Chapter 11
"Mr. President."
Natigilan ang presidente at agad na itinago ang hawak na isang litrato ngunit huli na dahil nakita na iyon ng kanyang assistant. Lulan ng isang eroplano ang presidente kasama ang mga bantay nito.
"Everything is settled down, mr. president," saad pa ng assistant nito.
Tanging ngiti lamang ang isinagot ng presidente.
Ilang taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa kanya ang pagkawala ng kanyang bunsong anak. Kung nasaan man ito ay sana nasa mabuti syang kalagayan. 17 anyos na ito sa ngayon pero hinihiling pa rin niyang makita at makasama ito.
-------
Hinubad ni Zach ang reading eyeglasses at ipinatong sa itaas ng mesa. Kinusot niya ang mga mata at muling tiningnan ang laptop. Naka-display sa window nito ang kanyang gallery na puno ng iba't ibang larawan.
To be a photographer ang isa sa mga pangarap niya noong bata pa lang sya. Hanggang ngayon ay ito pa rin ang propesyon niya. Sa katunayan, tinatago pa rin niya ang mga iba't ibang pictures mula noong high school student pa lang sya hanggang sa ngayon.
Ini-scroll down niya ang laptop gamit ang kanang daliri. Napangiti sya nang makita ang mga larawang matagal ng nakaimbak sa kanyang gallery: sceneries, types of shots, memorable photos at iba pa. Kinuha niya ang katabing single reflex camera na regalo sa kanya ng kanyang mama noong 19th birthday niya.
Isinuot ulit niya ang salamin saka lumapit sa nakabukas na bintana. Isang alaala ang nakapagbalik-tanaw sa kanya nang sumilip sya roon.
"Do you know how beautiful the flowers are?
Umiling-iling sya.
"No. But I know how special they are for you."
Humalakhak si Natalia at niyakap ang nobyo habang hawak nito ang isang bungkos ng bulaklak na bigay ni Zach.
"Dapat lang. Kapag makakakita ka ng isang bulaklak, you should think of me dahil ako yon."
He smiled and smirked.
"Flowers remind me of you, Natalia."
Nakita niya si Kathryn na dinidiligan ang mga bulaklak.
Hindi niya alam pero nakikita at naaalala niya si Natalia sa katauhan nito. Noong gabing nakita niya ito sa pool at muntik nang malaglag, gusto niya itong pagalitan pero alam niyang wala syang karapatan.
Tiningnan niya ang hawak na slr camera at wala sa sariling kinuhanan ng mga stolen pictures si Kathryn habang dinidiligan ang mga bulaklak sa hardin.
Naka-limang shots sya bago ni-review ang mga nakuhang larawan. Isa lang ang masasabi niya.
"Captured."
---
"Zach Tyson?" gulat na tanong ni Jana nang marinig ang pangalang iyon.
"Yes. Kilala mo sya? Well, magkakaroon kasi ng isang malaking event at dito sa resort gagawin. Dad decided to invite all the businessmen and his friends in the coming event. Hindi ko pa nga nasasabi sa'yo, ang tatay ni Zach ay kaibigan ni daddy. Kailan ko nga lang nalaman na magkaibigan pala ang parents namin," mahabang paliwanag ni Lendro.
Naglalakad sila at nag-iikot-ikot sa resort habang pinag-uusapan ang tungkol sa event na gaganapin.
"Parang nabasa ko na kasi sa isang magasin ang pangalan niya. Sa natatandaan ko, ang pamilya niya ay isa sa pinakamayamang negosyanteng nakatala sa magasin, ayun ang natatandaan ko," paliwanag ni Jana.
"Really? Is it a coincidence?"
"Tingin ko naman magkakasundo kayo, di ba? I cant wait to meet him, soon."
"Oo nga pala. Hindi ko ba nabanggit sa'yo? Ang painting na binigay ko sa'yo as a gift ay galing sa negosyo ng pamilya niya. That's the second day na nakausap ko sya. He's very nice," paglalarawan pa ni Lendro rito.
"Wow! Mukhang matagal mo na syang kilala ah."
"Hindi naman. I'm sure makakasundo ko sya."
"Hali ka," ginagap nito ang kamay niya at sabay silang naglakad-lakad.
------
"Kathryn!"
Napalingon si Kathryn sa tumawag sa kanya.
Si Lea. Nakabihis ito ng pang-alis at may dalang body bag. Lumapit sya rito nang nakangiti.
Tiningnan nito ang suot niyang maikling short at t-shirt na mahaba. Napadako ang tingin nito sa kanyang mahabang itim na buhok na nakalugay at sa mukha niyang napakasimple at inosenteng tingnan. Pati ang ibang kasambahay na naglilinis ay palihim na tumitingin sa kanila at nag-aabang ng sunod na sasabihin ng ginang.
"Come with me. We're going to the mall."
Nagtataka man kung bakit ay napilitan si Kathryn na sumama sa ginang.
Ano kaya ang gagawin nito sa kanya sa mall gayung amo niya ito?
Sigurado syang pagbibitbitin lang sya ng mga bibilhin nito. Nginitian niya pa rin ito pero hindi ito ngumiti.
Seryoso sya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top