Chapter 20
Hinayaan ni Zach na mabasá ang kanyang katawan ng malamig na tubig na nagmumula sa shower.
Babad na babad na sya sa tubig pero wala pa syang balak lumabas sa banyo.
Sinuklay niya ang buhok gamit ang kanyang mga daliri at wala sa sariling gumuhit ang isang ngiti mula sa kanyang labi.
"What have I done? Pati ba naman sa panaginip,sinusundan niya ako. Whoaa.. That's too stupid,Zach. She's just a girl. Bakit ko nasabi ang mga salitang iyon",aniya sa sarili.
Napanaginipan lang naman niya si Kathryn at inamin niyang mahal niya ito. Ang nakapagtataka,panaginip nga lang ba ang lahat?
"I should stop myself",bulong niya na hindi naiaalis ang isang ngiti matapos alalahanin ang panaginip kagabi.
Nang makuntento ay itinapis niya sa katawan ang tuwalya at lumabas na.
Matapos ang kanyang pagbibihis ay humarap na sya sa salamin at inayos ang sarili.
You look handsome,Zach.What an ideal body!Perfect!
Isinuot niya ang salamin at bahagyang inayos iyon.
Tapos na ang kanyang ritwal na pag-aayos kaya't lumabas na sya ng kanyang kuwarto.
Dahil sa laki ng kanilang bahay ay di na niya naaabutan si Lea. Marahil mahilig itong mag-shopping at magliwaliw kasama ang kanyang mga kaibigan. Masasabi niyang isang magandang ina pa rin ang kanyang mommy dahil sexy pa rin ito kung titingnan.
Pagkarating sa sala ay hinanap ng kanyang mga mata ang isang taong nakapagbibigay-ngiti at saya sa kanya pag nakikita niya. Ang inosente nitong mga mata,tingin at titig na unti-unting tumutunaw sa matigas niyang puso.
"Hey,bro?"narinig niyang tawag ni Aeriel sa kanya. Nilingon niya ito. Gaya ng dati nitong suot,isang black tube dress na sobrang ikli at hapit na hapit sa beywang.
Ang mukha nito ay puno ng kolorete na animo'y kinulayan ng isang balot ng colored pen ngunit ang talagang nakapagpamangha sa kanya ay ang suot nitong 2 1/2 inch heels.
She's just 17 pero sa pananamit nito ay aakalaing nasa edad 20 pataas na.
Nagpalinga-linga sya para hanapin ang kanyang pakay. Parang may kulang sa araw niya kapag hindi ito nakikita. Hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi ito nasisilayan.
"Finding someone,huh? The pretty maid named Kathryn?"
Tumikhim sya at ini-adjust ang suot na salamin.
"Have you seen her?" tanong niya na nagpangisi sa kanyang kapatid.
"Clap! Clap! Clap!",pumapalakpak na ani ni Aeriel.
"Aeriel,Im just ask---"
"I smell something...horrible? Oh wow! A horror".
Tumahimik sya. Akmang ihahakbang na niya ang mga paa nang muli itong magsalita.
"Hey kuya,dont tell me...You're starting to like that maid?"
"Mali ang iniisip mo. Saan ka ba pupunta at bakit ganyan ang suot mo? Im wondering why Mom allowed you to wear dresses like that,"pag-iiba niya ng usapan.
"You're changing the topic."
"Useless talking. I have to go".
"Wait!"
Nilingon niya ito.
"There she is",ngumuso ito na sinundan naman niya ng tingin.
Ang babaing hinahanap-hanap ng kanyang mga mata na syang nagpapangiti sa kanya tuwing makikita niya.
Nasa gilid ito ng swimming pool at masayang ipinapalutang ang isang---bulaklak?
How weird she is.
Napangiti sya nang makita ang ginagawa nito. It made him smile nang ganun kadali.
"Look at that girl. She's acting like a little girl",bumaling sa kanya si Aeriel.
Napangiti ito nang makitang nakangiti ang kanyang kapatid na ngumingiti habang tinatanaw mula sa malayo ang dalaga.
"So,my guess is right. Tingin mo,ano ang magiging reaksiyon nina mommy at daddy kapag nalaman nila na ang kanilang pangalawang anak ay nagkakagusto sa isang babaing mas bata sa kanya?Younger than you. An innocent girl".
"Aeriel,stop it. I have to leave now."
"Dont worry kuya. Sa ngayon,I'll keep as a secret. Hahayaan ko na sina mommy at daddy mismo ang makakaalam nito".
Ngayon lang sya natauhan nang mapagtanto na kinakausap pala sya ni Aeriel tungkol kay Kathryn.
He likes her?
"Mali ang iniisip mo.It's not about--"
"Mauna na ako,bro",lumapit ito sa kanya at nginitian sya.
"My 26-year-old brother likes a teenager girl with about 17 or 18 years old",bulong nito sa kanya bago tuluyang makaalis.
Noon lang niya napagtantong iniisip na ng kanyang kapatid na gusto na niya ang isang dalagita.
Hindi nga ba?
His smiles whenever he saw her,his unbelievable dream last night,his secret gazes at her and his--happiness everytime her name will pop up into his mind.
She's too young para sa kanya.
Muli niyang sinulyapan si Kathryn sa pool pero wala na ito roon.Isang bagay lang ang unti-unting nabubuo sa kanyang isipan.
"No,"mahina niyang bulong sa sarili.
*****
Sumisipol-sipol na naglalakad si Coleen sa pasilyo bitbit ang isang plastik ng puting mga kurtina.
Ang kuwarto ng kanyang guwapong amo ni Zach ang pakay niya.
"Hmmmm...Hmmmm....",humihimig niyang inilapag ang plastik sa kama nito.
Iginiya niya ang paningin sa kabuuan ng kuwarto nito.
Napakalinis at maayos ang pagkakalagay ng bawat eskaparate na para bang babae ang nakatira.
Sigurado syang dahil ito sa pagpapalaki nang maayos sa kanya ng kanyang ina.
Napako ang atensiyon niya sa laptop nito na nakapatong sa study table katabi ang eyeglasses nito.
Nakuryos sya kung anong meron sa laptop nito kaya binuksan niya iyon at una-unang hinanap ang gallery.
"I'll be with you from dusk---"
naitigil niya ang pagkanta nang may makitang isang larawan.
"Huh?"mas lalo pa niyang tiningnan kung ano ang nakikita niya at halos malaglag na ang kanyang mga mata.
"Nananaginip ba ako? Anong ginagawa ng malanding Kathryn na iyon dito?"
Hindi lang isa kundi limang shots ng mga larawan ni Kathryn. Lalo syang nagulat nang malamang stolen pictures niya ito habang nagdidilig ng halaman.
Ibig sabihin---
"Anong ibig sabihin nito?Sir Zach,huwag namang---"
"Huhu..sir Zach,bakit sya pa? Sabi na nga ba nilalandi kayo ng maid na yan eh.Grrr", naiinis niyang tiniklop ulit ang laptop.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top