Chapter 6: The Gratitude
Amaranthe's POV
ONE YEAR AGO at Northern Sector.
"Yeah Party!"
Pasado alas otso na ng gabi ngunit kakarating ko lang sa bar kung saan inimbitahan ako ng isang kaibigan ko para maki-celebrate sa kaniyang pagbabalik.
"Amaranthe, it's so good to see you again," sabi pa ni Yasumine.
"Likewise Yas, do I have to miss this important event where I got to see my truest friend again? I don't think so," I smiled and danced the night as the music felt so good to move every inch of my body.
"You haven't changed a bit after two years Ame," Yas smiled back.
[Disco music on]
"Ame, look who's here," bulong ni Yas sa akin sabay bigay ng tequila.
Napalingon ako sa entrance kung saan pinagtitinginan din ng ibang tao. "Oh great nandito rin si Nathshel," I said. Nathshel smiled at me while making his grand entrance.
"He said he missed you," dagdag ni Yas.
Ngumiti ako nang konti kay Yas ta's nagpatuloy sa pag-inom. Oh, I'm used to it. The guy that everyone wants, want me, isn't that funny? HAHA.
"Hi precious, how are you?" bungad ni Nath sa akin. He enclosed my body with his arms and tried to kiss me but I stopped him.
"I'm doing good Nath, how are you?" I answered back.
"I wasn't quite fine dahil hindi kita nakita ng ilang taon," tugon niya.
THREE HOURS LATER.
Nagtipon-tipon na kaming magkakasama sa isang table while ang ibang kasamahan namin ay may ka pair sa kahalikan. Ito namang si Nathshel palaging nangungulit sa akin.
"Just let me kiss you," bulong niya. He's already drunk kaya kondisyon siya ngayon sa pagiging malandi.
Pero hinarangan ko ang lips niya sabay iling. Wala pang niisang lalaking nakakuha ng halik sa akin. Like ever.
"It's been two years guys, na miss ko kayong lahat, but Kuya Nath and I will go back to Japan after a week, so let's enjoy the night. Sana nga sa susunod naming pagbabalik dito ay mga CEOs na kayo," wika ni Yasumine sabay toast.
Pero tumingin siya sa akin, "Oh I forgot, Ame is an exception, si Kuya Alkerson ang next in line ng DF Co. hindi ba? Well I guess, sasabihin ko nalang na sana sa susunod naming pagbabalik dito ay may asawa ka na Ame," tawang pang aasar ni Yas.
Tumawa na rin ang iba naming mga kasama.
"I hope not little sister, dahil ako dapat ang magiging asawa ni Amaranthe," tawa ding singit ni Nathshel.
"That's too bad for your sake Amaranthe, I guess ikakapit ka lang din ng Family mo sa ibang rich families for business, dahil hindi ka magiging CEO ay ipapakasal ka nalang sa isang CEO," wika naman ng isa naming kasama.
Napatawa lang ako, "kung hindi ako magiging tagapamumuno ng kompanya namin it's hella fine, but I will never let myself become a bait of my family's desire to be connected to anyone's company."
"You're so bad Amaranthe."
PRESENT DAY at Southern Sector.
Binuhat na ni Rowss ang nakatulog na si Stephanie. Kakarating lang kasi namin sa subdivision.
"Babaeng 'to talaga, sobrang lasing para gisingin," wika ko.
"It's fine babe, magaan lang naman si Stephanie," tugon ni Rowss.
It's already 9 PM kaya for sure dumating na si Tito David. Kumatok na ako sa bahay nila at tamang-tama naman ang pagbukas ni tito.
"Dadalhin nalang namin si Steph sa kwarto niya tito, nakatulog kasi siya," ani ko.
Nagulat si tito. "Is she drunk? Saan kayo galing Ame?"
"A-ah, may party kasi ang kaibigan ni Steph kaya medyo nakicelebrate kami," ako.
