PROLOGUE: The President's Girl

--TRAILER Above, please view--

THE PROLOGUE.

"Amaranthe Deragasian Del Fiorre! How many times do I have to warn you-- STAY OUT OF TROUBLE!"

Kakapasok ko pa lang sa opisina ni Dad rito sa bahay pero iyon na ang ibinungad niya sa akin. Sa halip, napangisi niya ako, ngisi na sanay na sa mga sermon niya sa akin, this is not new to me anymore.

"This is the last time I am warning you young lady, isang ulit pa! I will definitely send you to your grandmother."

Naglaho ang ngisi sa mga labi ko dahil sa sinabi niya. Grandmother's place. The only place that I never wanted to go. Why? Dahil mahal ko ang lola ko at ayaw kong ma-stress siya dahil sa akin. So he decided to give me a severe punishment huh? So typical dad.

"You're grounded for a week, no card, and no car," dagdag niya.

"What?! What do you expect me to do? Fly?" tugon ko.

Lumabas ako ng opisina niyang nakakuyom ang mga palad, tamang-tama naman na nakasalubong ko ang kuya kong papunta sa direksiyon ng opisina ni dad. Isa rin 'tong nagpapasakit ng ulo ko.

"I heard you went on a liquor bar and made a scene last night. Nasaan ba ang utak mo Amaranthe? Hindi mo ba inisip kung anong epekto nun sa pamilya natin? Huwag mo sanang kalimutan na malalaking posisyon ang hinahawakan nila. Our Mom is the country's president and our dad is the Chairman of a first-class international company. Hindi ka na ba nakakaramdam ng hiya?" sabi pa niya.

Mas lalong uminit ang ulo ko. Sinamaan ko siya ng tingin at ngumuya. "Then, I will be glad to do more." Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa malagpasan siya. Nakakainis lang kasi, puro sarili at reputasyon nila ang iniisip nila.

Tahimik lang akong nagmukmok sa kwarto ko, napatanong kung anong saysay ng pagiging anak mayaman kung wala naman akong kalayaang gawin ang gusto ko? One wrong move and those freaking medias would definitely publish some nonsense articles. And plus, dudurugin pa ako ng sarili kong pamilya.

"Grounded ka for a week?" bungad ng kakapasok na pangalawang kuya ko sa kwarto ko. Naabutan niya akong galit na galit ang ekspresyon ng mukha habang nakahiga sa malaki kong kama.

"Alam mo? Naiinis din ako sa'yo kung bakit mo pa kamukhang-kamukha 'yang Alkerson na 'yan," singhag ko sa kaniya at nagcross arm.


My brothers are twins, iyong unang kuya na nakasalubong ko kanina ay si Alkerson, at ang kasama ko naman ngayon ay si Anarson. They are identical twins but has totally opposite attitude. Mabait 'tong si Kuya An kaysa kay Kuya Al.

"Why did you do it?" Anarson.

Bumangon ako. "It was obviously NOT my fault, I didn't even started it, kainis lang kasi 'yong putang nagsimula talaga ng gulo, pa-victim."

Tumawa lang si Kuya An habang nakapamulsa sa harap ko. "High blood na naman si Dad sa'yo, nakakailang score ka na ngayong buwan?"

"Did the secretary took care of it?" Ang ibig kong sabihin ay ang mga media na nagpipyesta kagabi sa bar dahil sa kaguluhan. And we have a secretary who always took care of anything that can ruin our reputation.

"Yes as usual, so just stay in your room for a while," sabi niya at akmang papalabas ng room. "Oh, Ame.. As your oldest brother, babantaan na rin kita sa mga kinikilos mo, I understand na hindi mo gusto ang sistema ng pamilya natin pero consider also the hardships of our parents, baka hindi natin alam na may advantage pala ito sa iyo balang araw."

Ngumiti lang siya pero binigyan ko lang siya ng kunot-noo.

After two days of being grounded.

"Give me that limited edition necklace, papunta na ako diyan," sabi ko sa kausap ko sa phone. I am using one of my brother's car right now kaya I have to be quick. Ewan ko lang kung kaninong sasakyan ito.

Pagkarating ko sa jewelry store, nasa gitna ng store ang necklace na gusto ko, hindi naman siya gaano ka-expensive pero gusto ko ang design niya. Mabuti nalang may natira akong pera sa pitaka, and I've been waiting for this Parallel Crust Necklace ever since. It's a seasonal design kaya limitado lang ang stock. Ito ang napili ko dahil ito ang original crafted ng Twistolar.

