Chapter 8: Brother's Conflict
Alkerson's POV
AT NORTHERN SECTOR, DF Company.
In the middle of a busy day pinatawag ako ni dad sa kaniyang opisina.
"Dad," bungad ko saka umupo sa sofa sa harapan niya.
Sinenyasan niya ang isa naming empleyado na nagdala ng tablet. "Alice, tell me the summary of report between Alkerson and Anarson," utos ni dad sa kaniya. Tumaas naman ang alimpatakan ko sa kung ano na naman ang sasabihin ni dad sa akin.
"Yes sir, as of now 31.5% of the company's shares sided with Mr. Alkerson while Mr. Anarson has 31.3%, if Mr. Anarson will get more shareholders this year, maaari pong mahigitan niya si Mr. Alkerson," report pa ni Alice.
"What the hell are you doing Alkerson! How could you let this happen?!" sigaw ni dad sa akin.
"D-Dad, what's the meaning of this?" tugon ko.
"I raised you to be a competent person, I am expecting more of you, this is just a warning Alkerson, if you can't make a 40% share before the succession, I will be very disappointed," tugon ni dad.
40%? In a year? Nahirapan nga akong makaabot ng 30% sa limang taon lang. Dad's really giving me pressure this time.
"Ayokong mapunta ni Anarson ang kompanya, at alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin," dagdag niya.
"Yes dad," ako.
Lumabas na ako ng opisina habang napaisip, last time I checked, 25% pa lang ang nabuong shares ni Anarson, how did he increase it so quickly? Anong binabalak mo Anarson?
Pumunta ako sa opisina ni Mr. Sua.
"Mr. Sua, locate where Anarson is right now," utos ko.
"Mr. Alkerson, nasa Southern po ang kapatid niyo, kasama niya ngayon si Miss Amaranthe," report niya.
Napasuntok ako sa mesa. "Anarson, gusto mo talaga akong kalabanin."
Amaranthe's POV
"So what are you saying is?" diretsahang tanong ko kay Kuya An.
"Invest in my place, mayroon ka namang 28% shares ng company hindi ba? If I can convince more bigger companies to invest edi mas madali natin makuha ang kompanya mula kay Alkerson," tugon niya.
"That 28% didn't just come out of the blue Kuya An, nag-effort din ako nun no? You know how strict dad is, all of us were taught to be business minded. So I just can't waste my money in any way. Lalo na't nasa bingit ng kamatayan ang bulsa ko."
"We all want the same thing, Ame," kombinse niya talaga sa akin.
"If magpapakabait ka sa akin Kuya, I'll give you 5% of my shares," tugon ko din.
"Really?" Abot tenga ang ngiti niya.
"Kung iisipin ko, 5% is already too much no, that's more than half a billion bro," dagdag ko.
"I know but let's just save it for later, I mean you don't need to invest right away, I'm sure gagawa na rin ng paraan si Alkerson para hindi siya mahigitan," Kuya.
Naging tahimik sandali sa pagitan namin ni Anarson kaya na distract kami sa nagcecelebrate ng birthday sa di kalayuan namin. It's so awkward kasi sa kabila ay puno ng saya ang bahid ng mukha ng magpamilya samantalang sa amin ni Anarson ay kabaliktaran at halos masasamang binabalak ang nasa utak namin laban sa aming sariling pamilya.
"Bakit ayaw mo mapunta kay Alkerson ang kompanya Kuya An?" ako.
"Dahil may balak siyang makipag-ugnayan sa mga Taylor, walang niisa sa pamilya natin na naniniwalang may masamang binabalak ang mga Taylor sa atin," tugon niya.
Napakunot ang noo ko. "Huh? Taylor?"
"Taylor family ang may-ari ng Crystal Corp. pangalawang pinakamayaman sa bansa, and fortunately, I found out their motive. May balak silang angkinin ang kompanya natin sa pamamagitan ng pagmamanipulate sa ating tatlo, ang goal ngayon ng Crystal Corp. ay magiging number one sa lahat ng mga kompanya sa bansa," explain niya.
Natigilan ako sa narinig ko. Parang piniga ang puso ko nang marinig iyon, pati ako ayokong may makakahigit sa DF Co. dahil pinaghirapan ito ni lolo dati.
