Chapter 47: Rest House
Amaranthe's POV
KINABUKASAN. Tinawagan ako ni Mr. Sua. I'm still half awake. Iba talaga 'pag makatulog ako sa kwarto ko sa bahay ni lola. Hindi ko kasi kailangan bumangon nang maaga. Pero pagkababa ko, laking gulat ko nang may pagkaing nakahanda sa dining room.
"Yes Mr. Sua?" sinagot ko ang tawag.
"Miss, papunta na sa South ang may-ari ng Hallister Jones na isang Canadian International Company, may balak silang bilhin ang rest house ngayon," tugon niya.
"Ano?! Anong oras sila darating?" tanong ko.
"In an hour po," Mr. Sua.
Putangina. Kakagising ko lang ta's ito bubungad sa akin. Dali dali na akong naligo at nagbihis para puntahan ang rest house agad agad. Wala pa ako sa katinuan pero bahala na, ang importante ay mapigilan ko sila.
"Oh pinsan, gising ka na pala," ani ng kakapasok na si Stephanie.
Laking gulat ko naman nang makita siya. "Anong ginagawa mo rito? Sino ang nagbabantay ni lola?" tanong ko.
"Si papa lang muna ang nagbabantay roon, pinaghandaan na kita ng pagkain dahil sinabi ni Warren na intense daw ang ginawa mo kagabi sa harap ni Rowss," nakangising tugon niya.
"Ah okay okay, pero kailangan ko ng magmadali, may gagawin pa kasi ako," sabi ko naman.
"Bakit? Sa'n punta mo?" tanong niya.
"Sa rest house namin," ako.
Papalabas na ako ng pinto pero may pahabol pa siyang tanong. "Anong address ng rest house niyo?"
Isinuot ko na ang sapatos ko. "Ah, tingnan mo nalang sa itaas ng ref may calling card diyan, may address din ng rest house, alis na ako Stephanie ah bye!"
Agad akong sumakay ng sasakyan ko at lumabas na ng subdivision, hinihiling ko nalang na sana walang traffic ngayon.
Stephanie's POV
Naging yelo lang akong nakatingin kay Ame na nagmamadaling umalis ng bahay. Pagkatingin ko sa mesa ay hindi man lang niya ginalaw ang pagkain na inihanda ko. Hays.
"Ame! Nakalimutan mong kumain!" sigaw ko pero hindi na niya narinig.
Tiningnan ko sa itaas ng ref ang calling card na sinabi niya, may calling card nga sa rest house at may nakalagay din na address. So it's time to call someone. Hehe.
calling Rowss Blaze Sanchez...
May number ako ni Rowss dahil binigyan niya ako ng calling card three months ago, for future purposes, at ngayon ang future na 'yon. He-he-he.
"Hello? Stephanie?" sagot niya.
"Hi Rowss, hindi ba mahal mo ang pinsan ko? Puntahan mo siya sa address na itetext ko sa'yo, nanganganib buhay niya," tugon ko at agad na ibinaba ang call.
Speed langxzs.
Gusto ko lang naman silang i-set up lalo na't nalaman kong hiwalay na sina Rowss at Anastacia. Sana, pasalamatan ako ni Ame pagkatapos nito. Hehehehe.
Pero nainis ako dahil hindi kumain si Ame sa iniluto kong pagkain, pero di bale na ako nalang kakain nito.
Amaranthe's POV
Pagkatingin ko sa oras, 15 minutes nalang ang nalalabi sa sinabi ni Mr. Sua. Nasa kalagitnaan pa ako ng kalsada. Sigurado akong mas mauna pang makarating ang Canadian kaysa sa akin.
Naalala kong may short cut dati kaming dinadaanan ni lolo, madadaanan ko pa kaya iyon ngayon? Try ko nalang.
Pagkarating ko sa rest house ay nakita kong may nakaparadang puti na van sa loob, malaki ang kutob kong dumating na ang may-ari ng Hallister Jones. Agad akong pumasok sa aming malaking rest house.
Ang rest house namin ay nakatayo sa isang medyo kakahuyan na kalupaan at may karagatan ding makikita sa di-kalayuan. Kami ang pribadong nagmamay-ari sa lahat ng kalupaan dito hanggang sa dagat. At magiging sa akin lahat ito sa pagsapit ng aking ika-23ng kaarawan.
Nadatnan kong nakatayo sa gitna ng guest room ang babaeng mala-donya ang pananamit at napaka-mestiza ang kagandahan. Sa palagay ko nasa mid 40s na siya. Dahan dahan naman siyang napalingon sa akin. Ang sungit ng tingin niya.
"You must be Amaranthe Del Fiorre?" bungad na tanong niya kaya napakunot ang noo ko. Bakit niya ako kilala?
"Madame, please you cannot buy this rest house," tugon ko naman.
"And why not? I already got your father's approval, why would you dare to stop me from doing this? Do you have the power over me?" sagot din niya.
Hindi ako makasagot. She's right. Wala akong kapangyarihan dahil isa lang akong hamak na anak ng DF. Hallister Jones is one of the famous worldwide companies. They are freaking filthy rich for pete's sake, walang wala ang Del Fiorre sa kayamanan nila. But the only thing that bugs me is why in the world would they want our rest house? This is just a simple rest house my grandpa built for me.
"This rest house was built for me. Therefore, I have the right to decide on what to do about this," tugon ko.
"But dear, this rest house is yet unofficially yours, it's still under your grandfather's name right now and since he already passed away, I have to negotiate with his son and NOT with his grandchild," tugon din niya.
What should I do? I came empty handed, wala akong panlaban sa kaniya. At tama rin siya na wala pa akong karapatan sa bahay na ito dahil hindi pa naman totally sa akin ito kapag hindi pa ako tumuntong ng 23 taong gulang, I'm still 22.
"H--how did you convince my father?" ako.
"It's quite simple really, I will invest to Alkerson a huge amount of money for his succession," pagmamatapat niya. Sobrang nanlaki ang mga mata ko.
"And you will really do that?" ako.
"Your father came to me first, and then we made a deal, so tell me Amaranthe, what can you do to stop me?" tugon niya.
Shuta, hindi lang din pala si Alkerson ang tanga rito, at pati si dad. Hindi ba niya inisip na kayang bilhin ng Hallister ang kompanya namin kung gugustuhin nila? He came to her first? Gago. Kung mananalo si Alkerson, hindi lang ang Crystal ang tutuligsa sa amin kundi pati na rin ang Hallister.
"You-- tell me," ako.
"Are you sure? Because I have another offer, I won't invest to Alkerson anymore, instead you have to agree with my condition," tugon niya.
"And what is that?" pagmamatapang ko.
"You have to marry my son," tugon niya.
H--Ha? M-marry h-his son??
"WHAT?! NO!" biglang eksena ni Rowss sa likuran ko kaya napatingin kami pareho sa kaniya. Rowss what the heck are you doing here?
"And you must be the only son of Twistolar Company, am I right?" Nakilala ng donya si Rowss.
"I will do it instead," sagot ni Rowss.
"What? You want to marry my son?" kompirma ng donya.
"No, I mean I want to do your condition instead of her, just spare this rest house and her family," Rowss.
"Okay then, would you dare to give up your position and company for her?" tugon ng donya.
Nagulat ako. "What? wait, do not involve him in this, I--I'm fine with your condition."
Ngumisi lang siya at lumabas na walang kahit isang salitang binitawan pagkatapos nun.
Napaluhod ako sa kabobohang ginawa ko. Did I just agree myself to be arranged to someone?
END OF CHAPTER 47.
ITUTULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top