"Good evening sir, ako po si Rowss kaibigan ako ni Stephanie," bungad ni Rowss.
"S-sige dalhin n'yo nalang si Steph sa kwarto niya, hindi naman 'ata iyon naka-lock," tito.
Pumasok na kami sa kwarto ni Stephanie at pinahiga siya. Nang binuksan namin ang ilaw ng lampshade ay doon lang din namin namalayan na may luha na sa mga mata niya.
"Poor thing, she's badly hurt inside," wika ni Rowss.
"She's really pitiful, alam kong alam niya na wala talagang gusto sa kaniya si loverboy pero pinipilit pa rin niya ang sarili niya," ani ko.
"That's love, everyone wants to risk to gain something, either happiness or hurt or perhaps both, but regardless of which, there will always be a lesson to learn from it," Rowss.
In this moment, namangha ako sa lalaking ito, kahit na napahiya na kami kanina hindi niya pa rin kami tinalikuran despite of risking his reputation and career.
"The only thing na poproblemahin nalang ngayon ay ang mga nakuhang videos ng mga tao, baka kalat na kalat na 'yon ngayon sa social media," dagdag niya.
Bigla niya akong tinitigan. I looked at him. "Ano?"
"Nothing," sagot niya. He smiled.
"Ano gusto niyo? Sandwich? Juice?" biglang tanong ng kakapasok na si Tito David.
"Huwag na po tito, it's getting late na rin, papauwi na rin si Rowss, hindi ba?" Tinaasan ko ng kilay si Rowss para sumabay sa sinabi ko.
"Opo, I have to get going na po, malalim na rin ang gabi," dugtong niya. Sinabayan ko na siya sa labas ng gate.
"I hope you'll have a good night babe," ani niya pagkatapos buksan ang pinto ng sasakyan niya.
Nagpupumigil ako sa sarili ko dahil gusto ko talaga siyang pasalamatan pero naalala ko na mataas ang pride ko. So I just remained standing, watching him, and thanking him in my mind with a poker face. Siya na bahala magdecipher ng girl code ko.
"Thank you Rowss," but I said it anyway.
Huminto siya at tumingin sa akin. "Do you really mean it?"
"O-of course," ako.
"As a welcome, may ibibigay ako sa iyo, tatanggapin mo ba?" tugon niya.
Napakunot ang noo ko.
May kinukuha siya sa kaniyang bulsa habang papalapit sa akin, at nacurious naman ako kung anong bagay iyon.
And when he lift his hand, bigla niya itong ibinaling sa may jawline ko and lifted my head up. The next thing I knew is that he is kissing me in my lips. Talagang nagulat ako.
"What the heck are you doing?!" react ko. Sasapakin ko na sana siya pero ang bilis niyang naka-atras.
"Good night babe, see you tomorrow," pahabol niyang sabi at dali-daling pumasok sa kaniyang sasakyan while giving me a charming smile.
I just couldn't believe that he got my guard down. That was really a brilliant trick, gago 'yon ah, pinagsamantalahan niya ang kabaitan ko sa kaniya? Now he got my first kiss. Hayop.
Pumunta na ako sa kwarto ko at ngayon ko lang din napansin na kanina pa nakavibrate ang phone ko. Si Mr. Sua pala tumawag.
"Hello."
"Good evening miss, everything has been taken care of, all the videos are now deleted," wika ni niya.
Napabuntong-hininga ako. "Mabuti naman Mr. Sua, keep up the good work," sagot ko. And then I realized na hanggang dito ay monitored pa rin pala ako.
"May sasabihin nga pala ako miss," Mr. Sua.
"Yes, ano 'yon?" ako.
"Your brother took a flight to Southern Sector earlier," tugon niya.
"H--ha? Which brother?" ako.
"Si Mr. Anarson."
Pumunta siya rito? Pero bakit naman?
END OF CHAPTER 6.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top