Chapter 2

"Ang tagal ninyo ah," galit na sermon ng lalaking may malaking katawan sa dalawang lalaking kararating pa lamang. May mga dala itong alak at kaha ng ilang sigarilyo.

"Eh boss, may nabangga kase 'tong si Ian na mukhang mayamang lalaki kanina. Ayun, napatagal tuloy kami," napakamot sa batok na paliwanag nito.

"Hindi kayo nag-iingat. Paano kung matandaan ng lalaking 'yon ang mga pagmumukha ninyong 'yan? Ha? Akin na nga yang dala niyo," hinablot nito ang hawak nilang isang supot saka lumapit sa mesa.

"Ikaw kasi eh. Ayan tuloy nagalit si boss. Pag tayo hindi binigyan d'on sa pinabili niya, lagot ka," sermon ng lalaki sa kanyang kasamang nagngangalang Ian.

"Ano ba yon, Ben? Eh di ba dapat di mo na lang pinatulan yung lalaking yon? Ako lang yong nakabangga pero ikaw yung sinubukan mong awayin", reklamo nito.

"Aray!" napangiwing napahawak sa batok si Ian nang maramdamang binatukan sya ni Ben.

"Gago! Sige sisihin mo pa ako," galit nitong iniwan ang kasama saka lumapit sa mesa kung saan nakaupo ang boss nila.

"Boss, baka naman."

Itinuro ng boss ang isang kaha ng sigarilyong nakapatong sa mesa.
Seryoso itong hinihithit ang hawak sigarilyo habang bumubuga ng usok mula sa bibig.

"Tingnan mo nga kung anong lagay ng mga alaga natin doon sa loob ng kuwarto," utos ng boss kay Ben at agad naman itong tumalima. Binuksan niya ang nakakandadong pintuan kung saan nakakulong ang mga kabataang matagal na nilang hawak at pinagkakakitaan.

Nagkukumpulan sa isang sulok ang grupo ng mga ito samantalang kapansin-pansin ang isang dalagitang nakasilip sa bintanang gawa sa bakal. Halatang humihiwalay ito sa mga kasama at gustong mapag-isa.

"Sheena!" sigaw niya para agawin ang atensyon nito ngunit nanatili ito sa posisyon at animo'y walang narinig.

"Sheena!"

Ngunit hindi ito lumingon kaya wala syang nagawa kundi muling i-lock ang pinto.

"Psst. . Bantayan mo yang mga yan ah," tinapik niya ang braso ng isa pang tauhang may hawak na baril.

"Oo. Ako pa."

Naglakad na sya palayo sa pintuan at muling lumapit sa kanilang boss. Kausap nito si Ian at masayang nagkukuwentuhan. Kumuha sya ng baso, isinalin ang alak roon saka tinungga. Magmula nang maging miyembro sya ng grupong kinabinilangan niya,doon na niya naranasan ang uminom ng alak dalawa o tatlong beses sa isang linggo. Kinakailangan lang ng malinis at maayos na trabaho at bilang kapalit ay ang buhay na tinatamasa niya ngayon. Ang buhay bilang isang miyembro ng sindikato.

"Oh, ano?" tanong ng boss sa kanya.

Nginitian niya ito nang makahulugan.
"Gaya pa rin ng dati."

"Eh si Sheena? Anong lagay no'n?" sumingit na rin sa usapan si Ian.

"Ayun. Nakatunghay ulit sa bintana gaya ng lagi niyang ginagawa."

"Boss? Saan ninyo ba napulot ang babaing iyon? Mukhang 'di na natin sya mapapakinabangan eh hindi nga makapagsalita," saad ni Ian.

Nagkatinginan sina Ben at Ramon. Umiling lang si Ben bilang sagot sa amo kahit na hindi nagsasalita.

"Ian, wag mo nang itanong kung saan ko napulot si Sheena. Mapapakinabangan pa natin yan dahil ang babaing yan ang magbibigay sa'tin ng yaman. Cheers!"