Hinawakan ko na ang cover glass ng necklace ngunit may kasabay akong humawak din. Nakatingin siya sa kwentas kaya nanindig ang alimpatakan ko.

"I saw it first," taray na sabi ni Merci.

Napataas lang ako ng kilay sa kaniya. "Funny, but it's already mine."

"Hindi pa ba sapat ang panggugulo na ginawa mo two days ago? Must be nice to be a richman's daughter, todo bura ng baho mo," tugon niya.

Napa-cross arm ako at tinarayan ko siya. "Correction, baho mo. Pa victim ka kasi, hindi ka ba nahihiya na iba ang naglilinis sa kalat mo? Siguro nga, kasi makapal naman talaga mukha mo."

Umeksena na ang tagabantay ng store. "Is everything alright?"

"Wrap this up for me right now, obvious na ako ang nauna kaya huwag niyo hahayaang may linta na makakahawak sa kwentas na iyan," utos ko sa tagabantay habang nakatingin pa rin kay Merci.

Nanlaki ang mga mata niya. "ANOO? TI-TINAWAG MO'KONG LINTA? HOW DARE YOU?"

"I did not even mention a name. Bakit? Did it pinch your nasty little nerves?" sagot ko sabay roll eyes sa kaniya at umalis sa pwesto ko, tinalikuran ko siya.

"Rinig ko-- nanalo lang ang mom mo sa election dahil sa dad mo, kadiri naman! Tinake advantage ang pagiging mayaman para manalo? Eh mas linta pa pala mom mo eh--," hindi na siya natapos dahil sinampal ko siya nang malakas.

"How fucking dare you talk about my mom like that?!"

She grinned. "Why? Did it also pinch your nerves ha, Amaranthe?" sigaw niya habang nakahawak sa namumula niyang pisngi.

Bigla niyang hinablot ang buhok ko kaya nagsimula na naman kami ng gulo. Halos nagsisiksikan na ang mga tao na nakikichismis sa labas pero wala na akong pakialam, hindi ko rin papalampasin ang babaeng 'to.

Agad kaming inawat ng dalawang security. Parehong buhaghag ang buhok. Tiningnan ko lang si Merci na nakangisi sa akin. "It is so fun to live like this Amaranthe, looking forward for more trouble with you ha ha ha!" Napakunot lang ang noo ko sa kaniya.

"Miss Amaranthe Del Fiorre, the CEO of DF Co. commands you to go home," wika ng kakarating na babaeng nakasuot ng formal attire. She's one of the top agent in our company and DF stands for Del Fiorre since lolo's time.

Now, it's over.

SA BAHAY. Sa opisina ni dad.

"Pupunta ka sa Southern Sector ngayon na, it's an order," bungad ni dad sa akin.

"Hindi ka man lang ba makikinig sa side ko?" ako.

"If you'll refuse, hindi ka na makakaapak sa pamamahay na ito kailanman, and you will never be a part of Del Fiorre ever again," pagbabanta niya.

Napaluha nalang ako sa sarili ko pero hindi ko pinahalata, grabe ang sakit, parang may invisible na lubid na nakasakal sa leeg ko ngayon. Mas masakit talaga 'pag narinig mo iyan sa bibig ng ama mo.

So many things that I want to say pero nakasara lang ang bibig ko, hindi maibuka. Nagpupumigil akong umiyak hanggang sa pumasok na ako sa kwarto ko. I clenched my hands. So this is finally happening?

In a few minutes.

Wala akong imik na lumabas ng bahay habang papalapit sa van na sasakyan ko tungong airport.

"Ame, I'm going to miss you!" pahabol na sigaw ni Kuya An mula sa veranda.

Pumasok na ako sa van.

"Ame, magpapakabait ka ni lola ah?!" Kuya An shouted.

Habang umaandar ang van, ang daming lumalabas sa isip ko. This freaking punishment hit me. In the end, kagustuhan pa rin ni dad ang masusunod. I hate living in this kind of hell.

Kuya An texted.

"You should start over there Ame, be good to lola, huwag kang maghanap ng gulo roon, hoping for some good feedbacks later on from them about you, cheer up little sis, hindi pa end of the world."

But even if I want to cut ties in this family, I won't leave. I won't. Instead, I want to prove something. I want to change the system of my family. In the meantime, I have no idea how yet.

END OF PROLOGUE.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top