Chapter 13
Masakit ang ulong pinipilit ni Zach na mag-concentrate sa kanyang ginagawa.
Ni-re-review lang naman niya ang mga larawang nakuha noong nagdidilig si Kathryn ng mga halaman.
"Damn it, Zach. Concentrate!"
Kinuha niya ang invitation letter mula sa isang font manager na pagmamay-ari ng tatay ni mr.Lendro Verdazo.
Pang-ilang araw na niyang nararanasan ang pagsakit ng ulo at pagkahilo. Pakiramdam niya'y napakainit ng kanyang buong katawan at sasabog na iyon.
Iyon rin ang isa sa dahilan kung bakit hindi sya gaanong makapag-concentrate.
Isinandal niya ang likod sa swivel chair. He tried to concentrate again but damn it. He really can't .
He simply glanced at his opened laptop.
Naroroon pa rin ang mga picture ni Kathryn at hindi niya maintindihan kung bakit tinitigan niya ang mga ito.
"Oh come on. Zach,please concentrate".
"Treat her as your sister".
"Your second sister".
Paulit-ulit na nagsi-sink in sa kanya ang mga sinabi ni Lea.
Hindi niya alam pero may parte ng isip niya ang nagsasabing hindi niya iyon magagawa. Ang ituring itong isang kapatid?
"Zach! Please concentrate!"sinabunutan na niya ang sariling buhok para lang matauhan.
Sana lang dahil sa sakit ng ulo ang dahilan ng pagkakaganito niya. Wala ng iba.
"Stop thinking her",sabi pa niya sa sarili.
Nagulat sya nang may biglang naglakad palapit sa kanya. Agad niyang tiniklop ang laptop. Baka makita pa nito ang mga pictures na tinitigan niya?
Hindi niya namalayang nakapasok na pala si Pia sa loob ng kanyang office.
"Sir,pasensya na po. Naiwan ninyo po kaseng nakabukas yung pinto. Sorry po kung hindi na ako kumatok. Mukhang seryoso po kase kayo",paghingi nito ng paumanhin.
Napahawak si Zach sa kanyang ulo. Napakabigat nito at para syang babagsak sa sakit.
"Sir? May meeting po kayo kay ms--"
Tumayo si Zach sa pagkakaupo at maglalakad sana papuntang banyo nang bigla na lang magdilim ang kanyang paningin.
Ang huli niyang natatandaan,pinipilit syang gisingin ni Pia.
"Sir! Gising! Tulungan ninyo ako! Si sir!"
Agad na naglapitan ang mga empleyado at tumulong sa kanya.
"Kathryn,"narinig nilang bulong nito kahit nakapikit ang mga mata.
"Kathryn".
Kinapa ni Pia ang noo nito. Inaapoy sa lagnat si Zach dahil napakainit nito. Namumutla rin ang mga labi nito.
"Tumawag kayo ng ambulansya!Dali!"
"Ito! Ito na! Tatawag na".
Mabigat ang ulo ni Zach nang sya'y magising. Pakiramdam niya'y may nakapatong sa kanyang ulo na napakabigat.
Luminga sya sa paligid at nalaman niyang nasa loob sya ng isang ospital.
Nakita niya rin ang ina na nakaupo malapit sa kanya.
Bakas sa mukha nito ang tuwa nang makitang nagising na sya.
"What happened?" maang niyang tanong.
"Tinawagan ako ng sekretarya mo. Bigla ka na lang daw nawalan ng malay sa loob ng opisina mo.Ang sabi ng doktor,stress at pagod daw ang dahilan niyan. Ang lagnat mo ay maari daw na nagmula sa init ng panahon".
Natahimik si Zach. Kaya pala ganun na lang ang pakiramdam niya. Sobrang init ng katawan niya at parang sasabog ito pero nakakaramdam rin sya ng lamig sa katawan na parang gusto niyang balutin ng kumot ang buong katawan.
"Im feeling cold."
"May niresetang gamot ang doktor. Here",iniabot nito sa kanya ang tableta ng isang gamot.
"Masyado ka kaseng nagpapagod,Zach. Don't force yourself kung hindi mo kaya. Nasabi ko na 'to sa daddy mo. Uuwi sya bukas. Sabi rin pala ni dr.Guizon,you need to rest for at least one to two weeks."
Nanlaki ang mga mata niya. One-two weeks?
