Chapter 48: Love or Money


Rowss' POV


"Would you dare to give up your position and company for her?" iyan ang paulit-ulit na sumagi sa isipan ko.





"I'm fine with your condition," Amaranthe.




Fuck! Why does it has to go this way? Ito na sana ang pagkakataon na bumalik na siya sa akin pagkatapos ng aking dalawang buwang pagdadalamhati pero inilayo na naman siya sa ibang dahilan at sa oras na ito, hindi ko na alam ang gagawin.





"Mr. Young President?" tawag sa akin ng isang board member.





Bumalik ang katinuan ko sa meeting room. Sobrang occupied lang ng isipan ko na nakalimutan kong nasa kalagitnaan kami ng pagpupulong. Nagtataka ako sa mga reaksyon ng karamihan at kung tatanungin ay mukhang kakaiba ang pagpupulong na ito sa aming mga nakaraang pagpupulong. Dahil ngayon ay nakisali at katabi ko sa upuan sina mom at dad.





"Ah yes? A--ano nga ulit yung sinabi mo?" tugon ko.




"Namangha lang po kami sa kakayahan niyo Mr. Young President kaya napag-desisyonan naming isuhestiyon ang pagpapaaga ng succession day mo ng kompanya," mapagkumbaba na sagot ng isang board member na mas matanda keysa sa akin.






Malaking ngiti ang ibinigay ni mom sa akin habang hinahaplos haplos niya ang braso ko. Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat, sina mom at dad, at pati na rin ako, pero bakit mabigat sa akin, halos mukha lang ni Amaranthe ang nakikita ko. I should feel happy about this pero at the same time kinakabahan.





"I---," pagsasalita ko kaya napalingon silang lahat sa akin. "I'm going to give up my position."





"Rowss!" suway ni dad.





"Anak, ano ba 'tong pinagsasabi mo?" suway din ni mom na parehong nagulat nina dad.





"Tama ba ang narinig namin?" kumpirma ng ibang board members na nanlaki ang mga mata.





"Anak, may problema ka ba? Bakit mo naman nasabi ang mga katagang iyan? Pinaghirapan mong makaabot sa posisyong ito," pangungumbinsi ni mom.





"I--I think there's a misunderstanding, huwag niyong seryosohin ang sinabi ni Rowss," pinagtakpan pa ni dad.





Lumabas ako ng meeting room at napasandal sa dingding ng hallway. What am I thinking? Ang hirap maglabas ng desisyon lalo na't naiipit ako sa dalawang importanteng bagay. Ano ba ang papairalin? Kayamanan o pag-ibig? Kagustuhan ng pamilya o kagustuhan ng puso ko?





KINAGABIHAN, nakaubos na ako ng dalawang bote ng rum. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang takbo ng relasyon naming dalawa ni Amaranthe. I wanted to protect her but I couldn't do anything. I wanted to give up everything just for her but still I couldn't do anything.




"I'm fine with the condition," Amaranthe.





Inihagis ko ang baso ko sa dingding ng dining room namin kaya nag-aalalang pumasok si Manang Ema.





"Rowss, iho, ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba nagkakaganito ha?" pag-aalalang tanong niya.





Sobrang basa na ang aking mukha dahil sa luha at pawis. Tiningnan ko si Manang ng mga namamaga kong mata. "Manang, bakit malupit ang mundo?" tanong ko na para akong isang batang iniwan ng ina.






"Iho, kung ano man iyang pinoproblema mo, malalagpasan mo rin iyan, ngayon lang mapait ang mundo sa'yo pero hindi ibig sabihin na habang buhay ka ng magiging ganito, matulog ka nalang tapos bukas pag-usapan natin iyan, magiging okay na ulit ang lahat," tugon ni Manang.






"Manang, hindi mo ako naiintindihan eh, paano magiging okay ang lahat kinabukasan kung wala na akong magagawa dahil doon?" hagulhol ko.





