Chapter 7: Brother's Plan
Amaranthe's POV
KINABUKASAN, sa school.
"Babe, may I talk to you for a sec?!" sigaw ng habol nang habol sa akin na si Rowss, kanina pa siya nangungulit na makipag-usap sa akin pero hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Is this because of last night?"
Sinabi niya 'yon na may mga estudyanteng nakarinig sa kaniya.
Huminto ako. I scoffs. "You really have the guts to utter about last night, and you know what Rowss I don't care, just get the hell away from me."
Nagchichismisan na naman ang mga babae sa paligid namin.
"OMG. Is Rowss being dumped by that girl?"
"Yeah, who does she think she is."
"That ambitious bitch."
Sinadya pa talaga nilang lakasan ang boses nila no?
Huminto ulit ako. "And who do you think you are? Who gave you the permission to eavesdrop and butt in?" I gave the chismosas a death glare. Mainit ang ulo ko ngayon kaya wala ako sa mood na makipagplastikan sa mga kulang sa pansin.
"Just leave them okay? Let's settle this in private," singit ni Rowss at hinatak nya ako palayo.
"What the hell is wrong with you? I said stay away from me!"
"Tinotoyo ka lang babe, let's get something to eat first," tugon niya.
Bumitaw ako sa kaniya. "I am not like any other girls out there, kapag mainit ang ulo ko mainit talaga ang ulo ko."
Biglang may humarang na isang prof sa aming dalawa. I've never seen him before pero mukhang kilala niya si Rowss.
"Mr. Sanchez I already got the approval, let's go to my office," ani niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala kung saan sila patungo. The professor looked at me confusely na parang tinatanong ako kung bakit ako nakasunod sa kanila.
"She's fine Mr. Carter, baka kung saan na naman 'to magsusutsot kaya pasamahin nalang natin," wika ni Rowss.
AT HIS OFFICE.
"Mr. Feliz made an agreement--," prof.
Mr. Feliz? Pangalan yun ng may-ari ng South Board University ah.
"--na we can shorten your course years as you requested, you will no longer handling minor subjects and will only deal with major courses in half a day, over all dalawang taon nalang ang tatahakin mo and you will get your degree after that," explain ng prof.
Rowss is planning on shortening his college years? What for?
"And the price?" Rowss asked.
"That would be half a million, everything will be taken care of by the school including confidentiality," tugon ng prof.
"Can I trust the confidentiality agreement?" Rowss.
"Yes of course Mr. Sanchez," prof.
Lumabas na kami ng opisina, at naging curious na ako sa nangyari. I underestimated Rowss, but he's not who I think he is, he is planning something. But what for?
Sabay kaming naglalakad sa hallway dalawa pero huminto ako at tiningnan siya. "Rowss, of all the girls in South Board University, why did you come to me?" tanong ko.
"Is that a tricky question babe? Of course dahil iba ka sa kanila," tugon niya.
"And you have no idea who I am, and I don't know you either, what makes you think I can be trusted?" dagdag ko.
"I don't know, I just like you for no reason, --hmm isipin mo nalang na crush kita at gusto kita kasama palagi, hehe," tugon niya ulit at naglakad.
I get it now, he's using me for some reason. But I doubt na may alam siya tungkol sa katauhan ko.
KINAHAPUNAN.
Biglang may humarang sa daraanan ko sa labas ng school, mga grupo ng estudyante. They're like a gang, ano namang kailangan nila sa akin?
"Yes, that's her! Siya ang gumawa sa akin nito," wika ng babaeng may pasa sa mukha. Naalala ko, siya yung binugbog ko kagabi, hindi ko alam na ganiyan pala ka lala ang nagawa ko sa kaniya. She deserve it though.
"Ginawa mo ba ito sa girlfriend ko ha?" Sigaw ng leader leader na lalaki ng grupo.
"What the heck is this? Back up dahil wala kang kalabanlaban sa akin?" sagot ko sa babae. Nag-cross arm ako at tinarayan ko silang lahat.
"Tingnan mo? Nagmamatapang-tapangan pa!" react ng babae.
"Tumahimik ka! Kung gusto mo pang mabuhay," sigaw na naman ng lalaki sa akin.
"Boy, it's not my fault kung nangyari iyan sa jowa mo dahil sa kalandian niya no? She deserve it. Kung tutuusin, you should thank me," tugon ko.
"Anong kalandian?" Tumingin ang lalaki sa girlfriend niya.
"You fucking liar!!" Sasabunutan na niya sana ako.
"See? She's guilty, kaya be thankful nalang na ako ang gumawa niyan in your place," ako.
"Ano ba baby? She did this to me, bugbugin niyo na siya!" Utos ng babae sa jowa niya.
"Ugh, ansakit sa mata ninyo--," ako.
Biglang may humarang sa harapan ko na anim na mga manong na nakasuot ng itim na suit at may earpiece din sa kanilang tenga. Nakaharap sila ngayon sa gang.
"Protect Miss Amaranthe," wika ng isa sa mga lalaking nakasuit.
At nagsi-atake sila sa mga gangster. Is this what I think it is? Of course sino ba namang mayroong ganitong bodyguards, edi ang kuya ko na si Anarson.
"Hello Little sister, long time no see!" bungad ng kakarating kong Kuya na nakasuot ng puting suit.
"How did you even find me he--- ah Mr. Sua told you," react ko.
He opened his arms. "I miss ya Ame, let's have some coffee," sabi niya.
KINALAUNAN. Sa isang coffee shop malapit sa university.
"Why did you come here Kuya An?" tanong ko.
"Ikaw naman, isang taon tayong hindi nagkita tapos ganiyan lang sasabihin mo sa akin, wala bang ibang tanong like Kuya may girlfriend ka na ba? " nag puppy eyes pa siya. Palagi lang siyang nakangiti gaya ng kuya na kilala ko dati. He didn't change.
"How's home?" Iniba ko ang tanong ko while sipping some brewed coffee.
"Good question! Over all, it's quite gloomy in there, parang St. Peter talaga dahil wala ng nagpapahighblood ni dad, and your other brother, Alkerson almost got everything he wanted, and mom is also doing fine except for she's planning to divorce dad kapag matapos na ang termino niya sa pagiging presidente," tugon niya.
Nahulog ang kutsara ko. "What? What did you say?" Nanlaki ang mga mata ko.
He laughed. "Our dad made an affair. But since magaling ang security natin, walang niisang lumabas na kontrobersiya tungkol doon."
"That bastard!" react ko habang kinukuyom ang tinidor sa kaliwang kamay ko hanggang sa malupi ito.
"Ikaw lang ang makakapabalik sa pamilya natin Ame, everything turned upside down since you left, and now they are planning to give the succession to Alkerson," dagdag niya.
"And you don't want that?" ako.
"I want the company Ame," diretsahang sagot niya.
"Of course you're also an heir, pero kakalabanin mo talaga si Alkerson dito? You're not just dealing with him but also with dad you know," tugon ko.
"I know, I should be the CEO since I am the oldest, that's why I'm here to convince you, that would be 2 vs. 1, help me get the position, and once magiging CEO na ako, I will definitely give you your freedom."
END OF CHAPTER 7.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top