Chapter 12


Masayang pinagmamasdan ni Kathryn ang mga damit na naka-display,mga sapatos at iba't-ibang accesories sa loob ng mall.

Manghang-mangha syang inililibot ang paningin sa bawat nakikita sa loob ng mall.

"Kathryn,look at those dresses",turo ni Lea sa mga dress na nakahilera.

Iba't-ibang uri ng dress,may spaghetti trap,tube dress at napakarami pang iba.

"You might asking why I brought you here. Na-mi miss ko kase ang kapatid ni Zach. Kaedad mo lang sya tingin ko. As long as you're in our house,I can treat you as my daughter".

Gulat na gulat si Kathryn sa mga narinig. Sinong mag-aakala na may balak pala itong ituring syang anak gayung di naman sya nito lubos na kilala.

"Dont worry. Look at yourself,I think I need to buy you clothes."

Natahimik si Kathryn. Nagtataka pa rin sya kung paanong naging mabait ito ng ganun kadali.

Tiningnan ulit sya nito mula ulo hanggang paa.

"Let's go".

"Try this one",ipinasukat ni Lea ang isang tube blue dress sa dalagita.

Nagmukhang barbie si Kathryn na binibihisan ng mga damit.

Nakaagaw na rin siya ng atensyon sa mga lalaking napapadaan at napapatingin sa kanya.

"Look,Kathryn,you're so beautiful. Napakaganda mo",puri nito matapos ang pagpapasuot sa kanya ng maraming damit.

Isang white spaghetti dress na wala pang tuhod ang haba. Hapit na hapit sa kanyang beywang ang pagkakasuot nito at nakahubog na rin ang kanyang magandang hugis ng katawan.

Hindi pa nakuntento ang ginang. Ipinaayos pa nito ang kanyang buhok at sya'y nilagyan pa ng make up.

Naiilang na naglakad si Kathryn. Hindi sya sanay na sya ang sentro ng atensyon ng maraming tao kaya napayuko na lang sya. Ano ba kaseng naisip ni Lea at ginawa sya nitong barbie.

Nagpalinga-linga sya at sa paglinga niya ay nahagip ng kanyang mga mata ang isang batang hawak ng kanyang Ina. Kumabog ang dibdib niya at gusto niya itong lapitan.

Lalapitan niya sana ito nang hawakan ni Lea ang kanyang kamay.

"Stay here".

Tiningnan niya ulit ang batang paakyat sa escalator. Nangunot ang noo nito dahil hindi sya nito makilala ngunit biglang nagliwanag ang mga mata nito nang makilala kung sino sya.

"Ate Sheena!!"

"Let's go home,Kathryn",aya ni Lea at wala na syang nagawa ng gumayak na itong umuwi.

Nilingon pa rin niya ang bata na kumakaway sa kanya at parang gusto syang habulin.

"Ate Sheena! Sandali! Ate Sheena!"

           

                

                            ///////

Umahon mula sa pool si Zach nang maramdamang nilalamig na sya.

Pasado alas otso na ng gabi at pakiramdam niya'y napakainit ng panahon.

Kinuha niya ang tuwalya at pinunasan ang mukha niyang basang-basa.

Tambad na tambad ang kanyang matipunong dibdib at pangangatawan sa suot na swimming shorts lang. Wala syang damit pang-itaas kaya kung sinumang babaing may makulay na pag-iisip ay maaaring makapag-isip ng kung ano sa kanya.

Bagay na alam niya sa sarili niya.

Hindi lang sya sa  labanan ng katawan mananalo kundi sa palamangan ng sex appeal.

Natigilan sya nang pumasok sa garahe ang kotseng ginamit ng kanyang mommy papunta raw mall kanina.

Sa pagkakaalam niya,isinama raw nito si Kathryn pero baka pagbibitbitin lang sya ng mga binili nitong mga accesories at damit galing sa mall.

Hinintay niyang makalabas ang kanyang mommy at si Kathryn bago sya pumasok sa loob ng malaking bahay.

