Chapter 49: Failure

Heartbeat

Heartbeat

Heartbeat stops



A moment of silence



Time of death. 05:15 AM January 22, 2021




###



Rosalia's POV




CURRENT TIME OF THE DAY:
10:47 PM
January 21, 2021






Nakarating na ako sa airport, tinawagan ko ang assistant kong nasa Northern Sector na si Polina.






"Magandang gabi ho ma'am Rosalia," bati niya sa kabilang linya.





"Polina, may flight ako papuntang North in an hour, I want you to prepare my rest house before I arrive there," utos ko. Agad naman siyang tumango tapos binaba na namin ang call.






Sinubukan ko ring tawagan si Anastacia pero hindi siya sumasagot, malapit nang mag-aalas onse ng gabi. Naisipan ko nalang na iwan siya ng mensahe.





PAGKALIPAS NG DALAWANG ORAS.





Anarson's POV

Agad-agaran kaming pinapapunta ni dad sa kaniyang opisina sa bahay, pagkatingin ko sa orasan ay ala-una pa ng madaling araw ngunit seryoso ang mga ekspresyon sa mukha nila. Nasa loob na ng opisina pagpasok ko sina dad, Alkerson, si mom, si Mr. Sua, at ang mga top agent ng kompanya namin.





"Heyo! Everyone's here! Kulang nalang si Amaranthe at makokompleto na ang Pamilya de Del Fiorre sa kwartong 'to," masiglang bungad ko sa kanila pero niisa ay walang ngumiti. Okay fine, korni.





"Anak Anarson, maupo ka iho may pag-uusapan lang tayo," wika ni mom na siya lang ang pumansin sa akin.





"Ma? Anong pag-uusapan? Is it going to be serious? Since nandito ka rin despite of being busy at the White House?" agad na tugon ko at napaupo sa 'di kalayuan ni Alkerson.






"We decided to move the succession tomorrow in the afternoon," sapaw ni dad na seryosong nakatingin sa akin.






"WHAT?! T--Tomorrow? You're kidding right?" kompirma ko.






"Just give up the company Anarson, wala ka rin namang mapapala sa pagiging trying hard mo eh," singit naman ni Alkerson.






"No," agad na tugon ko at ngayon ay nabahidan ng seryoso ang ekspresyon ko.






"Wala kang kapangyarihan para pigilan kami sa desisyon namin," wika naman ni dad kaya uminit ang ulo ko.






"Really? Kung tutuusin nga ako ang mas may karapatang umangkin sa kompanya dahil ako ang mas nakakatanda ni Alkerson, at isa pa kung mananalo si Alkerson isa lang ang patutunguhan ng lahat ng ito kundi ang pamamaalam ng Del Fiorre sa mapa ng negosyo," paliwanag ko sa side ko. Pero kahit pa man na ilang katagang ilalabas ko sa bibig ko, niwalang makikinig sa akin.







"Just let Alkerson succeed the company," wika naman ni mom.






"Ma? Pati naman ikaw?" sumbat ko.







"So I can leave in peace from your father," tugon niya sa akin.






"No, no Ma, ayaw ko, hindi ako papayag, mas lalong hindi ako papayag, dalawa kami ni Amaranthe na hindi papayag maghiwalay kayo ni Papa," paglalaban ko pa.






Dahan dahang napalingon si dad kay mom, nakikita ko pang may natitirang pagmamahal pa siya kay mom kaya hindi ako papayag na mawasak ang pamilya namin.





Biglang may pumasok sa opisina na hindi ko inaasahan.





"Magandang umaga sa inyo," bati ni Rosalia at nag bow sa harap namin.





I smirked at napamewang ako. "Kung alam ko lang na magfafamily reunion tayo edi sana pinauwi ko na rin si Amaranthe dito."






"Amaranthe agreed that she will stay in South until the succession is over," wika ni dad.





Natigilan ako nang marinig iyon.





Ano? A--Amaranthe did what?





"Alam kong alam mong talo ka na Anarson, just give it up," dagdag naman ni Alkerson.






Napakuyom ang kamay ko habang nakatingin sa kanila isa-isa. Walang niisang myembro ng pamilya namin ang nakakaintindi sa akin. Is this my punishment for growing up as a rebellious child? All my life I've been protecting my family from harm, lalong lalo na si Alkerson. Ako ang pinakamatanda sa aming magkakapatid kaya nasa akin ang mabigat na nararamdaman.






