Chapter 9: For The One I Love


Anastacia's POV



Rowss has been avoiding my texts ever since dumating ako galing Amerika. He must be really angry dahil sinumbatan ko siya tungol sa rumors na mayroon siyang ka relasyon na kaklase niya. Hindi ko lang talaga mailugar ang selos ko kapag si Rowss na ang pag-uusapan. But anyway, sooner or later magiging engaged din kami. Their company won't last long anymore anyway.






Biglang nag-vibrate ang phone ko. It's my mom, she called.





"Mom?"




"Hi sweetie, how are you?"




"I'm okay mom, 'napatawag ka?"






"Are you with Rowss right now?"




"Not yet mom, but pupuntahan ko rin siya ngayon, why?"





"That's good sweetie, keep on tailing him, make him yours, and don't disappoint me."






She hanged up the call.




"Ano sabi ni Tita?" tanong ni Trevie, pinsan ko.




"About Rowss again, wala nalang talaga siyang ibang tatanungin sa akin kundi tungkol lang kay Rowss," ako.




"Tita is really pushing you to this engagement thing no?"





"Yeah, but if it also weren't because of mom, hindi ko sana makikilala si Rowss," tugon ko.




Of course, I will surely make Rowss mine, hindi ko hahayaang may ibang kakapit na babae sa kaniya. Who would dare to challenge the daughter of the Taylors?





"So are you really okay sa plano ni tita? It can destroy Rowss, you know?" Trevie.




"I don't know but I have to."




"I know you love Rowss, Anastacia. But what if mas mangingibabaw ang pagtingin mo sa kaniya?" dugtong niya na ikinatahimik ko. I have to do both. Gagawin ko ang tungkulin ko as Taylor at mapapasaakin si Rowss.




Kinalaunan, pinuntahan ko sa isang bar si Rowss dahil nag-iinom daw siyang mag-isa doon, report pa ng assistant niya.




"Bakit hindi ka nagrereply sa mga texts ko?" Wika ko sa katabi kong si Rowss. He's drinking wine? Parang ang ganda ng araw niya ngayon ah.




"Hi Rowss." Trevie.




Ininom na niya ang panghuling baso ng wine kaya humiling ako sa bartender na bigyan kami ng tatlong baso ng mojito.




"What do you want?" tanong niya.




"I just want to spend time with you Rowss." Inakbayan ko siya habang nakasandal ako sa balikat niya.





Uminom lang kami nang uminom hanggang sa nalasing na si Rowss, nilagyan ko kasi ng strong alcoholic powder ang mojito niya. Kontrolado ko pa ang sarili ko pero itong si Rowss mukhang hindi na niya kaya, nakaubos na kami ng sampung baso tig-iisa kaya sigurado akong wala na siya sa tamang pag-iisip.




"Trevie, umuwi ka na, ako ng bahala kay Rowss dito," tugon ko kay Trevie. Kumindat pa siya sa akin bago umalis.



"Bakitanginitdito?" Rowss.




"Uwi na tayo Rowss, lasing ka na," ako.



"Diakolasing! Mojitolangnamanininomnatin," Rowss.




Pinapatayo ko na siya ngunit hindi na tulin ang paglalakad niya. Pinaakbay ko na siya sa akin at tumawag na ako ng taxi para ihatid siya sa kanila.




"Sinokangmagandangbabaeka?" pagsasalita niya.



Napangiti ako. "Itong magandang babae na ito ang magiging fiancee mo."




"Mayfianceeako?" Nakangising tugon niya.




Sumakay na kami ng taxi, nonstop na nagsasalita si Rowss sa sasakyan hanggang sa makarating na kami sa bahay nila. Mabuti naman tumulong sa akin ang mga kasambahay kaya nakapasok kami agad sa kwarto ni Rowss.



Pinahiga ko na siya.




"Ang cute mo pa rin kahit lasing ka," sabi ko.



Hinubad ko na ang kaniyang mga sapatos pati na rin ang damit niyang pang itaas. Kita ko ngayon ang six packs abs niya. Yummy.





Hinawakan ko ang abs niya sabay titig sa mukha niyang pulang-pula dahil sa alak.





I kissed his lips passionately.