"Paano yung museum? May inaayos pa ako dun. Mom?Kaya ko. I can manage. Hindi ko ikamamatay 'to",protesta niya.
Umiling-iling ang ginang sa sinabi niya.
"You'll stay inside the house these following days. Ang daddy mo na ang bahala sa kumpanya natin. Before I forgot,uuwi rin ang kapatid mo next week. Para hindi ka ma-bore sa bahay,you can talk her."
Kinapa ni Zach ang noo. Totoo ngang mainit pa rin sya pero alam niya namang kaya niyang pumasok sa trabaho kahit na ganun ang kondisyon niya.
Saglit na natahimik silang pareho nang bigla ulit magsalita si Lea.
"And about the coming event na invited ka,it's better if you'll not attend".
Nagpanting sa tenga niya ang sinabi nito. Hindi sya makakadalo?Isa itong importanteng imbitasyon.
"Ma?"
"Mas makabubuti sa'yo yun,Zach."
"I can manage".
"No. Just follow me,clear?"
"It's an important event. Aasahan ako ni Lendro doon".
"Your father will come ".
Nanahimik na lang sya. Kilala niya ang ina. Kapag sinabi nito ay hindi puwedeng hindi gawin.
Napaka-overprotective nito lalo na sa mga mahal nito.
Hindi na sya nagtaka kung bakit napakasuwerte niya at ito ang naging nanay niya.
"Where is Kathryn?"
Nangunot ang noo ng ginang nang marinig ang tanong na iyon mula sa kanya.
Mahina itong tumawa.
"She's in the house. May iba pa ba syang pupuntahan bukod sa'tin?"
"Im just asking".
"But it seems you're not just asking. Do you care about her?"
"Huh?N--no."
"I like Kathryn. Alam mo bang magaan ang loob ko sa batang yun. Nakikita ko lang sa kanya ang kapatid mo. Btw,magpahinga ka muna. Uuwi na tayo mamaya".
Tumangu-tango na lang sya bilang sagot.
Hindi niya aakalain na ganun kadali nitong nagustuhan ang ugali ng dalagita.
Sabagay,ganun rin naman sya rito at hindi na puwedeng lumagpas pa doon.
------
"Iha,pakidala nga muna ito kay sir Zach. Hindi pa kase kumakain ang taong iyon mula kaninang umaga. Ibinilin sya sakin ni mam Lea na bantayan ko raw kahit malaki na eh ugali talaga niyon ang minsang hindi kumakain",paliwanag ni manang Belen kay Kathryn habang iniaabot ang isang tray ng pagkain.
Ngumiti sya at agad na tumalima sa utos ng matanda.
Dahan-dahan niyang kinatok ang pinto ngunit walang sumasagot kaya pumasok na lang sya loob ng walang permiso ni Zach.
Inilapag niya ang pagkain sa mesa nito. Nakita niyang nakahiga si Zach sa kama habang nakatalukbong ng kumot.
Parang nilalamig ito.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kumot sa pagkakatalukbong nito.
Nilalamig nga ito. Kinapa niya ang noo at leeg ni Zach.
Mainit.
Kaya pala isang soup at tubig lang ang nakahaing pagkain para sa kanya. Ngayon lang niya napansing may gamot pala sa gilid ng baso.
Hinawakan niya ang pisngi nito. Kahit may sakit ay guwapo pa rin ang dating.
Naisip niyang kailangan nitong mainom ang kanyang gamot kaya nag-isip sya ng paraan para magising ito.
Marahan niyang pinisil ang pisngi nito at gumana naman.
Dumilat ang mga mata nito at tumingin sa kanya.
"Kathryn?"
Nginitian sya ng dalagita at muling pinisil ang pisngi niya pero sa pagkakataong yun,hinawakan na ni Zach ang kamay niya.
Napatingin si Kathryn sa kanyang kamay na ayaw bitawan nito. Nginitian sya ni Zach na para bang wala syang sakit.
Bumagon sya sa pagkakahiga saka lang binitawan ang kamay nito.
Titig na titig si Zach sa babaing nasa loob ng kanyang kuwarto at kaharap pa niya. Anong ginagawa nito doon.
Isa pa,nakuha sya nitong pangitiin dahil lang sa pagpisil ng kanyang pisngi para magising.
Unexplained happiness.
Yan ang naramdaman niya nang mismong pagdilat ng kanyang mga mata ay isang anghel ang naghihintay sa kanyang magising.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top