Lumabas ako ng opisina na may pagkakabagot sa puso. Pagpasok ko sa kwarto ko, ang unang pumasok sa isipan ko ay magwawala, kahit anong nakikitang bagay at nahahawakan ko ay inihagis ko. Pero hindi pa rin ako nakontento. Kinalaunan ay pumunta ako sa isang club kahit na madaling araw pa para uminom. Alas kwatro pa ng umaga.





Nasa isang kwarto lang akong nag-iisang umiinom ng isang case na beer.






"Sir, magpapadagdag pa po kayo ng beer?" tanong ng kakapasok na waiter sa room ko.






"Oo, bigyan mo pa ako," lasing na tugon ko at pinagmasdan siyang lumabas sa glass door ng kwarto. Kitang-kita ko kung sino ang mga dumadaan sa hallway.






Kinalaunan ay nakita kong dumaan si Rosalia sa hallway na may dala-dalang brown envelope. Hindi ako nagdadalawang isip na lumabas at sundan siya habang abala siyang nakikipag usap sa kaniyang telepono. Bigla siyang pumasok sa female's CR kaya dahan dahan rin akong pumasok dahil walang ibang tao sa loob.






"Oo huwag kang mag-aalala, papunta na rin naman si Alkerson dito, I'll get this done as soon as possible," huling sambit niya sa kausap niya sa telepono.






Sinilip ko siya habang inaayos niya ang kaniyang buhok sa harap ng salamin tapos pumasok na siya sa kubeta ngunit iniwan niya ang bag at envelope niya sa wash area. Dali dali ko namang tiningnan ang nasa loob ng envelope at nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.






Isa itong agreement, na may nakasaad na mabibigyan siya ng porsyento sa bahagi ng kompanya namin...





at hindi lang doon...





may paraan na mapapasakaniya ang buong porsyento kapag...





mamatay si Alkerson...





Nanginginig ako habang binabasa ko ang papeles. It was legally signed by an attorney, syempre alam ko ang patakaran nito dahil nag-aral ako ng law noong kolehiyo kasabay si Amaranthe. At ito nga ang pormat sa isang legal na papeles pero wala pang pirma sa pangalan ni Alkerson.





Pupunitin ko ba ang papeles?





Pero kahit na pupunitin ko ang papeles na ito, may pangalawa pa at pangatlo.





Tiningnan ko ang bag ni Rosalia at mas lalo akong nanginginig nang may nakita akong pang-overdose medicine at kutsilyo sa loob. Dahil sa lasing ako, halos umiikot ang paningin ko sa galit. Wala na ako sa katinuan.






"What are you doing!!" sigaw ni Rosalia nang makita ako.





"You wench!" sagot ko.





"Bitawan mo ang mga gamit ko!" sabi niya at akmang hablutin ang kagamitan niya sa kamay ko.





Pero ibinaling ko ang kamay ko sa leeg niya, sinakal ko siya. Nasandal siya sa dingding ng wash area habang pilit na inialis ang kamay ko sa kaniya.





"Anarson, bitawan mo ako!" pagpupumilit niya.





"How dare you plan on killing my brother huh?" tugon ko.





"Eh ano ngayon? Talo ka na naman, the company is already waiting for Alkerson, at hindi mo na mapipigilan iyon!" tugon din niya.





"Wala na akong pakialam, nasa akin ngayon ang kasagutan sa lahat ng plano mo, hindi mo makukuha ang DF sa amin Rosalia," pagmamatapang ko.





"The DF will be mine!" Ngumisi siya kahit na namumula na siya sa pagkakasakal ko.





I grinned. "No, and you can't touch my brother as well or anyone in my family."





Hindi ko sinadyang maisaksak sa tiyan niya ang kutsilyo. Sinaksak ko siya. T-talagang sinaksak ko siya. Wala na ako sa katinuan.






Agad na sumigaw ang mga babaeng kakapasok ng CR nang masaksihan ang pangyayari. Nakahandusay na sa sahig si Rosalia at may dugo ang mga kamay ko.





Nanginginig ang mga kamay ko. Nakatulala sa katawan ng babaeng binawian ko ng buhay. Hindi ko inisip na magagawa ko ito.





I--I killed someone.





END OF CHAPTER 49.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top