Chapter 18
"Nandiyan na si sir".
"Oo nga. Nandiyan na".
Isang matangkad na binatang may salamin ang naglalakad at sa likod nito ay ang kanyang sekretarya na kumakaway sa bawat madaanan.
Zach smiled na nagpakilig sa mga babaing empleyadong bumabati sa kanila.
"Good morning sir."
"Good morning".
"Ang guwapo talaga ni sir".
"Sinabi mo pa".
Hanggang makarating sa elevator ay hindi mawala ang mga babaing nagbubulungan at napapangiti pag nakikita ang binata.
Nakapagtataka man ay nanatiling tikom ang bibig ni Pia sa napapansing kakaiba. Nakangiti pa rin si Zach. Marunong na syang ngumiti.
"Sir,tawagin ninyo na lang po ako sa intercom kung may iuutos kayo",ani ni Pia at dumiretso na sa kanyang cubicle.
"Okay",sagot naman ni Zach.
Masiglang ibinagsak ni Zach ang katawan sa sofa at napatingin sa tambak na mga papeles at dokumentong nakapatong sa mesa.Kailangan pa niyang i-double check ang iba at pirmahan.
Tumayo sya at umupo sa swivel chair.
Inayos niya ang suot na necktie at sinimulang ipokus ang atensyon sa trabaho.
Isang oras na ang nakalipas nang makaramdam sya ng uhaw kaya agad niyang pinindot ang intercom at ipinatawag si Pia.
"I want a coffee".
"Okay sir. Noted".
Mayamaya pa ay dumating na ang sekretarya na may dalang kape at nakangiti.
Hinintay muna nitong tikman niya ang lasa ng kape bago umalis.
Nang makitang wala syang reaksyon ay aalis na sana sya nang magsalita si Zach.
"Can I ask a question?"
"Hmm.. Yes sir? Ano po yun?"
Bumuntong-hininga muna sya bago mag-isip kung tama ba ang gagawin niya.
"If a girl keeps on avoiding a man, what does it mean?"
"Huh? Ah..ehh..Bakit ninyo naman po natanong sir?"
"Nothing. Gusto ko lang itanong."
"Sigurado po ba kayong tama ang pagkakabanggit ninyong girl and man? Do you mean,the girl is younger?"
Walang sagot si Zach dahil nakatingin ito sa pintuan nang walang emosyon.
"It's either may nagawang mali yung lalaki sa babae or ayaw niya sa lalaki. Maaaring may isang pader na humaharang sa kanya para mapalapit sa lalaki dahil may iniiwasan sya or baka ayaw niyang isipin na nagkakagusto yung man sa girl.Sir? Gets ninyo po ba?"
Natahimik saglit si Zach sa mga isinagot nito.
It's either may nagawa syang mali or ayaw nitong isipin na may gusto sya sa babae.
So, sya talaga ang mali.
"Sir? Ok lang po ba kayo?"
"Yes.You can leave me now".
"Sige po",sabi nito at agad na umalis.
"Hindi 'to puwede. It cant be".
Hindi sya puwedeng mahulog sa isang inosenteng dalagita na walang kamuwang-muwang.
Nababaliw lang sya.
Wala sa sariling nag-scroll down sya sa newsfeed ng isang blog at may nakita syang isang pamilyar na larawan ng isang lalaki.
Hindi sya maaaring magka mali. Iyon ay ang lalaking bumangga sa kotse niya at kasama ang isa pang lalaking parehong mukhang lasing ng gabing iyon.
Isang holdaper ang patay matapos barilin ng isang pulis habang sakay ng bus papuntang Valenzuela.
Sya!Sya nga yung lalaking kasama noong isa pa. Ang pinagtawanan pa sya dahil lang sa pagsabi niyang huminahon lang sa pagmamaneho. Sya iyon!
Parang may mali. Malakas ang kutob niya may kakaiba sa lalaking yun. Parang--dalawa o tatlong beses na niya nakita yun.
Saglit syang napaisip pero hindi niya matandaan kung saan niya huling nakita ang lalaking iyon. Basta ang alam lang niya,nakita na niya iyon.
*****
Walang kasigla-siglang nakatunghay si Ian sa selda ng kulungan habang inaalala ang nangyari noong oras na pinusasan sila ng mga pulis hanggang sa ihatid sila sa kulungan.
Napaatras sya nang may mga kamao ang tumama sa mukha niya at kasunod nito ay ang pagkuwelyo nito sa kanya.
Tiim-bagang na pinilit niyang kumalma. Si Ramon lang pala at galit na galit ang ekspresyon ng mukha nito.
"Traydor ka! Kasalanan mo kung bakit ako nandito sa kulungan!Sinira mo ang plano! Traydor!!"
Tinanggal niya ang kamay nito sa kuwelyo niya at pinahid ang dugo na nasa gilid ng kanyang labi.
"Patay na si Ben at dahil yun sa'yo. Itong kulungan? Ito ang tahanan nating mga demonyo at halang ang kaluluwa!"
Isang sapak pa ang natamo niya dahil sa kanyang mga sinabi.
Noong barilin si Ben ng isang pulis ay binaril din niya sa binti si Ramon.
Isang bagay na hindi nito maintindihan kung paano niya nagawa gayung buong akala ni Ramon ay hawak na niya sa leeg ang kanyang mga tao.
"Sama-sama na tayong mabubulok dito sa kulungan",dugtong pa niya at nginisian ang itinuring niyang boss noon.
"Yan ang akala mo dahil may misyon pa akong kailangang tapusin".
"Ang hanapin at patayin si Sheena?Ang anak ng presidente?!"
Nanlalaki ang mga matang nangunot ang noo ni Ramon sa sinabi nito. Anak! Presidente?!
"Paanong?--"
"Noon pa alam ko na. Hindi ka magtatagumpay dahil sa oras na makatakas ako,ako mismo ang maghahanap sa kanya at ibabalik sya sa ama niya".
Kinuwelyuhan ulit sya nito at ibinulong "Subukan mo. Ako mismo ang papatay sayo. Huwag kang mag-alala dahil hindi mo magagawa yan. Dito pa lang papatayin na kita".
Pagkasabi nito ay dinuraan pa sya at sya naman ay gumanti sa pamamagitan ng matalim na tingin.
*****
Chapter 18 was done.Maraming salamat sa lahat ng nagbasa,nag-vote at nag-comment.
Kamsa ^_____^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top