Nangunot ang kanyang noo nang ang drayber na si mang Isko ang nakita niyang may bitbit ng mga pinamili at si Lea.

Habang si Kathryn....

"Huh?Anong?--"

Isang babaing naka-dress ng kulay blue ang nakita niyang bumaba mula sa kotse.

"Anong ginawa ni mommy kay Kathryn? She made her a barbie doll?"

"Mom!" sigaw niya para tawagin ito. Lumingon naman ang ginang at saglit syang tiningnan.

"It's already night,ano'ng ginagawa mo dito sa labas?" tanong ni Lea sa anak.

Hindi sumagot si Zach. Sa halip,tiningnan nito si Kathryn na napapayuko at parang nahihiya.

Sinipat niya mula ulo hanggang paa.Hindi niya maikakaila dahil sya mismo ang nakakita.

She's damn sexy.

"Mom? What did you do to her?"

"Make over. Zach,kaedad lang sya ng kapatid mo. Naisip ko lang,kung wala syang pamilya why don't we treat her as our family? As your second sister too?"

Natigilan si Zach sa salitang yun. Sister?

"Kapatid?"

Tiningnan niya ulit si Kathryn na tahimik na nakikinig sa kanilang usapan. From head to foot,from foot to head.

Kaya niya ba?

"I'll go ahead",nagpaalam na syang papasok sa loob.

Kakausapin pa sana sya ni Lea nang bigla na lang syang umalis at mabilis na nakapasok sa loob.

Sumunod na rin silang dalawa.

*****

"Sipsip kase eh".

Tahimik na inililigpit ni Kathryn ang mga damit na pinamili nila ni Lea nang marinig niya ang sinabi ng kasambahay na si Coleen sa kasama nito.

Nasa iisang kuwarto lang sila kung nasaan naka-stay at natutulog ang mga kasambahay.

Hiwa-hiwalay ng kama kahit pa double-deck.

Napalunok sya at marahang kinuha ang salamin na nasa itaas ng aparador. Tiningnan niya ang sariling hitsura roon.

Naninibago sya sa sarili niya kaya para walang masabi ang mga kasambahay na kasama niya ay binura niya ang make-up gamit ang kanyang kamay.

"Ang sabihin mo,isa yang higad or I say linta. Biruin mo yun,ang tagal-tagal na nating nandirito pero kahit kailan hindi tayo isinama ni mam Lea sa mall para bilhan ng mga damit. Eh sya? Baguhang sampid sa bahay nina mam pero kung makaasta akala mo isa syang Tyson".

Parang hinihiwa ang kanyang puso habang naririnig ang mga salitang yun mula kay Pinky,ang kausap ni Coleen.

"Hoy! Hoy! Kayo nga eh tantanan ninyo yang si Kathryn. Di kayo marunong mahiya sa tao.Napaghahalataang mga inggitera kayo eh", sita ni manang Belen sa dalawa.

"Totoo naman eh. Sipsip na,linta pa. Hahaha",halakhak ni Coleen.

"Higad pa",sabat ni Pinky.

"At--feelingera pa", sabay na naghalakhakan ang dalawa kahit na nakikita na nilang nasasaktan si Kathryn sa mga sinasabi nila.

"Sige. Ituloy ninyo yan at hindi ako magdadalawang-isip na isumbong kayo kay sir Zach",banta ni Manang Belen kaya umalis at lumayo ang dalawa.
Nilapitan ng matanda ang dalagitang nagpapahid ng luha.

Kung may kakayahan lang  itong makapagsalita,sigurado syang naipagtanggol nito ang sarili.

"Huwag mo silang intindihin,iha. Nakita ko kung gaano kalapit si mam Lea sayo kahit ngayon ka lang niya nakilala. Kahit si sir Zach,ganun rin. Sigurado ako,wala kang ibang intensyon sa kanila dahil mabuti ka. Huwag mong intindihin ang dalawang yun."

Pagkasabi niyon ay niyakap niya si Kathryn.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top