Chapter 17
"Hoy!"
Nabitawan ni Kathryn ang hawak na basahan at agad na napalingon nang marinig ang isang tawag mula sa kanyang likuran.
Si Coleen pala ito at may dalang isang damit na nakatupi.
Nakataas ang dalawang kilay na lumapit ito sa kanya at pinameywangan sya.
"Inaakit mo si sir ano?" tanong nito pero nanatili syang walang imik.
Takot pa rin sya dahil nakabalot pa rin sya sa takot na magsalita at mag sabi. Isang trauma at phobia ang pumipigil sa kanyang ibalik ang kakayahang makapagsalita.
"Uy gaga. Tawag ka ni sir. Umakyat ka raw doon sa kuwarto niya. Hindi ko alam kung bakit",dugtong nito na ipinagtaka niya.
Sya? Ipinatatawag ni Zach? Hindi na yata bago yun ah? Bakit na naman?
"Bingi ka ba?" dugtong na naman nito nang mapansing ayaw niyang gumalaw mula sa kinatatayuan.
"Tawag ka ni sir Zach. Inaakit mo si sir 'no?"
"Uy! Uy! "pareho silang napatingin kay manang Belen na nagluluto sa kusina.
Nakiusyoso at lumapit na rin ito sa kanila.
"Coleen,umalis ka na nga. Sasabihan mo lang yung tao na pinatatawag ni sir sa ganyang paraan pa?"
"Hmpp. Makaalis na nga. Tse",pinitik nito ang buhok at nagkembot-kembot na umalis.
"Mga kabataan nga naman ngayon. Hindi marunong gumalang . Hija,sundin mo na ang sinabi niya. Baka ipinatatawag ka nga talaga ni sir".
Nanatili syang tahimik at tila ayaw niyang paniwalaan na gumagawa na naman ito ng paraan para makalapit sa kanya o baka sya lang ang nag-iisip ng ganoon.
"Sige na. Baka may iuutos lang yun. Huwag kang mag-alala.Sa tagal ng pagtatrabaho ko dito,nakilala ko na ang ugali ni sir. Magpapatawag lang sya kapag may kailangan o iuutos. Bukod doon,wala ng iba pang dahilan. Sige na,Kathryn",ani ni manang Belen.
Kahit papaano ay lumakas ang loob niya para sundin ito.
Binibilang niya ang bawat hakbang na ginagawa. Bawat hakbang mula sa hagdan hanggang sa labas ng pintuan nito.
"Tok.tok.tok."
Bumukas ang pintuan nang itulak niya. Hindi naman pala naka-lock kaya dahan-dahan syang pumasok.
Nakahinga sya nang maluwag nang makitang walang tao. Nasaan si Zach kung ipinatatawag sya nito?
Inilinga niya ang paningin sa kabuuan ng kuwarto ni Zach. Napakalinis at lahat ng gamit ay nakaayos. Aakalain mong babae ang may-ari ng kuwarto dahil sa sobrang linis at ayos ng pagkakalagay ng bawat gamit.
Ang bedsheet na kulay-puti, mga unang kulay-puti at ang kurtinang kulay puti rin. Madaling malalaman na ang may-ari ng kuwarto ay mahilig sa kulay na puti.
Nakuha ng isang larawang napatong sa mesa ang atensiyon na. Si Zach kasama si Aeriel. Hahawakan na sana niya ito nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng banyo.
Naramdaman rin niya ang kakaibang presensya ng dalawang pares ng mga mata.
Si Zach,nakatapis ng tuwalya at basang-basa pa ang tumutulong buhok.Topless.
Tumambad sa kanya ang matipuno nitong dibdib na dinagdagan pa ng guwapo nitong mukha.
Takang napatingin ito sa kanya pero umiwas lang sya ng tingin.
Tinangka niyang lumabas at nang nasa sedura na sya ng pinto,nagsalita si Zach.
"Kathryn".
Hindi pa rin sya lumingon.Hindi tama ang mga nangyayari.
Narinig niya ang mga yabag ng paang palapit sa kanya mula sa likuran.
Hindi sya makagalaw sa kinatatayuan dahil para syang idinikit na papel gamit ang glue.
Huli na nang lumingon sya dahil nasa harapan na pala niya ang binata.Isinandal sya nito sa pader at ikinulong sa kanyang mga bisig. Wala na syang kawala pa.
Nilabanan niya ang namamagitang anuman sa init ng titigan nila sa Mata. Mata sa mata.
"What's something with you that makes me interested to know you?" tanong ni Zach sa sarili kahit alam niyang hindi sasagot ang kanyang kaharap.
Inalis niya ang kamay sa pader at muling tiningnan si Kathryn.
Hindi ito takot gaya ng nangyari noong niyakap niya ito. May bahid lang ng pag-aalala sa kanyang mga mata kahit walang emosyon ang kanyang mukha.
"Im sorry,Kathryn. Puwede mo na akong iwan", saad niya nang mapagtantong hubad pala ang kanyang pang-itaas at sinumang babae ang makakita ay siguradong mamamangha sa laki ng kanyang katawan.
Maingat ang mga hakbang na iniwanan ni Kathryn ng isang nag-aalalang tingin si Zach. May sakit pa rin yata ito.
Ini-lock niya ang pinto nang makaalis si Kathryn. Doon lang niya na-realize na isang kabastusan ang ginawa niya.
Hindi naman sya ganyan pero bakit ginawa niya yun nang ganun kadali.
Napatingin sya sa sarili at natawa. Foolish man. Hindi nag-iisip kung ano ang kahihinatnan.
"Her eyes,her nose,her cheeks,her lips....Zach! Stop it. You're damn crazy", kausap niya sa sariling repleksiyon sa salamin.
Nababaliw na nga talaga sya sa walang kuwentang bagay. She's just a girl na nakita niya sa grocery store noon. She's just a girl. A maid na nagsisilbi sa bahay nila bilang kapalit sa kanyang pagtira. She's nobody but a nobody.
Crazy as hell.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top