"You should understand na masakit sa akin nang malaman ko ang impormasyon na iyon, masasayang lang ang pinaghirapan ni lolo kapag ganoon. Alam kong matalino si Alkerson pero ginagamit kasi niya ang katalinuhan niya sa pinakabobong paraan," Kuya.
"I know," ako. So the Crystal Corp. are planning to merge with our company using Kuya Al. Kapal naman ng mukha ng pamilyang 'yon. Siyempre hindi rin ako papayag.
"And I will do everything that I can para hindi magwawagi si Alkerson sa pagkuha ng kompanya," dagdag niya.
Hindi ko inaasahan na mag-iiba ang ihip ng hangin pagkatapos ng isang taon, change of plan na ako.
"Affected much talaga Kuya An? Oh well, it's pretty normal since kayo ang mas close ni lolo kompara ni Alkerson, hindi ba?" ako.
There's only one explanation to that, once magwawagi si Alkerson ay mas magkakaroon ng chansa na makaapak sa poder namin ang mga Taylor, at kapag mangyari iyon, DF Co. will surely cease to exist.
"By the way, kamusta ka nga pala rito Ame? Bakit parang nag-iba yata ang sense of style mo?" sabay tingin sa kasuotan ko.
Napatingin ako sa sarili ko. "Ever since nagsimula akong manirahan dito, binago ko rin ang estilo ko sa sarili ko, alam mo naman siguro na nirerespeto ko talaga si lola kaya pinaka-ayaw kong mapunta talaga rito sa South baka may magawa akong bagay na ikakasama ng kalooban niya, it sucks but I don't have a choice."
"Sus, I've been with lola more than you dummy, okay lang ni lola na maging spoiled ka uy, siguro hindi mo na maalala pero pinakapaborito ka kaya ni lola dati, just live your life the way you want it Ame, wala ng hahadlang sa'yo rito," Kuya.
"Kuya, para namang sinasabi mo na ayaw mo na akong papabalikin sa North," ako.
"Hindi, what I'm saying is that just be you again in here, you're the only daughter of DF Family kaya dapat maging proud ka dun, and if ako na ang magiging CEO ng DF Co. you'll surely have the freedom you deserve in both North and South."
Napangiti naman ako sa kaniya. "Pag-iisipan ko ang sinabi mo," tawa kong tugon.
"So are still doing your own business here in South?" Ang tinutukoy niya ay literal business na ginagawa ko in the past years. It's like a branch of DF Co. pero light business lang.
"No, nag-chillax lang muna ako rito sa South, nag-aral ako ulit and I'm planning to continue it once gagraduate na ako."
"Good. Anyway I gotta go, may ka meet up din kasi ako sa mga oras na ito Ame." Tumayo na siya at akmang lumabas.
"Kuya An!" Tawag ko.
Lumingon siya. "Hmm?"
"Thank you," ako.
He gazed at me. "You've really changed Ame, marunong ka ng mag thank you." Tapos ngumiti siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Napatulala ako ng ilang minuto sa loob habang pinagmasdan ang mga nagsidaanang mga sasakyan sa labas. Hindi ko lang inaasahan na magiging ganito ang balita na darating sa akin pagkatapos ng isang taon.
Alas singko pa sa hapon kaya naisipan kong maglakad-lakad nalang muna para makapag-isip isip, hindi ko pa kasi naaabsorb lahat.
Hindi ko namalayan na may nabangga na akong babae sa kalutangan ko. Tiningnan ko siya pero tinarayan niya lang ako.
"You bumped into me, apologize," taray niya.
Sobrang kikay ng suot niya at narecognize ko ang damit niya na original branded sa isang sikat na designer. She must be rich, but so what?
"Kinakausap kita!" sigaw niya.
"Come on Trevie, hindi naman ganoon ka lakas ang pagbangga niya sa'yo, it's just a waste of time," sabi naman ng kasama niya sa kaniya sabay hila.
"You're right Anastacia, she's obviously deaf, tara na nga," tugon niya.
Sobrang lutang lang ng isip ko ngayon. I don't know what to think kasi. But deep in my heart, I'm so bothered sa nabalitaan ko na magdidivorce sina mom at dad.
Nalilito na ako kung ano ang dapat kong gawin. Parang lahat ng plano ko ay napunta sa wala. Everything turned out the way I didn't expect.
END OF CHAPTER 8.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top