Chapter 5: Lenz Elite Party



Here we are, at Lenz's House.



It's already passed 7 PM pero nasa sala lang kami ni Stephanie nakaupo while ang iba busy sa pagsasayaw at pag-iinom. Marami-rami ring mga estudyante ang nandito ngayon.





"I'm sorry Ame nadamay ka pa rito, sana hindi nalang kita isinama, nabored ka pa tuloy," hindi ko alam kung para saan siya nagsosorry, kung sa pagiging mahiyain niya o pagiging outcast.






Tumayo ako. "Anong gusto mo? Softdrinks? Wine? Juice? Kukuha ako, mukhang nagriritual ka pa kasi riyan eh."





"H-ha?" 




"Pinsan, kung gusto mong kausapin si Lenz lapitan mo na agad, hindi naman ang daungan ang lalapit sa barko diba," tugon ko.





Tiningnan niya si Lenz na abala sa pakikipag-usap sa mga babae. "I don't think so, I don't have the guts, look at those girls, walang-wala ako kompara sa mga 'yon."





I can't help but to roll my eyes because of pitying her. "Kukuhanan nalang kita ng tequila mukhang mandown ka kasi eh, para na rin mabawas bawasan ang pagkatorpe mo," lumapit ako sa counter table kung saan may naghihintay na bartender.





Napansin ko rin na busy sa pakikipaghalubilo si Rowss sa mga kakilala niya. But I feel so worse right now, why? Kasi sa mga oras na ito nakaubos na sana ako ng isang case ng beer, I really hate playing this dumbass angel thing.





"One glass?" bartender.





"No, no, just give me one bottle and two glasses." Tapos bumalik na ako sa kinauupuan namin.





"Hindi ko alam na umiinom ka pala," Stephanie.





"Umiinom kami ni lola minsan sa bahay, and to be honest natuto na akong uminom noong 15 pa lang ako," tugon ko.





Nag-inuman kaming dalawa. Halos nakakabingi na ang ingay sa labas ng bahay kung saan nagdidisco ang mga bisita. Parang gusto kong makisayaw pero hindi ko maiwan si Stephanie.





"You kept on glancing at Lenz, lapitan mo na kasi," ani ko.





"He will never fall for me, I like him so much since middle school palang kami, pero palagi niya lang akong iniiwasan na parang hindi ako nag-eexist sa mundo niya. Ghad, bakit ang tanga-tanga ko?"





Bigla siyang tumayo at lasing na kung kumilos. Ang baba pala ng tolerance ng alcohol ng isang 'to, sana hindi ko nalang dinamihan ang pagpapainom sa kaniya.





"Where are you going?" tanong ko.





"It's a party Ame, dapat mag-enjoy tayo, lalabas lang ako para sumayaw," tugon niya.





I just let her go outside. Inubos ko na ang alak tapos bumalik ulit sa counter. "Can you mix that wine and that wine please? And shake it properly, I miss that."




Ngumiti lang ang bartender at sumunod sa request ko.





"Hey I haven't seen you before," bungad ni Lenz na kakalapit lang din ng counter.




Pero nginitian ko siya. "I'm Stephanie's cousin, have you heard about my cousin's affection for you? Or you already did but you just ignore her?"





"Stephanie? Ah you mean Stephanie Conzuelo? What about her?" he scoffs.





Tumingin ako sa bartender. "Can you make two? Para lang sa manhid na 'to."





Tumawa siya. "You're an interesting one."





"You're being a jerk you know," dagdag ko sabay bigay sa kaniya ng glass of wine.





"You have a good taste of wines, it's been a while din to drink with someone like you," sabi niya habang nakatingin sa baso.





"I know you're already aware of Stephanie's feelings pero binalewala mo siya, you just wasted someone precious just because you're busy collecting trashes." Ininom ko lahat ng wine na nasa baso ko. "If you don't like her do not just ignore her, tell her directly, huwag mong gawing tanga ang pinsan ko, iyan kung lalaki ka talaga."





Tumawa ulit siya. "I don't know who you are but I like your personality."





Nginitian ko siya. "Save that for another trash. I don't need your compliment."






Umalis ako sa counter at nakita ko si Stephanie na nag-eenjoy sa pagsasayaw sa labas kasama ang ibang bisita.





"Are you okay?" tanong ni Rowss sa akin. Napansin kong nakasuot na siya ng jacket ngayon, it's getting cold na rin. Gabing-gabi na.





"Yeah," ikli kong sagot.






"Give me your phone number so I can call you," ani niya.





"I don't have one." Ako.





"Really? How about social media or--,"





"I don't have," ako.





"Why are you so mysterious and secretive?"





Tiningnan ko siya. "Is that a bad thing?"





Nabaling ang atensyon naming dalawa nang huminto ang music at nagsisigawan na ang mga tao sa labas, nag-aaway.





"Back-off bitch! And you think magkakagusto si Lenz sa'yo? How pathetic!" sigaw ng isang babae kay Stephanie.





Nasa ground na si Stephanie habang pinagkakaisahan siya ng apat na babae, yung mga babae na kausap ni Lenz kanina. Minura nila at pinaghahablot din ang buhok niya. Tumatawa lang din ang mga nanonood sa kanila nang walang niisang nagtangkang awatin sila. Kaniya-kaniya rin silang kumukuha ng video.




Pero mas napansin ko ang dalang glass wine ni Rowss na may laman pa ng wine.





"You dumb bitch! Wake up! Hindi magkakagusto si Lenz sa'yo, you're so disgusting!"




"F*cking loser!"





"Assuming ka girl?"





Gusto sanang lapitan ni Rowss ang mga babae pero hinawakan ko ang braso niya't kinuha ang glass wine at ininom ko ito. He gave me a weird reaction.





"Look how pitiful she is!"





"Hahaha! Go back to where the hell you came from!"





"You're just a daughter of a low-class entrepreneur, you are never like us!"





"May lakas-loob ka pang magpunta rito!"





"This is an elite party, hindi ka nababagay dito!"





Inihagis ko ang glass wine sa tiled floor kaya sobrang lakas ng pagkakabasag, nabaling lahat ng atensyon nila sa akin. I tied my hair and stretched my arms, napakakondisyon ko ngayon.




Hindi na ako nagdadalawang-isip na lapitan sila at hinablot nang sabay ang buhok ng dalawang babae sabay itama ito sa malapit na mesa. Sinuntok ko naman ang dalawa pa kaya lahat sila nakahiga na sa lupa.





"Who the hell are you?!" sigaw ng isang babae na puno na ng pasa ang mukha.





"Oh me? I'm just no one, hindi ko rin kayo ka-level, at wala akong pakialam kung kaninong anak kayo," ngisi kong tugon.




Akma ko na sanang sipain ang isa pang babae pero umeksena si Lenz, "STOP!!"





I smirked and continue kicking her stomach. After that, I gave a deep glare at Lenz. But he wasn't bothered at all. Agad naman akong nilapitan ni Rowss at isinuot niya sa akin ang jacket niya. Pinatayo ko na rin si Stephanie.




"Let's go home," bulong ni Rowss.





END OF CHAPTER 5.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top