"Iho, may magagawa ka sa lahat ng bagay, kaya itulog mo na iyan para bukas mas magkakaroon ka ng lakas na hanapan ng solusyon ang problema mo, kung ano man iyan hindi pa katapusan ng mundo," pangungumbinsi ni Manang Ema. Pinatayo niya ako at inihatid sa kwarto ko. Hinubad ko na ang pang-itaas kong damit tapos sumbsob sa higaan.





Pumasok din si lola sa dining room. "Iho Rowss, sabihin mo sa akin ang problema, makikinig ako."





"Tama si Manang, matutulog na ako, pagod kasi eh, bukas nalang," mahinhin na sabi ko at unti-unting lumabas ng dining room papunta sa aking kwarto.





Rosalia's POV

"Tahan ka na nga Anastacia, kasalanan mo rin naman kung bakit nagmamatigas ka sa kondisyon ko, kung hindi mo sana minamadali lahat edi sana nasa kamay mo na si Rowss ngayon," sermon ko kay Anastacia. Hindi kasi siya kumakain nang maayos at palaging nagkukulong sa kwarto.






"I don't know what to do anymore!" galit na sagot niya. She's been like this for days.





Iniwan ko nalang muna siya sa kwarto niya.
"Hoy kayo!" tawag ko sa mga kasambahay namin.





"Yes po ma'am?" tugon nila.





"Bantayan ninyong maigi si Anastacia ha, ayaw kong iniiwan iyan mag-isa sa kwarto baka mamaya maisipan niyang kitilin ang buhay niya," utos ko sa kanila.






"Opo ma'am."





Ayaw ko lang na may mamamatay na naman sa pamilya namin. Namatayan na kami ng kapatid kaya ayaw ko lang maulit iyon.





Atty. Abapo is calling...






"Hello?" sagot ko.






"Miss Taylor, nakuha ko na po ang iniutos niyo," tugon niya.





Nabahidan ng ngiti ang mga labi ko sa balita kaya agad kaming nagkita ni Atty. Abapo. Nasa loob ako ng private limo ng pamilya namin at kinalaunan ay dumating na ang attorney at nakisakay rin sa limo. Itinaas ko na ang takip sa pagitan namin at sa driver para hindi marinig ang pag-uusapan namin. Si Atty. Abapo ang matagal ko ng kasabwat sa mga papeles na ginagamit ko sa mga plano ko at niminsan ay hindi pa niya ako nabigo. Mas lumaki ang ngiti ko nang makitang dala niya ang dokumentong kakailanganin ko laban sa mga Del Fiorre. Oras na para kumilos ako.






"Kompleto na ba ito?" kumpirma ko.





Tumango siya. "Oo, legal na legal ito kaya wala silang karapatang umayaw sa kondisyon ng nasa dokumento, ang kinakailangan mo lang gawin ay papirmahin si Alkerson sa bandang ibaba," tugon ng attorney.





"Hmm, hindi naman mahirap gawin iyon. Excellent job as always Atty. Abapo, don't worry, I will transfer a huge amount of money into your account later, gaya ng dati, keep this confidential," tugon ko din.





"Makakaasa ka," ngumiti din siya, ngiting may bahid ng kasamaan. "Oo nga pala, kailan ang succession day ng mga Del Fiorre? Ba't minamadali mo ang mga dokumento?" pahabol na tanong ni attorney.





"This saturday," malumanay na sagot ko.






"Ah, that's two days from now," attorney.






Pagkatapos ng aming pag-uusap ay bumaba na siya at umalis na kami sa lugar. Kinuha ko ang phone ko at agad na nagbook ng flight papuntang north.






"Miss Rosalia, saan po tayo papunta?" tanong ng driver nang dahan dahan niyang ibinaba ang takip.






"Sa airport," ikling tugon ko.






END OF CHAPTER 48.
ITUTULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top