****

"Hi, sweetheart. Good morning," ginising ni Lendro ang nobya sa pamamagitan ng paghalik sa noo nito. Napamulagat si Jana nang maramdamang may malamig na dumapo sa kanyang noo at labi.

"I prepared breakfast for you," kinuha nito ang isang tray na nakapatong sa mesa. Nakangiti itong umupo sa tabi niya.

"Eat?"

Kahit medyo mabigat ang katawan ay pinilit pa rin ni Jana na umupo. Doon lang niya napansing wala syang suot na kahit anong saplot kundi natatakpan lang ng kumot ang kanyang katawan. Agad niyang tinakpan ang dibdib gamit ang kumot dahil nakalimutan niyang hindi sya nag-iisa sa condo.

"You don't need to hide that, sweetheart. I've already seen that goddess body for many times, right?" natatawang saad ni Lendro.

"Sira ka talaga kahit kailan." Naiinis niyang inipit ang kumot sa kili-kili.

"Say ah," ani nito at isinubo ang nasa kutsara.

"Ah."

"How does it taste?"

"Ang lakas din ng saltik mo, 'no?" Halos iluwa ni Jana ang pagkain at nagsimulang magbunganga.

"Tama ba ang nakikita ko? Pinapakain mo ako ng sunog na itlog? Lendro sana edi ako na--"

Pinasakan naman ni Lendro ang bunganga niya ng pagkain para hindi muna sya makapagsalita. Halos mabilaukan si Jana sa ginawa nito.

"Nag-effort na nga akong magluto para sa'yo tapos pagagalitan mo lang naman ako? Mga babae nga naman masyadong--"

"Akin na nga 'yan, ako na ang magsusubo ng pagkain. Mag-asikaso ka na at may trabaho ka pa." Kinuha niya ang hawak nitong tray.

Natawa ito bago tumayo.

"Ayaw mo naman palang nagtatampo ako sa'yo eh."

"Mag-aayos ka na dahil may trabaho ka pa o ibabato ko sa mukha mo 'tong pagkaing niluto mo?"

"Hayss. I'll go ahead. I love you sweetheart."


*****

"I'll be late maybe 30 minutes. I just need to do something."

"Okay, sir." Ibinaba na ni Pia ang cellphone nang marinig ang mahalagang sasabihin nito. Male-late raw ito ng 30 minutes kaya huwag na raw niyang hintayin dahil nasa kanya naman ang susi ng opisina nito.

Hinalungkat ni Zach ang aparador kung saan nakalagay lahat ng office attire niya, kasama na ang necktie at mga medyas. Nang makita ang kanyang hinahanap ay ibinalik niya ulit sa dati ang mga damit. Nagmamadali syang lumabas ng kanyang kuwarto. Sumakay na rin sya sa kotse makaraan ang ilang minuto.

Pagkarating sa kanyang destinasyon, maingat niyang hinawakan ang bagay na pinag-ingatan niya sa loob ng tatlong taon. Ngayon na ang takdang oras para ibalik niya ito sa may-ari. Naghintay sya ng halos sampung minuto sa taong inaasahan niyang darating. Matikas syang tumayo. Walang bahid ng lungkot, tuwa, gulat o kaba sa mukha niya.

"Zach."

"Im giving this back to you."

"But--why? I already gave it to you," kunot ang noo nitong tiningnan ang hawak niya. Isang dslr camera na nakabalot pa sa isang kahon.

"No. It belongs to you. I don't have any reason to keep it anymore. And plus, be happy in your fiancee. I know he'll love you more than I did."

Binigay na niya ang hawak sa dalaga. Walang emosyong nagsimulang maglakad palayo.

"Zach!"

"Zach!"

Nagkunwari na lang syang walang narinig. Para saan pa ang pagpapadala niya sa sinasabi ng puso niya kung patuloy lang syang papatayin ng katotohanang hindi na pwedeng maging sila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top