Chapter 10
Tumayo mula sa pagtatampisaw sa tubig si Kathryn at naglakad ulit habang tinitingnan ang repleksiyon sa tubig. Hindi yata sya nagsasawang tingnan ang sarili.
Napapailing na lang na tinitingnan-tingnan ni Manang Belen ang dalagita sa ginagawa nito.
Tumakbo si Kathryn sa hardin at pagbalik nito ay may dala ng isang maliit na bulaklak.
"Kathryn, mag-iingat ka ah."
Inilagay nito ang bulaklak sa tubig. Abot-langit ang ngiti niya nang gumalaw ang bulaklak at lumayo sa kanya. Sinundan niya ito ng tingin na nakangiti pa rin. Bakas na bakas na masayang-masaya sya sa ginagawa.
"Manang Belen, may-"
"Diyos ko po naman, sir!" Gulat na gulat si manang Belen sa pagsulpot ni Zach bigla.
"Nakakagulat naman po kayo." Napasapo sa dibdib ang matanda nang lingunin ang kanyang amo. Nakadamit pambahay na ito, isang puting sando at short na hanggang tuhod ang haba.
"Itatanong ko lang po sana kung nakita ninyo yong--" hindi na nito naituloy ang sasabihin nang makita si Kathryn na nasa swimming pool at masayang tinitingnan ang bulaklak na pinalutang niya.
"Ano po 'yn sir? Ano po ang itatanong ninyo?"
"Ah. .Wala," napakamot sa batok na sagot ni Zach. Nakalimutan niya yata kung ano ang sasabihin.
Nagtataka man ay ngumiti pa rin ang matanda at bumalik sa ginagawa.
Salubong ang kilay na naglakad si Zach papunta sa pool.
Ano na naman kaya ang ginagawa ng babaing ito sa pool?
What if she fall down again?
She's really. . . really what?
Really what, Zach?
"What if you fall down again?"
Napalingon bigla si Kathryn nang marinig ang nagsalita. Pagagalitan kaya sya nito?
Aksidenteng nadulas ang isang paa niya pero imbes na mahulog ay nahawakan ni Zach ang kanyang beywang.
Nagsilbi niya itong tagapagligtas dahil kung hindi ay nahulog na sana sya sa tubig. Titig na titig si Kathryn sa mga mata ng matangkad na lalaking nagligtas sa kanya sa pagkakahulog.
Hindi makapaniwala si Zach na nagawa niyang hawakan ang dalagita ng gano'n kabilis para hindi ito mahulog. Parang napakabilis ng pagkilos niya kanina.
Titig na titig si Zach sa mukha ni Kathryn. Nang-aakit ang itim nitong mga mata kaya di niya maawang hindi titigan. Parang may mali.
Zach, anong nangyayari?
Hinawakan niya ang kamay nito at hinila palayo sa pool.
Nakayuko lang ito at parang nahihiya dahil may nagawa syang hindi maganda.
"Next time, ayoko ng nakikita kang tumatambay sa pool. Is it clear?"
Tumangu-tango sya pero nakayuko pa rin.
"Hindi ako galit. Ayoko lang na mauulit 'to," sabi niya at iniwan na ito.
Nakuha pa rin niyang lumingon. Napailing na lang sya nang makitang nakangiti na ito sa kanya na parang walang nangyari.
-----
"Zach, uuwi raw ang kapatid mo next month from States".
Natigil sa pag-inom ng tubig si Zach. Tiningnan ang ina.
"Really? That's great", tanging sagot niya.
"Isang taon din syang nasa States. Sana sunod naman ang kuya mo".
"Of course, mom. Yon pa, namimiss ka rin 'non".
"What's your plan for Kathryn? Don't you have any plan to report it to her family? Baka may mga naghahanap na sa kanya".
Saglit na nag-isip si Zach. Ano nga ba ang gagawin niya kay Kathryn?
"I think. . let her stay here. Please?"
"Ang sa akin lang naman baka may naghahanap na sa kanya."
Uminom ulit siya ng tubig bago ipinatong ang dalawang siko sa mesa.
"I think she's already happy staying here."
"Napansin ko nga rin. Kaedad niya ang kapatid mo, tingin ko."
Bumuntong-hininga sya nang malalim.
Paano kung balang araw ay bigla na lang hanapin ng mga magulang ang dalagita?
-----
"Boss, tingnan mo 'to". Inilapag ni Ben ang isang dyaryo sa mesa kung saan ay tahimik na umiinom ng alak si Ramon habang naninigarilyo. Magkasalubong ang kilay nitong tiningnan at hinawakan ang dyaryo.
Ibinaba muna niya ang sigarilyo saka sinimulang basahin kung ano ang nakasulat roon.
"Wanted! MGA MAGNANAKAW SA ISANG GROCERY STORE NA NANG-HOSTAGE PA NG ISANG DALAGITA, PINAGHAHANAP NA SA NGAYON'.
"Biruin mo yon? Sikat na tayo, pati sa dyaryo nandyan na mga mukha natin. Eh di ba magtatatlong linggo na no'ng nagnakaw tayo doon sa--"
"Siraulo ka!" Binatukan ni Ben ang kanyang katabing si Ian.
"Aray ang sakit! Bakit ba?"
Nilukot ni Ramon ang dyaryo at ibinato kay Ian.
Napakamot naman sa batok si Ian saka pinulot ang dyaryong lukot-lukot na.
"Ang guwapo ko dito oh", turo pa nito sa mukha niya.
Muli ay isang batok pa ang natamo niya mula kay Ben. Pero sa ngayon ay mas malakas kumpara sa nauna.
"Wanted na tayo, alam mo ba kung ano ibig sabihin niyon? Pinaghahanap na tayo ng mga pulis at maaring may mga nakadikit na sa mga poste o pader na nakasulat ang mga pangalan at mukha natin", bulong ni Ben rito dahil nakita niyang masama na ang timpla ng mukha ni Ramon.
"Pasensya na boss. Talagang ganito lang to eh".
Tahimik na inihulog ni Ramon ang sigarilyo sa sahig at inapakan.
Bumuntong-hininga ito at tiningnan sila isa-isa.
Nakahawak pa rin sa batok na napapangiwi si Ian samantalang seryoso ang mga mukha ng iba nilang kasama.
"May bago tayong plano".
Nagkatinginan sila sa bawat isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top