And he kissed back.




Bigla siyang pumatong sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata. Nginitian ko siya habang hinahaplos haplos niya ang aking buhok.




"Rowss, do you love me?" tanong ko sa kaniya.




Ngumiti din siya at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. I can still smell the liquor in his mouth. And it gives me more excitement inside. This is the man who caught my heart for the first time. And that is the reason why I want him so desperately.




"I love you," sambit niya. And he kissed my lips like he really meant what he said.





Pero gumuho ang mundo ko nang may idinugtong siya.




"I love you, Amaranthe."





Bigla siyang nakatulog sa ibabaw ko. He hugged me like a pillow. He hugged me like he never want to lose me. But I was wrong, it wasn't meant for me, habang ginagawa niya sa akin ito, ibang babae pala ang nasa isipan niya.




"Please stay with me forever Amaranthe."




I pushed him away, at bumangon ako. He's now sleeping soundly.




I just couldn't believe that I've been mortified a lot. He should only think of me and no one else!




Damn you Rowss, pinagmukha mo akong tanga. Whoever this Amaranthe is, I will surely find out and I will destroy her. Thank you for giving me an idea Rowss, I finally found out who this President's Girl is.




Lumabas na ako sa mansion ng mga Sanchez, at umuwi. Tinawagan ko si Trevie baka sakaling gising pa ang babaeng 'yon ngayon.




"Hello there! Tapos na ba ang mushi mushi n'yo? How did it go?" Nakangising bungad ni Trevie sa phone.




"Shut up Trev," ako.




"Oh, I think it didn't go well, what happened?"




"It doesn't matter, but I need you to find someone for me," ako.




"Who? Pabugbog ba natin?"




"Mas mabuti kung patayin mo nalang," ako.




"Sino ba iyan, Anastacia?"




"Find out someone na Amaranthe ang pangalan na palaging umaaligid kay Rowss," ako.




"Do you really want me to kill her?"





Natigilan ako. "No, papahirapan ko nalang ang babaeng 'yon, killing her won't satisfy me, she dare mess with the our relationship, tsk."





Nang makarating na ako sa amin, pabalik balik nalang na sumasagi sa isipan ko ang pangalan na binanggit ni Rowss. Sobrang affected ko talaga. But worry not, everything is possible sa mga kamay ko. Kapag magkikita na kami ng babaeng 'yon, isubsob ko talaga siya sa putik kung saan siya nababagay.




"We decided to move your engagement next year," bungad ng kakapasok na si Rosalia, ang nakakatanda kong kapatid.




"Next year pa?" Ako.




"We can't do the arrange marriage kapag wala sina mom at dad, kakaalis lang din nila kanina papuntang Canada," ate.




"No, bakit ganoon pa katagal?" ako.



"Natatakot ka ba na baka maagaw sa iba si Rowss?" Nag-cross arm siya sa harap ko. "Don't worry, tayo lang din naman ang mahihingan ng tulong ng mga Sanchez balang araw, for now naghahanap pa sila ng makakatulong sa kanila sa pag-iwas ng bankruptcy ng kanilang kompanya, pero darating din ang araw na luluhod sila sa harapan natin, and Twistolar will never be a threat to Crystal Corp anymore."





"A threat? Tell me Rosalia, bakit nagiging threat ang Twistolar sa atin?" Tanong ko.




"Last year's ranking was a bit disappointment, number one ang DF, at pangalawa tayo, kasunod naman sa atin ang Twistolar with only a little difference sa atin, you think hahayaan kong may makakalamang sa atin? No, I will do whatever it takes to become the best and it is our duty to do that as Taylor's daughters," explain pa ni ate.




"What? Ano bang pinaplano mo Rosalia? Ayaw kong madamay si Rowss dito, ayaw kong masaktan siya," ako.





"Mas ayaw kong makita kang nahihirapan, what I do is only for your sake Anastacia, magtiwala ka lang sa akin at huwag kang gagawa ng kahibangan," Ate.




"O-of course."




"And trust me, lahat ng nararamdaman mo kay Rowss ngayon, magbabago iyan pagdating ng panahon, you're a Taylor," huling sambit niya bago lumabas.




END OF CHAPTER 9.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top