Chapter 51: Unsure


Amaranthe's POV





GINAWA ko na ang makakaya ko para makapagrecruit ng bagong shareholders in just a short period of time. Ang magagawa ko nalang ngayon ay umasa na gagana ang plano ko. Hindi ako sigurado na mananalo ako pero gagawin ko pa rin ang makakaya ko para sa kapakanan ng bagay na pinaghirapan nina lolo.





SA ARAW NG SUCCESSION.





Bago pa ako nagpunta sa kompanya ay may dinaanan muna akong dalawang lugar. Una ay sa kulungan ni Anarson para makausap ko siya.





"Ame, you don't have to do this if hindi mo kaya, alam mo ba kung anong mangyayari once matalo ka sa bet na ito? Babawiin sa iyo ang shares mo at kaunti nalang ang matitira," pag-aalalang tugon ni Anarson.





Tiningnan ko lang siya na may kaunting pag-aalala, gusto kong sabihin sa kaniya na nababaliw na ako kakaisip kung paano ko masosolusyunan ito at kung paano namin maprotektahan ang kompanya pero ayaw kong iisipin niya na sasabak ako sa gyera na walang bala. Alam kong nag-aalala siya sa akin kaya hindi ko ipapamukha sa kaniya na tama siya.





"Magtiwala ka lang Kuya An... Ako si Amaranthe Del Fiorre... walang bagay ang hindi ko nakukuha, remember?" I encouraged him.





"Ame, have you ever heard the story of why dad is so eager on making Alkerson the next heir of the company?" Anarson.






"Well, that's because he didn't trust us in leading the company in our own hands, because for him we were just a total jackass with no future," diretsahang tugon ko.






"Slightly true, but the on point reason really was because he made Alkerson as his puppet, he still wants to get a hold of the company," Anarson.





"What? That doesn't make any sense. Hindi pa ba siya kontento na ulo hanggang paa na niyang inaako ang kompanya for the last 30 years?" inis na sagot ko.






"Lolo said this to me eight years ago. Noon, inagaw ni dad ang kompanya mula sa tiyuhin natin, his own brother, si Leone Del Fiorre. Just like us, they also fought over the throne. Hindi nila kinilala ang isa't-isa bilang magkakapatid, sa halip ay karibal. Being rich is really frustrating right? Greed consumes you," paliwanag niya.






Tumahimik lang ako. Papaiyak. Thinking what if I'll never get to win this thing?





"Sige na Kuya An, alis na ako ah, baka ma late ako sa succession time," pamamaalam ko sa kaniya at ngumiti sa kaniya.





Pangalawang dinaanan ko ay ang Colay's Restaurant. Naabutan kong nag-uusap sina Nathshel, Yasumine, at si Kade. Binigyan ko lang sila ng malaking ngiti, ngiti na parang walang mabigat na nararamdaman.





"Hi Ame, we heard about Anarson, how is he?" bungad ni Yasumine.





"O--Okay --lang??" napataas ko ang tono ko na parang sila pa ang tinatanong ko.





"May kailangan ka ba Amaranthe? Baka may maitutulong kami?" tanong ni Kade.





"Um-- Nathshel, can you transfer my 5% to my account again before this afternoon? It will really help me a lot," sabi ko.





"Ngayon ba ang succession day niyo?" tanong ni Yasumine.





"O-Oo, kami ni Alkerson ang maglalaban sa posisyon," malungkot na pananalita ko.





Biglang hinawakan ni Yasumine ang magkabilang balikat ko. "Talaga?!"






"Edi mas mabuti iyon," dagdag ni Nathshel.





"Oh c'mon Ame, don't tell me nakalimutan mo rin ang kasunduan natin dati. Diba sinabi ko sa'yo na kapag ikaw ang kukuha sa trono ng DF ay tutulungan kita? DON'T FORGET THAT YOU STILL HAVE FRIENDS. Cheer up! Kaya pala moody ka ngayon, I promise we will invest in your place, but since hindi naman kami ganoon kayaman tulad mo so maliliit lang na porsyento ang madagdag sa account mo," pangungumbinsi ni Yasumine. Ngumiti naman sina Nathshel at Kade.





Dahil sa pagcheer up ni Yasumine sa akin, dumating na ako sa conference room ng kompanya namin na may bahid ng ngiti ang mukha. Tama, hindi pa naman katapusan ng mundo, naniniwala pa rin ako sa milagro.





KINALAUNAN, SA VENUE NG SUCCESSION.
Mas nauna akong dumating kaysa ni Alkerson, umupo na ako sa pwesto na inihanda para sa akin, at sa kabila naman ay ang pwesto ni Alkerson. Isang malapad na conference table ang nasa gitna ng room at marami itong mga upuan para sa mga dadalo na shareholders.





"Miss Amaranthe," pinukaw ni Mr. Sua ang sarili ko nang tinapik niya ang balikat ko. Nawala ako sa sarili ng ilang minuto at doon ko namalayan na marami ng tao sa loob ng room at kakarating lang din nina Dad at Alkerson.





Nasa harapan kami ng mga dumalo, magkatabi sina Dad at Alkerson samantalang magkatabi naman kami ni Mr. Sua. Kung hindi pa lang nakulong si Anarson, siya dapat ang nakaupo sa pwesto ko at ako ang nasa pwesto ni Mr. Sua.





"Good luck miss," cheer ni Mr. Sua.





Ngumiti lang ako. "Maraming salamat sa pagtabi sa akin Mr. Sua."






KINALAUNAN.






"Magsisimula na po ang gathering of data sa company's shares ng dalawang anak ni Chairman Wimon Del Fiorre na sina Mr. Alkerson Del Fiorre at Ms. Amaranthe Del Fiorre," pagsisimula ng top agent ng aming kompanya kaya nagsipalakpakan na ang mga bisita.





Napahawak ako sa suot kong kwentas na ibinigay sa akin ni Rowss. Hindi ko na kasi ito inilayo sa akin simula nung nasuot ko na ito. At kahit papaano ay binigyan ako nito ng lakas para lumaban.





"Let's start with the gathered shares from both sides up until January 22, 2021," wika ng top agent sabay project ng presentation sa malaking white screen sa harap naming lahat.






"Mr. Alkerson gathered at most 34.9% while Ms. Amaranthe gathered at most 25.3%," dagdag niya.





"Ang laki ng gap."





"Alam na kung sino ang mananalo."






"Hindi pa ba final ang shares?"





Dinig naming pagsasalita ng mga bisita. Biglang nag-iba ang screen sa isang timer, tapos nag split screen ito ng timer at ng 3D pie graph ng kabuuang bahagi namin ni Alkerson. Ang shares namin ay ikinompara sa kabuuang pera ng kompanya. Dito malalaman kung sino ang may kakayahang magpalaki ng pera at upang masukat kung sino ang karapat dapat na ang mamumuno nito.





"May pahabol pa tayong tatlumpung minutos upang tuluyan ng isara ang pagkukuha ng shares sa dalawang kandidata ng DF, kung meron man sa inyo ang gustong magdagdag ng investment ay maaari niyo po itong itransfer sa account nila," dagdag ng agent.






Tiningnan ko lang si Alkerson na nakapoker-face lang sa tabi ni dad. Sobrang confident na mananalo siya rito.






END OF CHAPTER 51.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top