka ba dito para buwisitin ako?"
"Of course not",umismid sya. Nakatitig pa rin sya sa painting na nasa kanyang harapan.
"Isang magarbong handaan para sa isang taong matagal ko nang itinuring na patay".
"Whattt? Itinuturing mong patay ang sarili mong kapatid? Oh come on,sweetheart. Kadugo mo sya."
"Hell no! You don't understand,Lendro. Noong birthday ko? Hindi man lang nag-aksaya ng oras si daddy para maghanda ng kagaya ng pinaplano niya sa patay na niyang anak. He just greeted me a happy birthday which is a nonsense",bakas sa mukha ni Jana ang hinanakit sa ama.
"I understand you but remember,he's a president that has a lot of responsibilities to do".
"No."
"Bata pa lang ako,wala na syang oras sakin. Favoritism. It sucks".
"Jana,"nilapitan niya ito at muling niyakap.
"Masarap magkaroon ng kapatid. Yung kapatid na hahangaan at iidolohin ka. You'll regret the words coming out from your mouth. Kahit anong gawin mo,kapatid mo pa rin sya. I'm always here by your side. Sweetheart,I love you".
"Thanks for everything".
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top