Chapter 1


     dedicated to LunarWolfhart

"Dad, don't stress out yourself in finding her. Maybe she's now in a good condition. We don't know if--"

Nilingon si Jana ng kanyang ama na may mga nagtatanong na mata. Kunot na kunot ang noo nitong nakatingin sa kanya. May bahid ng lungkot ang kanyang mga titig. Napayuko si Jana sa kahihiyan pero di niya babawiin ang kanyang sinabi.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit mawalan ng anak. Hindi ka isang magulang para sabihin sa akin yan, Jana. Kapatid mo s'ya", matigas na binitiwan ng presidente ang mga katagang iyon.

Umiwas ng tingin ang dalaga saka humugot ng malalim na buntong hininga.

"Dad, it's been 15 years. At sa loob ng labinglimang taon na 'yon, wala ka nang ibang inatupag kundi ipahanap ang bunso ninyong anak. Parang s'ya lang ang nag-iisa ninyong anak."

"Lumabas ka na, Jana", pigil ang galit na saad ng matanda.

"Fine", malumanay na umalis na si Jana sa kuwarto ng ama.

Agad syang nagtungo sa kanyang kotse at nagkulong doon ng ilang minuto. Ilang taon na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin nakakalimot ang ama sa pagkawala ng bunsong anak nito.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at may ini-dial na number.

"Yes? Hello?" sabi ng sa kabilang linya.

"Where are you?" malamig ang boses na tanong ni Jana.

"You know where I am. I'm in my condo. Why? You miss me, right?"

"F*ck! I don't have time to joke at you. I wanna talk you".

"Woahh! May highblood ka yata ah. Okay, I'm free, sweetheart. I 'll wait you here".

Mabilis na ibinaba na niya ang cellphone at pinaandar ang manibela. Wala siyang mapagkakatiwalaang iba kundi ang nag-iisang lalakisa buhay niya, si Lendro. Ito lang ang nag-iisang taong nakakaintindi sa mga nararamdaman niya.

"Hey, sweetheart. Let me ki--"

"Tabi d'yan", mainit ang ulong naitabig ni Jana ang nobyo pagkabukas nito ng pinto.

Napangiwi si Lendro nang makita ang mukha ng nobya. Mukha itong sinabuyan ng mainit na tubig at kumukulo pa.

"Bakit na naman ba? What happened?" Nilapitan niya ito sa sofa at matamang siniyasat.

"Hmmm..Sweetheart, stop acting like that. You know I always want to see your sweet smile".

Parang wala itong narinig at sa halip ay pumunta ito ng kusina. Kumuha ng isang baso ng wine saka tinungga iyon.

"You smell good".

Naramdaman niya ang pagyakap ng dalawang braso sa beywang niya at ang pag-amoy nito sa buhok at leeg niya.

"Lendro, ano ba?"

"Hmmm.." Hinalik-halikan nito ang kanyang tenga, pababa sa batok at sa leeg.

Waring hindi nito narinig ang sinabi ni Jana. Napapikit na lang si Jana nang maramdamang naglalakbay na ang mga malilikot na kamay ng kanyang nobyo sa loob ng kanyang suot na t-shirt.

"You made me addicted and now I can't stop it", bulong nito sa kanyang tenga.

Hinarap niya ito. Ikinawit ang kamay sa leeg at tinugon ang bawat halik na ibinibigay ni Lendro. Binuhat s'ya ng nobyo at ibinaba sa malambot na kama.

"Oh God! Forgive me I can't stop myself", saad ni Lendro bago muling rubrubin ng halik ang dalaga.

Walang ibang nagawa si Jana kundi ipaubaya ang sarili sa lalaking kanyang minamahal. Ilang ulit na rin itong nangyare at alam naman niya kung gaano siya kamahal nito.

"Jana, you're so hmmm. ."

"Lendro. ."

"I love you, sweetheart".

"I love you more".

 
               
                  

                                  *****

"You may leave me now", malamig ang tono ng boses ni Zach na hindi man lang nag-aksaya ng segundong balingan ng tingin ang sekretarya.

"Okay sir", magalang na humakbang humakbang palayo hanggang sa makalabas na ng opisina.

Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang binitawan nang mapag-isa. Sinipat ang relo sa kaliwang kamay saka pinaikot ang swivel chair. Kinuha niya ang bolpen sa ibabaw ng mesa kung saan nakapatong ang lahat ng papeles at appointments niyang naghihintay. Pinaikot-ikot iyon gamit ang kanyang isang daliri nang ilang segundo, matapos ay ibinalik din sa dati.

Binuklat niya ang mga naroroon sa kanyang mesa. Isa-isang pinasadahan ng tingin ang bawat detalyeng nakalagay. Sa huli ay ibinaba ulit niya ang mga ito. Magkasalubong din ang mga kilay na hindi man lang nagagawang ngumiti.

"Tok. Tok. Tok."

"Come in".

"Sir, you have appointment with--"

"I have an appointment with Mr. Harzon today at 3:30, a meeting with Business Management Association Company, with the leaders Mr. Jeck and Mrs. Baltazar".

Natigilan ang sekretarya sa sinabi nito. Kadalasan kasi'y hindi nito alam ang pagkakasunud-sunod ng mga schedule sa isang araw at kailangan pang ipaalala.

"I'll go ahead," maikli nitong sagot saka umalis na.

"Lagi na lang niya ginagawa yan," bulong ng sekretarya sa sarili nang makalabas na.

"Thanks for this wonderful day, Mr. Tyson," masayang nakipagkamay ang negosyante sa binata.

"Me too. Mr. Jeck and Mrs. Baltazar."
Sa unang pagkakataon ay ngumiti si Zach. Isang ngiting nakikita lamang ng mga tao once in a blue moon.

"He smiled," nakangiting saad ni Pia, ang sekretarya ni Zach.

"OK. We gotta go. Thank you,"  masaya ulit itong ngumiti bago umalis.

"Sir Zach", tawag niya nang akma itong aalis na. Nakalimutan yatang  may kasama sya.

"I'll go home now. See you," hindi man lang ito lumingon. Mahina lang ang pagkakasabi nito at ibinulong lang sa kanya.

"Oh-okay."

Seryoso ang tingin ni Zach sa daanan habang nagmamaneho. Parang wala s'yang ibang naririnig kundi ang katahimikan. Napahinto niya ang sasakyan nang biglang may bumangga sa kanyang kotse sa likuran.
Napalingon s'ya nang nakakunot ang noo.

Nakarinig pa sya ng halakhakan ng dalawang lalaki at sigurado syang yon ang sakay ng van na bumangga sa kanya. Tinanggal niya ang seatbelt saka bumaba ng kotse. Kinatok niya ang bintana ng mga iyon.
Bumukas naman agad at sakay nga niyon ang dalawang lalaking nakasuot ng itim na dyaket at itim na pantalon.

"Next time, will you please just calm down while driving?"

"Hahaha. Tingnan mo 'tong isang 'to," natatawang dinuro s'ya ng lalaki.

Pinagtawanan lang s'ya ng dalawa sa halip na seryosohin. Tumikhim s'ya at akmang ihahakbang na ang mga paa nang bumaba ang isang sakay ng van.

"Ang yabang mo ah. Bakit? Sino ka ba? Anong pinagmamalaki mo?"

Hindi s'ya lumingon bagkus ay sumakay na sa kanyang kotse at mabilis na pinaharurot yon palayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top