Chapter 53: Del Fiorre


Amaranthe's POV


Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Bahid pa rin ng pagkakagulat ang reaksyon ni dad nang ipinagtanggol ako ni lola sa bingit ng pagkakabigo. Wala naman talaga sana akong balak na angkinin ang kompanya dahil sa tingin ko ay isa lang itong mundo na magbibigay ng mapait na direksiyon ng buhay ko.






"Ladies and Gentlemen, the new CEO of DF Company is Ms. Amaranthe Del Fiorre."





Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa harapan ng bisita, katabi ni lola. I--I got it, I got it lolo, Anarson, and to everyone who's rooting for me to be in this place. Malaking pasasalamat ko sa mga taong tumulong na hindi ko inaasahan. Lalo na si Rowss.






"Kung kagustuhan ng Chairwoman, edi boto rin kami doon," sigaw naman ng isang bisita na may-ari rin ng isang international company.





She is indeed a very well-respected in the company and to our shareholders. It's been eight years since she appeared in front of our people in DF Co.






"I'm glad na naisipan mong palitan ang pwesto ni Anarson, Ame. You have just to say yes in this position and it will be yours," bulong ni lola. Bigla akong kinilabutan, wala kasing niisang tao ang nagsabi na sa akin pala ibinigay ni lolo ang kompanya.






Kinalaunan, nagsilabasan na ang mga bisita pagkatapos nilang makipagkamay sa akin bilang pagbati.






"Congratulations Ms. Del Fiorre, looking forward to be partners in business with you," bati ng isang german na may-ari ng pinakamalaking kompanya roon. Ngumiti ako at nagpasalamat, ganoon din sa ibang mga bisita.





"Wimon, may I talk to you for a sec?" request ni lola kay dad.






Nang lumabas na ako ng room ay nakasalubong ko si Alkerson sa hallway, napahinto ako sa harapan niya kaya huminto rin siya at tiningnan ako, ang tingin niya ngayon ay walang bahid ng galit o selos, sa halip ay tingin na para pang nagagalak sa resulta. Bigla siyang ngumiti at tinapik ang kanang balikat ko sa kaniyang kaliwang kamay.





I was expecting na magagalit siya sa akin.






What's that supposed to mean?





"Alkerson, you--," wika ko.






Pero hindi siya lumingon pabalik at nagpatuloy lang sa paglalakad habang nakapamulsa.





"Miss Amaranthe, may I escort you to your office?" bungad ni Mr. Sua sa akin. Tumango lang ako at sumunod sa kaniya. I am the CEO now and I have to be responsible for everything from now on.






Bigla kaming huminto sa opisina na matagal nang hindi ginagamit ng pamilya namin, ang opisina ni lolo, ang dating Chairman ng DF Co. Nang nakapasok na ako ay napakalinis ng paligid tapos may pangalan ko na nakalagay sa mesa. The room was painted white and everything looks aesthetic just like my style.






Agad akong lumingon kay Mr. Sua. "Pero bakit nakahanda na ito lahat?"





Tumawa saglit si Mr. Sua. "Dahil alam naman namin na mananalo ka Miss, that is why your dad led you to South to keep away from the company's succession day."





"A--ano?" Ako.






"The Chairwoman asked me not to say anything about this or even give you a hint Miss, gusto niya na ikaw mismo ang magpapapukaw sa sarili mo na angkinin ang kompanya nang buong-buo," Mr. Sua.






Napahawak ako sa sofa. "S--so t--the issue about the rest house was fake?"






"No miss, totoo iyon, ibinenta talaga ng dad mo ang inyong rest house sa Canadian company para mag-invest sa bahagi ni Alkerson," tugon niya.






"But why would a famous international company wants to buy our rest house? Marami namang rest house sa buong mundo?" tanong ko.






"Dahil may kayamanan sa rest house na itinayo ng lolo mo para sa iyo, hindi ito alam ng dad mo, ang nakakaalam lang nito ay ako, ang lolo't lola mo, at ang tiyuhin Leone mo," paliwanag niya.






"Shet. Talaga? Anong kayamanan?" curious na tanong ko.






"Diamonds that roughly costs around 500 billion dollars," Mr. Sua.






Nalaglag ang panga ko roon. Shutang-ina, muntik na pala namin ma-bye-bye-thank-you ang kayamanan ni lolo.






"Amaranthe," tawag ni lola sa akin na nakatayo sa labas ng pintuan.






"Lola!" agad ko siyang niyakap. "Lola mabuti naman at okay na po kayo!" dagdag ko.






"Syempre naman," lola.






"Mabuti naman dumating kayo," tugon ko.






"So anong unang plano mo, CEO Amaranthe Del Fiorre?" pang-aasar pa ni lola.






"Wala pa akong plano eh, it all happened so fast. I already told you na ayaw kong pamunuan ang kompanya, but since lolo gave it to me and as well as the rest house ay tatanggapin ko," pagtatapat ko.






"Take your time, don't pressure yourself," lola. Tinapik niya ang balikat ko at niyakap ako.






Kinabukasan, naisipan kong bisitahin si Anarson para sabihin sa kaniya ang balita. Pero may sinabi rin siya sa akin na hindi ko inaasahan. Ang tungkol kay Alkerson.






"Yesterday, after you visited me, bumisita rin si Alkerson," wika ni Anarson.






"Alkerson? Pero bakit?" Ako.






"He told me everything," tugon niya.






"Anong sinabi niya sa'yo?" Ako.






"Sinabi niya na hindi niya kagustuhan lahat ng nangyari sa pamilya natin. Kinunan siya ng kalayaan ni dad just like how he also took your freedom away from you. He was crying in front of me, begging, that we would switch places, mas mabuti na rawng siya ang makulong dito kaysa makulong sa kamay ni dad. He didn't want to become a CEO from the beginning. He just want to live a normal life just like I did. Noong una, sumang-ayon siya para sa kapakanan ng kompanya kahit na labag ito sa kalooban niya, not until everything got out of hand. I think he was threatened by dad. Sinabi niya na pinagsisisihan niyang ipamalas ang katalinuhan niya kay dad. Lahat ng pananakit niya ay nararamdaman ko, magkakambal kami pero mas nahihirapan siya, mas nasasaktan siya, kahit na ipinakita niyang kaya niya sa harap ng maraming tao, nararamdaman ko ang pagkakadurog ng puso niya nung umiyak siya sa harapan ko," Anarson.






Biglang tumulo ang luha ko.






"That night when you got drunk at a club, Alkerson called me to get you, 'cause he said he's too drunk to drive you off by himself baka raw madisgrasya pa kayo, but when I got there he already left," Anarson.






Biglang may nagflash na alaala sa isipan ko.






"Teyka may naalala ako, akala ko panaginip lang iyon pero narinig kong may sinabi sa akin si Alkerson sa club," sapaw ko naman.






"I still wish Anarson will win this competition Ame, because I am tired of competing with my siblings, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, being a CEO was never part on my plan, hinihiling ko na sana hindi nalang ako ipinanganak sa pamilyang ito," Lasing na Alkerson.






"He looks tough on the outside but he's already ripped inside," Anarson.






Poor thing. See? Selfish nga talaga ako dati, hindi ko inisip na hindi lang pala ako ang nahihirapan sa aming magkakapatid. We all have our own stories. We felt the same pain but the difference was that boys knows how to hide their feelings than girls.





ONE YEAR LATER...






"Ame, balik ka na rito sa South please miss ka na namin," Stephanie.





Tumawa lang ako.






"Breaking news, DF Company has now reached the top ten outstanding companies worldwide.."






"Good morning ma'am."






"Good morning ma'am."






Tumango lang ako sa mga nadadaanan kong empleyado sa kompanya namin. It's been a year since I claimed myself as the CEO, and it really went pretty well amazing.






"What're my schedules today Linkie?" tanong ko sa bago kong secretary. Well, Mr. Sua is still around but I decided to make him a full time head security para mabawasbawasan ang trabaho niya.






"Um, ito po miss Ame, 8:15 AM convention hall speech, 9:45 AM Charity Speech, 1:00 PM Meet with Mr. Gordon of XeC Company, 2:30 PM meeting with the board members, 3:00 PM Meet with--," Linkie.





"Stop!" sabi ko.





"M--Miss?" Linkie.






"Cancel mo lahat ng sched today sabihin mo emergency lang it's personal, let the vice president take care of it tomorrow," utos ko sa kaniya.






"Y--Yes ma'am, pero bakit po?" Linkie.







"Because I am going to South," winks at her.






END OF CHAPTER 53.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top